HahayaanA Poem by Second StrangerHahayaan Para akong masisiraan ng bait Sa kakaisip kung babalik Sa piling mo kahit mapait Gusto kong ipilit. Gusto kong bumalik. Gusto kong umulit. Hinihintay kita magpahiwatig Ngunit wala na ang 'yong pananabik Sumasagi pa ba ako sa iyong isip? Hinihintay kitang lumapit Hinintay kitang magparamdam Hinintay kitang humarap Subalit napagod na Tumahan na ang hapong mga mata Kaya hahayaan ko na. Dahil siguro hindi na 'ko kasinghalaga Marahil humupa na ang 'yong pagsinta Kaya hinayaan mo na. © 2018 Second StrangerReviews
|
Stats |