Definitions I learned

Definitions I learned

A Story by handyfeelings
"

This story is based on my opinion and with the experiences i had when i was in Highschool.

"
Estudyante pa lang ako. Hindi pa graduate at lalong walang laban sa lahat ng sinasabi sa akin.

Simple lang ang buhay ko. Walang gulo, walang inaagrabiyado, tamang - sakto lang ang lahat ng bagay na dumadaan sa buhay ko.

Hindi ko makalimutan noong isang araw na tinanong ko ang sarili ko kung ano ba talaga and salitang karapatan. Bilang estudyante, dapat ko nang malaman ang mga bagay na makapagbubuo ng katauhan ko. Sa isip at sa puso. Hindi na dapat ako magpatay-patayan sa lahat ng nakikita ko at nararanasan ko. Ngunit sa isang banda, naisip kong minsan hindi rin ako makakakilos ng maayos at ito'y dahil maraming kalaban na pwedeng pumigil sayo sa lahat ng bagay na gusto mong ipaglaban.




"What is the definition of teacher?" 

According from the webster dictionary, A teacher is a person or thing that teaches something;especially : a person whose job is to teach students about certain subjects.


Bago ako grumaduate ng highschool, may ilang gurong naging close sa akin. I can say that... "They have done a big part in my development as a person". Lahat ng bagay na di ko natutunan sa loob ng bahay ay natutunan ko sa loob ng isang kwadradong lugar na may apat na gilid. Hindi maliit at hindi rin ito malaki. Tamang-tama lang para sa isang klase na dapat kong pakisamahan sa aking paglalagi sa loob ng paaralang iyon. Totoong mahirap makisama, pero nagawa ko namang pakisamahan ang klaseng nagparamdam sa akin na tanggap nila ako sa lahat ng mayroon sa akin. Totoong iba ang tingin sa akin ng mga taong di nakakakilala sa akin. Ilan sa mga sinasabi nila sa akin ay "Yang taong yan, masungit. Mahihirapan akong makasama yan. Sobrang taray eh!" 

I think it's just normal for a person to be judgemental like everybody else does. Maraming nagsasabi na "Ay ako? Di ako judgemental!" pero sa loob loob, grabe na kung makapang-lait sa mga taong kinaiinisan o kinagagalitan nila.

Di ko malimutan noong isang araw na kinailangan ko nang malaman kung ano nga ba ang ibig-sabihin ng salitang guro. Na-define ko na 'to. Kanina pa. Ang alam ko ang guro, nagtuturo ng mga subjects na dapat ituro sa mga estudyante. Nagtuturo ng mga bagay na hindi alam ng mga estudyante. Nagtatama ng mali tulad ng mga magulang sa loob ng tahanan. Nagreremind ng mga bagay na dapat nating maalala.
Naiintindihan ko at alam ko na minsan ay may karapatan ding silang makielam kung ano ba ang mga bagay na maling ginagawa ng isang estudyante. Itinatama lang naman nila ang mali nila, hindi para kontrolin sila, ito ay para ituwid yung landas na dapat nilang tahakin.

Maraming beses kong sinabi sa sarili ko na dapat kong pagkatiwalaan ang mga teachers. Ito ay para matuto, makakuha ng maraming kaalaman na maaari ko i-apply sa buhay ko. Pwede silang maging kaibigan at syempre, maging kaaway.

Isa lang naman ako sa mga estudyanteng nagkaroon ng ilang mga kaibigang guro sa loob ng aking paglalagi sa isang silid-paaralan. Isa sa kanila eh... English ang tinuturo, isa sa mga dahilan kung bakit ako naging mahilig sa pagbabasa ng libro. Naging dahilan para mahalin ko ang salitang ingles. Naging dahilan din para hindi ako matakot magsalita sa wikang ingles. Sumunod doon, ay ang guro ko sa Filipino, mabait siya. Maganda. May tagong pag-uugaling kailanman 'di mo ma-iimagine na kaya din pala niya ang mag-isip ng mga bagay na akala mong di niya maiisip sa isang tao. Naging kaibigan ko nga din pala yung isang titser sa pisika. Naging friends kami, oo, pero matapos ang ilang buwan, nag-iba siya.

Nagawa kong itanong sa sarili kong, gawain ba ng isang guro na siraan ang kanyang estudyante? Gawain ba at kasama ba sa dapat nilang ituro ang mga bagay na nakapepersonal na sa buhay ng isang estudyante? Sa puntong iyon, sinubukan ko na lamang intindihin ang batang pag-iisip ng ibang guro sa eskwelahang pinasukan ko. Inisip ko na lamang na ako'y malapit nang makatapos at hindi ko dapat pang ipantay ang lebel ko sa kanila. Hindi iyon dahil sa nais kong magmalaki kundi ito'y dahil gusto kong patunayan na kahit ginagawa nila sa akin ang bagay na iyon eh hindi ako yung klase ng estudyante na magpapa-patol patol sa ganun. 

Matapos kong makapagtapos ng highschool. Inisip ko naman kung ano ba ang salitang karapatan pagdating sa aming mga estudyante. Karapatan magsalita. Karapatan magsumbong sa mga maling patutuntunan ng sinumang guro. Karapatan para sa pagkakapantay-pantay ng pagtrato sa aming mga estudyante. Marami. Marami pang iba. Pero ano pa nga ba, sa ilang mga paaralan, kahit magsumbong ka, mag-address ka ng problema mo, walang makikinig. Walang kikilos at kikilos lang sila once na isinumbong na sa media. Mahirap magkaroon ng isang paraalan na di marunong makinig sa mismong mga estudyanteng nasa loob nito.


I want a proper attention for all the students studying in every of the schools in every country.

© 2014 handyfeelings


My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

124 Views
Added on March 25, 2014
Last Updated on March 25, 2014
Tags: teachers

Author