The Alpha's MoonA Story by ShyCassandra"I am a wolf and she is my moon", Fenris "My name means protection, why does it feel like I am the one who needs protection? It shouldn't be this way, I know my name is Liv for a reason and I need to"Run, Selene. Please run" hirap na hirap niyang sabi sakin. Kitang kita ko ang mga dugong galing sa mga sugat na natamo niya kanina. Sobrang nasasaktan na siya. "No! I won't leave you here, please." umiiyak na sabi ko sa kanya. Hinding hindi kita iiwan dito, ayoko, please. Hinigpitan ko pa ang hawak sa kamay niya, gusto kong iparamdam na hindi niya mababago ang isip ko, na hinding hindi ko siya iiwan sa madugong mundong to. "Selene, please! " unting unti niyang tinaas ang kamay para mahawakan ang mukha ko at mapahid ang mga luhang tumutulo dito. Bakit kailangan maging mahigpit ang mundo para sa amin? Nandito kami hawak hawak ang isa't isa pero bakit parang ang layo layong makamit ang kasiyahan na gusto namin buuin? "Mahal na mahal kita, Selene" hirap na hirap niyang sabi sakin habang nakangiti. Nakangiti na para bang hindi siya nahihirapan, na para bang ito na ang huling pagkakataon ko na masilayan ang mga ngiti niya. "I promise that the next time we meet, everything will be fine and we will be happy" I want to stop him from saying those words, hindi namin kailangan magkita ulit, hinding hindi kami magkakahiwalay kasi hinding hindi ko siya iiwan dito. Mag sasalita na sana ko pero nakita kong tumingin siya sa likod ko at tumango. Nagulat nalang ako na may humawak sa magkabilang braso ko at pilit kaming pinaghihiwalay. "Sigurado kanaba sa desisyon mo?" tanong ng lalakeng nakahawak sa likod ko. Pilit kong nag pumiglas pero sa lakas niya ay nagawa niya kaming paghiwalayin. "Oo" determinado at malungkot na sagot niya sa lalake. Gulat akong tumingin sa kanya. Ang mga mata kong nagtatanong ay nasalubong ang mata ng lalakeng mahal na mahal ko, mga matang punong puno na lungkot, punong puno ng sakit at pagdurusa. "I'm sorry, Selene." sabay iwas niya ng tingin sakin. Ito ang naging hudyat ng lalakeng nasa likod ko para magsimulang maglakad paalis sa tabi niya habang pilit akong hinihila. "Andito sila!" lalong binilisan ng lalake ang pagtakbo, lalo akong nagpumiglas, ayoko please. Alam kong mga boses ito ng mga humahabol samin kanina, mga taong gustong gusto kaming paghiwalayin. Kinagat ko ang lalakeng pilit humihila sakin at ito ang naging rason para lumuwag ang hawak niya sakin. Determinado at kabado kong bumalik sa kanya, ayoko, hinding hindi kita iiwan dito. Hinding hindi ko sila hahayaang saktan ka pa nila ulit. Sa mga titig niya sakin habang tumatakbo ako palapit sa kanya ay dama ko ang sakit. Ang sakit na nararamdaman niya, sa sugat at sa pait ng nangyayari sa amin. Nagulat ako ng sa kabila ng sakit na nararamdaman niya, nagawa parin niyang ngumiti ulit, nagpapahiwatig na okay lang siya, na magiging ayos din ang lahat. Umiling siya, isang pahiwatig na gusto niya kong tumigil sa pagbalik. "Please, hindi kita iiwan" sabi ko sa isip ko na para bang makakarating to sa kanya. Biglang may humawak saking mga kamay, mas mahigpit at determinadong maialis ako sa lugar nayon. Sobrang higpit na para bang hinding hindi na niya ko hahayaang makaalis. No, no please. Pilit akong nagpumiglas pero hindi niya ko binitawan at nagsimula ng tumakbo habang hila hila ako. "No, please please" sabay tingin ko sa kanya na ngayon ay pilit tumatayo kahit hirap na hirap na. "Fen--" Napabangon ako bigla dahil sa tunog ng alarm clock ko. Umiiyak na naman ako dahil lang sa isang panaginip, hindi ko alam pero alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako, sobrang sakit na para bang ako ang babae sa panaginip na to. Nagsimula ito nong nag 18 ako, simula ng mag birthday ako. Araw araw ko nalang napapanaginipan ang masalimuot na love story ng isang babae at lalake hindi ko naman kilala. "Selene" yun ang pangalan ng babae sa panaginip ko. Ilang beses ko ng napanaginipan to pero kahit anong pilit kong alalahanin ang muka o pangalan ng mga tao ay hindi ko matandaan. Ito ang unang beses na natandaan ko ang isa sa pangalan ng bida sa panaginip ko at pigilan ko man ang sarili kong bigyan to ng meaning. Alam ko sa sarili ko na hindi ko napapanaginipan to dahil lang sa walang kwentang rason. Hindi ito dahil sa impluwensiya ng mga dramang napapanood ko. May pakiramdam ako na dahil dito magbabago ang takbo ng buhay ko. Dahil ako ay si Selene, ang pangalan ko ay Liv Selene Amana and I wanted to know why I am dreaming this dream. Bakit ko nararamdaman lahat ng sakit na meron sa panaginip na to? - "Malapit na siyang makaalala" ayaw ko mang tanggapin ang sinabi ni ama pero alam ko, alam ko sa sarili ko na malapit na. No matter how much I want her to know that it's me, to remember all the memories we had, hindi pa kami handa. "Not now, Selene, give me more time. We're not yet ready" © 2020 ShyCassandra |
StatsAuthor |