“Ayos Lang”

“Ayos Lang”

A Poem by Shineheemi
"

As long as you’re breathing.

"
Nakaupo sa isang sulok at nagiisip,
Sa ingay ng paligid tila walang naririnig,
Hindi alam kung saan nakatitig,
Dibdib ko’y sumisikip.

Nagmahal ng isang taong hindi sya kayang ingatan,
Nagpagod sa isang bagay na hindi pinahahalagahan,
Umiiyak ng magisa,
Umaasang makakahanap ng bagong pag-asa,


Ayos lang ba?,
Mabuhay sa araw-araw na walang ginawa kundi ang huminga?
Gagaling pa kaya ang isipang humihina?
Ayos lang ba? Sumuko sa laban kung pagod ka na talaga?

Gaano katagal ang sandali lang?
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng “mangarap lang”?
Nakikita ba ako, o meron ba talagang lumikha?
Kung meron, sa akin ay maawa ka sana.

Sige.
Ganito ang buhay.
Basta’t nakakalagpas ka sa araw-araw...
Ayos lang.

© 2019 Shineheemi


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

34 Views
Added on November 19, 2019
Last Updated on November 19, 2019
Tags: Life, depression, anxiety, faith, destiny

Author

Shineheemi
Shineheemi

About
Full of SIMPLE and BASIC WRITING. A simple girl who wants to learn more about life. Just a peeking girl who wants to taste the sweetness of life. more..

Writing