Liham (Letter)A Story by ShinA letter that a boy made for his girl friend. (Written n Filipino)Umuulan. Umiiyak siya habang binabasa ang sulat na nakita niyang nakasingit sa sombrero ng lalaking iniwan siya. Krishna, I’m a hopeless
romantic. Naniniwala ako sa true love, sa destiny, sa soulmates at sa mga happy
endings. Puwede ko na ding sabihin na “expert” na ako sa mga bagay na concern
sa pag-ibig. Kahit na sa tingin ng iba na madami na akong alam tungkol doon,
masasabi ko pa rin na hindi ako swerte. Nagkaroon at nawalan na ako ng mga
taong minamahal. Madami na akong naging girlfriend. Naranasan ko nang maiwan,
saktan at umiyak. Noong pangpito ko ng subok para mahanap ang perfect love
story ko, doon ko narealize na, ang love at ako, hindi talaga nagmi-mix. Pinaglaruan ako ng
tadhana. Masaya nga ako sayo, sa atin, pero nawawalan na ako ng lakas para
ilaban ang sakit ko. May leukemia ako. Ayokong sabihin sayo ang sakit ko. Ayoko
kasing malungkot ka. Ayokong mag-alala ka sa akin. Gusto ko, normal ang
relasyon natin. Ayokong maawa ka sa akin. Natatandaan mo pa
ba noong nangako tayo na, kung mayroon mang masamang mangyari sa sino man sa
atin, tatanggapin na lang natin ‘yon at mag move-on. Sana i-keep mo ‘yang
promise mo. Baka kasi habang binabasa mo na ‘tong sulat ko sayo, sumakabilang
buhay na ako. Gusto ko lang na matanggap mo ang huling regalo ko sayo na hindi
ko nabigay, singsing. Tatanungin dapat kita kung puwede kitang pakasalan. I
guess hindi na ako nagkaroon ng chance. Pasensya ka na
kung ganoon ang paraan ko para makaalis. Nasaktan kita. Ayoko mang umalis,
kailangan. Sinubukan kong magpagaling pero, wala talaga. Hindi ko na kaya.
Umalis na lang ako para hindi mo ako makitang nag hihirap. Mas masasaktan lang
ako kung makikita kitang iniiyakan ako. Mas mabuti na siguro ‘yong ganoon. Sana mapatawad mo
ako at sana magkita pa ulit tayo sa kabilang buhay. Maraming salamat
sa pagmamahal, pag-aalaga na binigay mo. Mahal na mahal
kita. Nagmamahal, Joshua © 2011 ShinAuthor's Note
|
Stats
332 Views
Added on October 21, 2011 Last Updated on October 21, 2011 AuthorShinMNL, PhilippinesAboutHi. I'm Katrina. 17 year old who likes writing poems, short stories, and novels for fun. :) I can't really share all my writings here because of school. And yeah, hope you all enjoy them. I .. more..Writing
|