Ang lumikha ng bagong piyesa’y wala sa hagap ng isipan.
Sapagkat katapatan ng sarilii ay nasa iisang salita lamang.
Maglubid man yaring kapalaran
siya’y hindi ko bibitawan.
Sarili’y nakahanda, lumuha ma’t masugatan.
Isang salita lamang, salitang paninindigan.
Anupa’t nakapunla sa isipan.
Talo ang hindi marunong lumaban,
at bigo ang ayaw masakatan.
Gayunpaman, bago ko lubusang isiwalat ang bawat katagang nilubid nitong isipan
at mailantad sa inyong guni-guni
ang iisang salitang nakapagbago sa takbo ng aking orasan,
nawa’y walang umiyak o mabukulan,
dahil akoy magsasaboy ng mga katagang tila bato.
Batong, ibabato sa mga taong magaling manloko!
Mundo’y punong-puno ng mga salita.
bawat salita’y may kanya-kanyang kariktan.
Mayroong kakikitaan ng kagandahan gayundin ng kakisigan.
Subalit ang mga salitang ito’y dapat mong pakaiwasan.
Sapagkat bihasa yan!
Oo, bihasang-bihasa yan!
‘yun bang pakikitaan ka ng motibo,
tapos aasa ka lang na parang ulol na aso.
Mayroon ding namang mga salitang tila inosente.
ngunit ‘wag ka!
dahil magaling ‘yan sa galawang hokage!
Yun bang matapos makuha ang birthday gift niya sayo.
Iiwan ka nalang na parang walang nangyari sa inyo.
At mayroon ding mga salitang palakaibigan lang.
Yung tipong talo pa ang panutsa sa tamis kung mag-care sayo.
Pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing sayo.
Ngunit mayroon din namang mga salitang tapat lang at totoo.
Yung tipong hindi naman siya food color o ano pero nabibigyan niyang kulay ang mundo ko.
Hindi rin naman siya perpekto.
Subalit siya ang kumukumpleto sa araw ko.
Hindi rin naman siya maganda/gwapo o ano,
ngunit siya lang kuntento na ako.
Yun bang hindi “PAASA” at MANLOLOKO
Alam niya kasi ang salitang RESPETO
at marunong siyang MAKUNTENTO.
Hindi man ito batas o ano pero sana’y pakinggan itong payo.
Bago gamitin ang salitang naibigan
pakaisipan ng dahan-dahan
kung nais mong sa huli
puso ay ‘di magsisi.
Dahil hindi lahat ng BINIBITAWAN
maaari mo pang BALIKAN.
At hindi lahat ng iyong mararanasan
ika’y MASASARAPAN.
Huwag rin sanang dalawa o tatlo,
ang pliing salitang mapasaiyo,
dahil kailanman hindi magtutugma
ang salitang hindi naman itinadhana.
Ngayo’y sasabihin sayo ang pinakakatago kong sekreto
sana’y itanim sa iyong puso
isa lang ang nais ko.
Tandaan mong isang titik “I” lang mayroon ang salitang “IKAW”,
na kung isasalin sa Filipino ay walang iba kundi “AKO.”
IKAW at AKO binuong magkasama sa iisang salita para mabuo ang salitang “TAYO” na siyang “ITINADHANA”.