MAIKLING KWENTO: lihim na liham

MAIKLING KWENTO: lihim na liham

A Story by Sam Po

“LIHIM NA LIHAM”
Mataas na ang tirik ng araw nang makarating ang magkasintahang Mike at Chloe sa Samar kung saan lumaki ang dalaga. Ayaw na sana niyang pumunta pa sa lugar na iyon dahil sa isang masaklap na pangyayari na bumago sa kanyang buhay ,ngunit kinakailangan dahil sa lumalalang cancer ng kanyang ina at ngayon ay nag aagaw buhay . Pagkababa ng sasakyan ay agad na pinagmasdan ni Chloe ang bahay kung saan may mga alaalang hindi niya malimutan .Ala-alang puno ng ligaya ngunit humantong sa mapait na pangyayari. Ang kanilang tahanan ay gawa sa kawayan at medyo may kalumaan na

“Chloe? ” Tinig ng kanyang nakakatandang kapatid na si Cavill ang nagpabalik sa kanyang malalim na pag-iisip. ”hindi ka man lang nagsabing ngayon pala ang dating mo , di sanay nasundo ka namin”.

“ Kuya , ayaw ko namang maabala pa kayo . ” saad ni Chloe.

“Siyanga pala Kuya si Mike boyfriend ko .” pakilala ni Chloe sa kanyang kapatid .

“Kumusta Pare ? ni hindi man lang binanggit nitong kapatid ko na may boyfriend napala siya sa Maynila.” May himig na pagtatakang saad ni Cavill.

“Pasensya na gusto ko na sanang ipaalam sa inyo ng mas maaga , ngunit ayaw kung pilitin si Chloe . kaya heto sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkakilala. ” sabi ni Mike.

Matapos ilagay ang mga gamit nina Chloe ay agad na pumunta sila sa Ospital. Ang sabi ng kuya niya at ng kanyang iba pang kamag-anak na ilang araw na itong walang malay dahil sa itinurok na gamot. Tumabi siya sa kama kung saan nakahiga ang kanyang ina at pinagmasdan ang kalagayan nito. Nakakaawang tignan ang kalagayan nito dahil pumayat ito at unti-unting nalalagas ang buhok nito.Mayamaya dahan-dahan gumalaw ang mga kamay at mata ng kanyang ina.

“Anak , mabuti at dinalaw mo ako , akala ko hindi kana babalik dito sa Samar. Alam kung hindi na ako magtatagal sa mundong ito kaya hanggat may panahon pa gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko at sanay mapatawad mo pa ako .” naghihikahos na salaysay ng kanyang ina.

Matapos malaman ang kinaiingatang lihim ng kanyang ina , dali-dali siyang pumunta sa bahay at hinanap sa ilalim ng kama ang kahon ng kinalalagyan ng liham. Sobrang luma na ng kahon at puno ng alikabok. Agad na binuksan niya ito at dahan-dahang kinuha ang sobre. Ang liham ay galing sa kanyang unang kasintahan,tinignan niya ang petsa kung ito
kalian isinulat , Abril 28,2007. Napatigil siya at hindi makapaniwalang anim na taon itong itinago ng kanyang ina.

Si Dylan ang unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Dito umikot ang kanyang mundo sa loob ng dalawang taon nilang relasyon.Inibig niya itong tunay na parang si Dylan na talaga ang tinadhana para sa kanya . Pero, bigla itong naglaho ng parang bula.Iniwan siyang sugatan ang puso.
Nakalahad sa liham ang tunay na dahilan nito kung bakit ito biglang nawala ng walang paalam man lang.

Dear Chloe,
Siguro sa oras na ito na binabasa mo ang sulat na ito ay wala na ako sa tabi mo. Alam kung nagtataka ka kung bakit bigla kitang iniwan .May ipagtatapat ako sa iyo , mahirap mang tanggapin pero bakla ako. Niligawan kita dahil akala ko may pag-asa pa na makumbinsi ko ang aking sarili na maging lalaki. Sa loob ng dalawang taong relasyon natin naging masaya ako sa piling mo pero mahirap talagang pilitin ang sarili ko.Pasensya sana makahanap ka ng tunay na lalaki na magmamahal sa iyo ng higit pa sa pagmamahal ko .

Nagmamahal ,
Dylan



Naiintindihan na niya kung bakit nagawang itago ng kanyang ina ang liham ni Dylan para sa kanya.Masakit mang isipin ngunit napatawad at natanggap na niya ang katotohanan , dahil sa insidenteng ito ay natotonan niyang maging matatag at mahanap ang kanyang bagong nobyo na lubos na nagmamahal sa kanya si Mike.

© 2014 Sam Po


My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

3363 Views
Added on July 13, 2014
Last Updated on July 13, 2014
Tags: tagalog, maikling kwento, lihim, liham

Author

Sam Po
Sam Po

Philippines



About
I'm not good in this field, but I realized I need to sharpen my weakness and practice my writing skills. I find this site as a good place to practice it and I hope I can learn a lot from this site. .. more..

Writing
Waiting Waiting

A Poem by Sam Po


Untitled Untitled

A Poem by Sam Po