Komedya ng Pag-Ibig
A Stage Play by RA Fernandez
A Filipino Version of William Shakespeare's "Much Abo About Nothing"
Komedya ng Pag-Ibig
By
Ryan Austin Fernandez
Much Ado About Nothing by William Shakespeare
All Rights Reserved III - Agusan Del Sur
Copyright 2011 High School Unit
Filipino III
Bb. Charito Babalcon
Elizabeth Seton School - Main
BF Resort Village
Ikalawang Kapatan
S.Y. 2011 - 2012
Las Pinas City
Cast of Characters
Antonio:
Anna: Anne Sino Cruz
Henry: Miguel Pilapil
Marissa: Mary Duritan
Don Sebastian: Riez Valenzuela
Arturo:
Don Lorenzo: Lui Santos
Patricia: Kyra Mamuyac
Francisco:
Clara: Chiara Saniel
Jack: Jack Bungag
Froilan: Froilan Rabaria
Mariano:
Crisostomo:
Joanna: Sophia Golimlim
Padre Daniel: Bam Napiza
Maria: Belle De Leon
Pulis #1:
Pulis #2: Ivan Handog
ACT I
1 Scene 1 1
Pasok ARTURO, Meyor ng bayan; MARISSA, ang kanyang
anak; at ANNA, kanyang pamangkin, kasama ang isang
MENSAHERO
ARTURO
(hawak ang isang liham)
Ayon dito sa liham na ito, papunta na dito sa bayan
sina Don Sebastian at ang kanyang mga sundalo.
MENSAHERO
Siguro malapit na siya. Nung iniwan ko siya, nasa may
Cavite na sila eh.
ARTURO
Ilan ang namatay sa laban?
MENSAHERO
Konti lang naman
ARTURO
Buti naman. Sinasabi rin nito na binigyan ng parangal
ni Don Sebastian ang isang sundalo na tinatawag na
Henry.
MENSAHERO
Dapat lang! Kahit bata pa lang siya, ang dami na niyang
nagawa para sa bayan!
ARTURO
Meron siyang kapamilya dito na masisiyahan sa balitang
ito.
MENSAHERO
Nasabi ko na po sa kanya at tuwang-tuwa po siya.
ARTURO
Napaiyak ba?
MENSAHERO
Opo! Todo ang iyak niya sa kasiyahan!
ARTURO
Natural lang! Dapat ipagmalaki niya ’yan!
ANNA
Manong, may bumalik ba na Signor Ewan?
(CONTINUED)
CONTINUED: 2.
MENSAHERO
Pasensya na po pero wala po akong kilala na "Signor
Ewan".
ARTURO
Sino ba ang tinutukoy mo, aking minamahal na pamangkin?
MARISSA
Tinutukoy po niya si Signor Antonio.
MENSAHERO
Ay, opo! Nakabalik po si Sir Antonio!
ANNA
Ilan ba ang napatay at nakain niya sa laban? Pinangako
ko sa kanya na kakainin ko lahat ng napatay niya eh.
ARTURO
Susmaryosep, Anna! Masyado ka naman manlait kay Signor
Antonio! Sigurado akong gagantihan ka nun.
MENSAHERO
Pero madam, malaki po ang serbisyong nailahad niya sa
giyera.
ANNA
Meron kang bulok na pagkain, tinulungan ka lang niya
kainin iyon. Matapang siya pagdating sa kainan, malakas
ang bituka nun.
MENSAHERO
Magaling na sundalo rin naman siya, madam.
ANNA
Hanggang sa giyera lang siya. Ano siya sa isang Don?
MENSAHERO
Siya ay isang mabuting tao, punong-puno ng mabubuting
asal.
ANNA
Siyempre naman! Punong-puno siya. Pero kung anuman ang
linalaman niya..., wala namang perpekto.
ARTURO
Sana huwag niyo husgahin ang aking pamangkin. Si
Antonio at si Anna ay may munting giyera sa pagitan
nila. Kung kailan sila nagkikita, eto na ang barahan!
ANNA
Sus, palagi naman ako panalo eh! Sa huling laban namin,
masyadong malupit ang pagkatalo niya, natulala na lang
siya eh! Manong, sino na ba ang kasama niya ngayon.
Bawat buwan, lagi siyang may bagong "best friend".
(CONTINUED)
CONTINUED: 3.
MENSAHERO
Possible ba yun?
ANNA
Siyempre! Mas mabilis pa siya magbago ng best friend
kesa sa takbo ng kabayo eh.
MENSAHERO
Halata po ata na ayaw ninyo sa taong ito ah.
ANNA
Ay hindi! Hindi naman! Pero seryoso, sino ang "best
friend" niya ngayon? Wala bang ewan na sasama kay
Antonio sa impiyerno?
MENSAHERO
Sa nakikita ko po, si Signor Henry po.
ANNA
Diyos ko, magiging ’sing tanga ni Antonio si Henry!
Parang sakit si Antonio, madaling makuha, mahirap
tanggalin. Mababaliw ka lang.
ARTURO
Hindi ka mabibiktima sa "charms" ni Antonio, Anna?
ANNA
Susmaryosep! Mangyayari lang yan pag nagkaroon ng
Hulyong walang ulan!
MENSAHERO
Narito na po sina Don Sebastian
Pasok DON SEBASTIAN, HENRY, ANTONIO, CRISOSTOMO,
at si DON LORENZO.
DON SEBASTIAN
Signor Arturo, salamat sa pagtaggap ng aking mga
tauhan, kahit ito ay malaking abala.
ARTURO
Hindi ka magiging abala kailanman sa bahay ko, Don
Sebastian.
DON SEBASTIAN
(titingin kay MARISSA)
Ito ba ang iyong anak?
ARTURO
Ayon sa kanyang ina.
(CONTINUED)
CONTINUED: 4.
ANTONIO
Bakit, po? Hindi po ba kayo sigurado dahil tinanong mo
pa sa ina niya?
ARTURO
Hay naku, Antonio. Pilosopo talaga. Bata ka pa lang
nang mapanganak ang aking anak at hindi ka pa sa sapat
na edad para manghikayat sa aking asawa.
Magtatawanan sila.
DON SEBASTIAN
Nagantihan ka ni Signor Arturo, Antonio! Siyempre alam
ni Arturo ang "status" mo sa mga babae. Pero seryoso,
kamukhang-kamukha niya si Arturo. Congrats Marissa,
kamukha mo ang isang kagalang-galang na tao.
Sina ARTURO at DON SEBASTIAN ay pupunto sa isang
sulok, mag-uusap.
ANTONIO
Siguro naman kung siya ang tatay niya, hindi niya
gugustuhin ang ulo ng isang lalaki.
ANNA
Aba, Antonio. Salita ka nang salita diyan, wala namang
nakikinig!
ANTONIO
Ay, Lola Bastusan! Long time no see ah! Buhay ka pa
pala?!
ANNA
Hindi mamamatay ang Bastusan basta nandito ka! Kahit
paggalang ay nagiging bastusan ’pag nandito ka.
ANTONIO
Sus, Anna. Lahat ng babae ay nagmamahal sa akin maliban
sa iyo! Malas na matigas ang puso ko sapagkat wala
akong iniibig.
ANNA
Swerte naman! Walang kwenta ka namang manliligaw.
Pareho naman ang paningin ko sa iyo eh. Hindi ko
kailangan ang pag-ibig sa isang lalaki. Makinig na lang
ako sa tumatahol na aso kaysa sa isang lalaki na
sinasabing niyang mahal ako.
ANTONIO
Sana naman ganyan ang pag-iisip mo kasi kung hindi,
malas naman ang mapapangasawa mo, sira-sira na ang
mukha.
(CONTINUED)
CONTINUED: 5.
ANNA
Eh kung kamukha mo naman ang mapapangasawa ko, hindi na
kailangan sirain ang mukha eh!
ANTONIO
Pakinggan mo nga sarili mo. Parang parrot!
ANNA
Maging parrot na ako, basta hindi ako kabayo tulad mo!
ANTONIO
Kung kabayo man ako, mas mabilis pa galaw ng bibig mo
kaysa sa takbo ko. Tama na nga!
ANNA
Palagi kang tumatakas pagdating sa kasukdulan ng ating
mga away. Dati ka pa ganyan eh.
Balik sa gitna sina DON SEBASTIAN at ARTURO
DON SEBASTIAN
Yun lang naman, Arturo. Henry, Antonio, iniimbita kayo
ni Arturo na dito muna kayo sa bayan. Sabi ko baka
isang buwan tayo dito. Sabi niya, sana daw mas mahaba
pa.
ARTURO
Seryoso po ako, Don.
(kay DON LORENZO)
Pati po kayo, Don Lorezno, ay pwede manirahan dito.
Ngayon na nagbati na kayo ni Don Sebastian, pareho ang
magiging pagtrato ko sa inyong dalawa.
DON LORENZO
Salamat.
ARTURO
Kung gusto niyo, Don Sebastian, pasok na tayo?
DON SEBASTIAN
Sige! Halina!
Lahat papasok maliban kina ANTONIO at HENRY.
HENRY
Antonio, napansin mo ba ang anak ni Arturo?
ANTONIO
Nakita ko siya pero hindi ko siya pinansin.
HENRY
Parang ang bait niya.
(CONTINUED)
CONTINUED: 6.
ANTONIO
Gusto mo ng tunay kong opinyon o gusto mong suriin ko
siya tulad ng ginagawa ko sa lahat ng babae?
HENRY
Seryoso!
ANTONIO
Masasabi ko lang ito: Kung iibahin niya ang itsura
niya, papangit siya at sapagkat hindi siya pwedeng
magbago, ayoko sa kanya.
HENRY
Antonio naman, sabing seryoso eh! Walang biro, sige na.
ANTONIO
Gusto mo ba siyang bilhin? Kaya ka nagtatanong?
HENRY
Posible bang bumili ng isang kayamanan na ’sing ganda
at ’sing halaga ni Marissa?
ANTONIO
Siyempre naman! Kasama na nga ung attache case niya eh.
Pero talaga bang seryoso ka o linoloko mo lang ako?
HENRY
Sa aking paningin, siya ang pinakamagandang tao na
sumapit sa aking buhay.
ANTONIO
Malinaw pa ang mata ko at hindi ko nakikita ang
pinagsasabi mo. Kung ang pinsan niyang si Anna ay hindi
masyadong mataray, dapat mas maganda siya kaysa kay
Marissa. Pero hindi naman ito nangangahuluguang
magpapakasal ka, diba?
HENRY
Kahit sabi ko na hindi ako magpapakasal, wala akong
tiwala sa sarili ko na paninindigan ko ang pangakong
iyon kung si Hero ang magiging asawa ko.
ANTONIO
Ano na ba ang nangyayari sa mundo? Wala na bang lalaki
na hindi interesado sa pagpapakasal?! Lolokohin ka lang
niyan. Wala na ba akong makikitang sesenta-anyos na
hindi kasal.
Pasok DON SEBASTIAN
DON SEBASTIAN
Anong mga lihim ang pinag-uusapan ninyo dito, ha?
(CONTINUED)
CONTINUED: 7.
ANTONIO
Kailangan niyo po ako pilitin.
DON SEBASTIAN
Ang iyong panunumpa sa akin, Antonio...
ANTONIO
Henry, alam mo namang mapapagkatiwalaan ako eh pero
tama si Don Sebastian. Kailangan ko sabihin.
(kay DON SEBASTIAN)
In love po si Henry. Kanino? Sino pa kung hindi si
Marissa?!
HENRY
Kung sinabi mo...
DON SEBASTIAN
Kung mahal mo si Marissa, buti naman. Karapat-dapat
naman ang pag-ibig mo sa kanya eh.
HENRY
Don, linoloko niyo po ata ako eh.
DON SEBASTIAN
Di nga, seryoso ako.
HENRY
Ako rin po, Don. Seryoso ako. Mahal ko si Marissa.
ANTONIO
At seryoso po ako nang sinabi kong masamang ideya ito.
Hindi ko alam kung paano siya mamahalin at paano siya
karapat-dapat. Kahit sa aking pagkamatay, ito pa rin
iisipin ko.
DON SEBASTIAN
Hay naku, hindi ka naniwala sa kapangyarihan ng
pag-ibig.
ANTONIO
Ipinanganak ako sa isang kababaihan, salamat naman.
Pinalaki rin ako, salamat ulit. Pero ang ibang babae,
pasesnsya na pero hindi ako papayag na lokohin ako ng
isa sa kanila. Bachelor today, Bachelor till death.
DON SEBASTIAN
Isinusumpa ko, bago ako mamatay, makikita kitang
in-love na in-love.
ANTONIO
Wag po kayo masyadong umasa, Don.
(CONTINUED)
CONTINUED: 8.
DON SEBASTIAN
Alalanin mo ’tong usapang ito kapag na in-love ka sa
kinabukasan. Mangyayari rin yan. Pero ngayon, punta ka
kina Arturo. Sabihin mo na pupunta ako sa hapunan.
ANTONIO
Opo, Don, pero sasabihin ko lang po ulit na hindi po
mangyayari ang inyong sinasabi.
DON SEBASTIAN
Tingnan lang natin.
Labas si ANTONIO
HENRY
Don, pwede po humingi ng tulong?
DON SEBASTIAN
Siyempre naman Henry. Ano iyon?
HENRY
May anak na lalaki po ba si Signor Arturo?
DON SEBASTIAN
Wala. Si Marissa lang ang kanyang anak. Talagang gusto
mo siya, Henry?
HENRY
Ay naku, Don. Nung umalis ako ng bayan upang lumaban sa
giyera, hinangaan ko na po siya. Pero masyadong napuno
ang isip ko ng giyera na alanganin na ang paghanga ko
ay maging pag-ibig. Ngayon na tapos na, pwede na po at
ngayon, sa araw na ito, masasabi kong, mahal ko po si
Marissa.
DON SEBASTIAN
Kung talagang mahal mo siya, sige lang. Kakausapin ko
siya at si Arturo tungkol dito at kukumbinsihin ko
si Arturo na ipaubaya sa iyo si Marissa. Diba iyon ang
iyong motibo sa pagsasabi sa akin nito?
HENRY
Tama po. Pero sana po huwag niyo ako husgahan na
nagmamadali. Ipapaliwanag ko po sana nang mas
detalyado.
DON SEBASTIAN
Kailangan ba iyon? Basta nasabi mo ang iyong damdamin,
ok! Mahal mo si Marissa; ’yan lang ang kailangan ko.
May sayawan ng mga naka maskara mamaya. Magsusuot ako
ng costume at magpapanggap ako bilang Henry. Sasabihin
ko ang damdamin "ko" kay Marissa at kakausapin ko si
Arturo. Bago magtapos ang gabi, nasa piling mo na si
Marissa. Halina! Baka mahuli pa tayo sa party.
(CONTINUED)
CONTINUED: 9.
Exit.
2 Scene 2 2
Pasok ARTURO at CRISOSTOMO
ARTURO
Musta na kapatid? Saan po ang pamangkin ko, anak niyo?
Nakahanda na ba ang musika?
CRISOSTOMO
Oo pero kapatid, may kakaibang balita ako.
ARTURO
Good news?
CRISOSTOMO
Parang. Merong akong katulong na nakarinig kina Don
Sebastian at Henry na nag-uusap. Sabi niya na sabi ni
Henry na mahal daw niya si Marissa at sasabihin daw
niya sa sayawan mamayang gabi. Gusto rin daw niyang
pakasalan at kakausapin daw niya ikaw.
ARTURO
Matalino ba itong katulong mo?
CRISOSTOMO
Oo naman. Papuntahin ko dito at pwede niyong kausapin.
ARTURO
Wag na. Kunwari panaginip lang muna ito hanggang
magkatotoo. Pero dapat malaman ito ni Marissa para may
handa na siyang sagot kung tanungin man siya. Pakisabi
naman kapatid.
Pasok anak ni CRISOSTOMO kasama ang mga musikero
at iba pang tao.
ARTURO
Mga kapatid, halina at marami pa tayong gagawin.
Exit.
3 Scene 3 3
Pasok DON LORENZO at CLARA
CLARA
Bakit po ang lungkot ninyo, Don Lorenzo?
DON LORENZO
Walang hanggan ang mga bagay na nagpapalungkot sa akin,
samakatwid, walang hanggan ang aking kalungkutan.
(CONTINUED)
CONTINUED: 10.
CLARA
Dapat makinig ka sa katwiran para tumigil naman kahit
kaunti ang kalungkutang ito.
DON LORENZO
Pagkatapos ko makinig, ano mapapala ko?
CLARA
Kung hindi katapusan sa iyong kalungkutan, kahit
papano, may pasensya kayo para matiis ito.
DON LORENZO
Aba! Ikaw dyan na medyo malungkutin rin, ikaw pa ang
nagbibigay ng remedya sa aking kalumbayan! Hindi ko
maitatago kung sino ako. Kung gusto ko maging
malungkot, magiging malungkot ako! Pag gutom ako,
kakain ako! Pag pagod, tulog! Pag masaya, di, tatawa
ako!
CLARA
Sige po pero wag naman po kayo masyadong magpahalata
hanggang tiyak na walang maaaring mangyaring masama.
Mga ilang araw pa lamang ang nakalipas nang mag-away
kayo ng iyong kapatid na si Don Sebastian. Katatawad pa
lang niya sa inyo. Kailangang mag-ingat kayo kung ibig
niyong maging kakampi niya. Kaunting pagtitiis na lang
po.
DON LORENZO
Maging lantang halaman na ako kaysa maging rosas sa
hardin ng Don Sebastian na iyan! Kahit magalit na sa
akin ang mga tao, kahit papano, hindi ako plastik!
Kahit hindi ako mabuting tao, tapat ako sa aking
pagiging masama! May tiwala si Don Sebastian sa akin
ngayon? Parang asong linagyan ng busal o aliping
pinalaya na may mabigat na bato na nakatali sa kanyang
paa! Kung walang busal ang aking bibig, kakagat ako!
Kung may kalayaan ako, gagawin ko ang gusto ko! Para sa
ngayon, wag mo ako pakialaman.
CLARA
Hindi mo ba magagamit ang iyong pagkayamot sa ating
kabutihan?
DON LORENZO
Lagi ko naman ginagawa iyon eh. Yun lang ang meron ko.
SINO YAN?!
Pasok si FRANCISCO
DON LORENZO
Si Francisco pala, musta na?
(CONTINUED)
CONTINUED: 11.
FRANCISCO
Galing lang ako sa sayawan sa tahanan ni Arturo. May
nalaman po ako tungkol sa isang planadong kasal.
DON LORENZO
Maaari ba ako gumawa ng kaguluhan dito? Sino ang
gustong magpakasal?
FRANCISCO
Ang pinagkakatiwalaan ng iyong kapatid.
DON LORENZO
Sino? Yung supot na Henry na iyon?!
FRANCISCO
Opo.
DON LORENZO
Maayos naman na tauhan si Henry. Sino naman ang babae?
FRANCISCO
Si Marissa po, anak ni Arturo.
DON LORENZO
Aba! Paano mo ito nalaman?
FRANCISCO
Inutusan akong lagyan ng pabango lahat ng kwarto ng
bahay ni Arturo. Habang pinapabango ko ang isang
kwarto, pumasok si Don Sebastian at si Henry. Nagtago
ako at narinig ko na liligawan ni Sebastian si Marissa
ngayong gabi at pag may paubaya na siya kay Arturo,
ibibigay niya kay Henry.
DON LORENZO
Halina sa sayawan. Baka masiyahan ako dito. Henry, yung
epal na iyon, ay ang dahilan kung bakit hindi ko
napabagsak ang aking kapatid. Kung may paraan upang
masira ko ang buhay niya, masisiyahan na ako doon.
Tutulungan ninyo ako diba?
CLARA
Hanggang sa aking pagkamatay, Don Lorenzo.
DON LORENZO
Halina! Mas magiging masaya sila ngayon na masaya na
ako. Sayang, hindi ko ka-vibes ang kusinero. Sana
linason ko nalang silang lahat. Pupunta na ba tayo?
FRANCISCO
Mauna na po kayo, sir.
12.
ACT II
4 Scene 1 4
Pasok ARTURO, CRISOSTOMO, MARISSA, ANNA, JOANNA,
AT PATRICIA.
ARTURO
Diba nasa hapunan kanina si Don Lorenzo?
CRISOSTOMO
Hindi ko po siya nakita.
ANNA
Parang laging malungkot ’yun! Tinitingnan ko na siya,
parang nahahawa na ako eh... sa pagiging malungkot.
MARISSA
Malungkutin naman talaga si Don Lorenzo eh.
ANNA
Maganda siguro kung may lalaking nasa gitna ni Antonio
at ni Don Lorenzo, no? Isa kasi, masyadong parang
larawan, di nagsasalita. Isa naman, masyadong pinalaki
sa layaw, ang daldal.
ARTURO
Parang kalahating daldal ni Antonio at kalahating
seryoso ni Don Lorenzo?
ANNA
Tapos kung pogi, masigla, at mayaman pa, kahit sinong
babae, mapapa-ibig sa kanya.
ARTURO
Alam mo, Anna, hindi ka magkakaroon ng asawa kung lait
ka lang nang lait.
CRISOSTOMO
Sa totoo lang, iha, masyadong kang masungit.
ANNA
Magkakaiba naman ang pagiging "masyadong masungit"
kaysa sa pagiging "masungit" lamang, diba? Basta, wala
akong intensyon magkaroon ng relasyon sa isang lalaki.
CRISOSTOMO
Pero siguro naman susunod ka sa tatay mo sa mga
desisyong ganito?
ANNA
Siguro ang pinsan ko, kailangan niya pasiyahin ang
tatay niya pero kung pipiliin niyang asawa ay wala
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 13.
ANNA (cont’d)
namang itsura, pwede naman niyang kausapin ang tatay
niya nang maayos na ayaw niya.
ARTURO
Pero aking minamahal na pamangkin, sana isang araw,
makita kitang masaya sa piling ng iyong magiging asawa.
ANNA
Mawalang galang na po pero wala po akong planong
ipakasal magpakailanman.
ARTURO
(kay MARISSA)
Anak, naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo. Kung aalukin
ka ng kasal ni... alam mo na kung sino, alam mo na ang
sasabihin mo.
ANNA
Marissa, siguraduhin mo lang na maayos ang panliligaw
sa iyo. Kung masyadong mapilit, sabihin mo na ang
pag-ibig ay parang sayaw: may sarili itong ritmo at
tiyempo. Ang tatlong yugto ng pag-ibig ay parang
tatlong sayaw: Ang panliligaw ay parang mabilis na
sayaw. Ang kasal ay sayaw na maayos, matimtim, at
pormal. Tapos darating ang panahon na magsisisi ka na
lang. Parang sayaw na pabilis nang pabilis hanggang sa
huli, nadapa ka na.
ARTURO
Ang lalim ng isip mo, Anna.
ANNA
Madali akong makakakita ng bagay na ganyan, tito.
Halatang-halata naman eh.
ARTURO
Heto na ang mga bisita para sa sayaw. Bilis, gumawa
tayo ng espasyo.
Pasok DON SEBASTIAN, HENRY, ANTONIO, MARIANO, DON
LORENZO, FRANCISCO, PATRICIA, at JOANNA na naka
maskara.
DON SEBASTIAN
(kay Marissa)
Madam, gusto mo bang sumayaw?
Sasayaw sila.
MARISSA
Basta maayos kang gumalaw, maayos ang iyong istura, at
wala kang sasabihin, sa iyo ako para sa sayaw na ito.
Hindi rin ako aalis pagkatapos.
(CONTINUED)
CONTINUED: 14.
DON SEBASTIAN
Kasama mo pa rin ako?
MARISSA
Siguro, kung papayagan kita.
DON SEBASTIAN
At kailan iyon?
MARISSA
Pag nagustuhan ko ang iyong itsura. Sana naman hindi mo
kamukha ang iyong maskara.
DON SEBASTIAN
Ang aking maskara ay parang rambutan, kakaiba ang
itsura sa labas, sa loob... makinis.
MARISSA
Shh... nagsisimula na ang musika.
Sayaw sa gilid. Punta sa harap si MARIANO at si
PATRICIA.
MARIANO
Sana naman may gusto ka sa akin.
PATRICIA
Buti nalang hindi sapagkat marami akong imperpeksyon.
MARIANO
Tulad ng?
PATRICIA
Dinig ang boses ko pag ako’y nagdadasal.
MARIANO
Mas minamahal kita dahil dun. Lahat ng nakaririnig sa
iyo ay sisigaw ng "Amen!"
PATRICIA
Sana naman biyayaan ako ng Diyos ng mahusay na
mananayaw bilang aking kasayaw.
MARIANO
Amen.
PATRICIA
At sana umalis na siya pagkatapos ng sayaw. Sagot?
MARIANO
Shh... May sagot na ako.
Sayaw rin sa gilid. Punta sa harap si JOANNA at
CRISOSTOMO.
(CONTINUED)
CONTINUED: 15.
JOANNA
Kilala kita. Ikaw si Signor Crisostomo.
CRISOSTOMO
Hindi. Nagkakamali ka.
JOANNA
Sa galaw mo lang, alam ko na eh.
CRISOSTOMO
Nagpapanggap lang ako.
JOANNA
Ang galing mo naman, parang ikaw na siya eh. Ikaw si
Crisostomo.
CRISOSTOMO
Sa madaling salita, hindi.
JOANNA
Hindi ako tanga, Signor Crisostomo. Sa tingin mo hindi
ko ikaw makikilala sa iyong katalinuhan? Matatago ba
ang isang magandang katangian ang sarili niya? Huwag ka
na magsalita, ikaw si Crisostomo. Palaging magpapakita
ang kabutihan ng isang tao.
Sayaw sa gilid. Punta sa harap si ANNA at ANTONIO.
ANNA
Sabihin mo sa akin kung kanino mo yan nalaman.
ANTONIO
Pasensya na po pero hindi ko pwedeng sabihin.
ANNA
Kahit ang iyong pangalan, hindi mo sasabihin?
ANTONIO
Huwag muna.
ANNA
Sino ba nagsabi na mapandusta ako at nakuha ko ang
aking mga linya sa isang Joke Book?! Si Signor Antonio
siguro nagsabi ng mga iyan.
ANTONIO
Sino yun?
ANNA
Siguro naman kilala mo siya.
(CONTINUED)
CONTINUED: 16.
ANTONIO
Hindi po, maniwala kayo.
ANNA
Ano? Hindi ka niya napatawa?
ANTONIO
Sino ba kasi iyon?
ANNA
Siya ung tagasunod kay Don Sebastian. Talento lang niya
ang paggawa ng di-kapanipaniwalang paninirang-puri. Mga
demonyo lang ang masaya ’pag kasama siya, di dahil sa
kanyang utak kundi dahil sa kanyang kapangahasan.
Napapasaya niya at napapagalit niya nang sabay ang tao,
makikitawa sila tapos bubugbugin siya. Siguro sumasayaw
iyon dito.
ANTONIO
Pag nakilala ko itong taong ito, sasabihin ko ang
sinabi mo.
ANNA
Ay salamat. Lalaitin nanaman ako nun pero kung walang
makikinig o tatawa, maiinis lang siya.
Sayaw. Labas lahat mailban kay DON LORENZO,
FRANCISCO, at HENRY.
DON LORENZO
(kay FRANCISCO)
Linigawan na ng kapatid ko si Marissa at nasa kwarto na
sila ni Arturo. Sumama ang mga babae sa kanila pero may
natitira pa rito.
FRANCISCO
Iyan po si Henry. Alam ko sa ugali niya.
DON LORENZO
(kay HENRY)
Ikaw ba si Signor Antonio?
HENRY
Kilalang-kilala niyo po ako ah! Opo, ako si Antonio.
DON LORENZO
Gusto ng aking kapatid ang iyong ugali. Iniibig po niya
si Marissa. Sana po pabaguhin niyo siya ng isip. Hindi
sapat ang ranko niya upang magpakasal kay Don
Sebastian.
(CONTINUED)
CONTINUED: 17.
HENRY
Paano mo alam na mahal niya siya?
DON LORENZO
Narinig ko siya.
FRANCISCO
Ako rin, sabi niya papakasalan na daw niya si Marissa
ngayong gabi.
DON LORENZO
Halina at kumain na tayo.
Labas DON LORENZO at FRANCISCO
HENRY
(tatanggalin ang maskara)
Kahit sabi ko na ako si Antonio, narinig ko itong
balita bilang si Henry. Siyempre gusto ni Don Sebastian
si Marissa para sa sarili niya. Malakas ang
pagkakaibigan hanggang nakiepal ang pag-ibig,
samakatwid, dapat lahat ng umiibig ay magsalita para sa
sarili nila at magtiwala lang sa sarili nila, wala ng
ibang tao na makikisama. Ang kagandahan ay isang bruha
na ginagawang simbuyo ng damdamin ang katapatan. Palagi
nalang ito nangyayari pero hindi ko inasahang
mangyayari ito sa akin. Paalam, Marissa!
Pasok ANTONIO
ANTONIO
Henry?
HENRY
Ano?
ANTONIO
Pwedeng samahan mo ako?
HENRY
Saan?
ANTONIO
Sa may puno lang na wala nang dahon. Narinig ko na ang
iyong Marissa ay napunta sa piling ni Don Sebastian.
HENRY
Sana maging masaya sila...
ANTONIO
Talaga ba, sa tingin mo, lolokohin ka ng ganyan ni Don
Sebastian?
(CONTINUED)
CONTINUED: 18.
HENRY
Antonio, pakiusap lang, iwanan mo na lang ako muna.
ANTONIO
Tingnan mo nga sarili mo! Para kang bulag. Ninakawan
ka, pader lang bubugbugin mo.
HENRY
Kung hindi ka aalis, ako ang aalis.
Labas HENRY
ANTONIO
Hay, kawawang Henry. Pero katakataka na nakilala at di
nakilala ako ni Anna nang sabay. Insultuhin kaya ako?!
Hay nako, Anna, gaganti rin ako.
Pasok DON SEBASTIAN
DON SEBASTIAN
Signor Antonio, nasaan si Henry? Nakita mo siya?
ANTONIO
Opo, sinabi ko pa sa kanya. Narito siya, lungkot na
lungkot. Sinabi ko ang sa tingin ko ay totoo, na nasa
piling mo na si Marissa. Parang gusto niyang bugbugin
ang sarili niya.
DON SEBASTIAN
Bakit naman?
ANTONIO
Parang batang may kendi na ipinakita niya sa kaibigan
niya, ninakaw naman ng kaibigan niya.
DON SEBASTIAN
Bakit niya bubugbugin ang sarili niya, ang kriminal ay
ang mangnanakaw.
ANTONIO
Sa naintindihan ko po, ikaw ang mangnanakaw ng kendi
niya.
DON SEBASTIAN
Ibig ko lang papalitan para sa mas mamahalin na kendi
at ibalik rin sa kanya.
ANTONIO
Hintayin nalang natin kung ganun nga at handa na si
Marissa na mahalin si Henry.
(CONTINUED)
CONTINUED: 19.
DON SEBASTIAN
Oo nga pala, galit sa’yo si madam Anna. Sabi ng kasayaw
niya na ininsulto mo daw siya.
ANTONIO
Hay nako. Walang makakatiis sa pang-aabuso nun. Kahit
maskara ko, parang gusto nang makipag-away eh.
Ininsulto niya ako, kahit hindi niya alam na ako iyon.
Wala akong magawa eh, ayoko umamain na ako iyon. Hindi
ko siya papakasalan kahit siya ay ’sing banal ng
paraiso. Sana mawala na siya dahil hanggang nandito
siya sa mundo, kalungkutan lang ang maidudulot nun. Mas
tahimik pa sa impyerno na gagawa pa ng kasalalnan ang
mga tao para lang makatakas sa kanya.
Pasok HENRY, ANNA, MARISSA, at ARTURO.
DON SEBASTIAN
Eto na siya. Suwertehin ka sana.
ANTONIO
Pakiusap ko, padalhin niyo po ako sa dulo ng mundo,
kahit pasunduin mo ako ng isang munting tinik sa
Australia or kunan ng buhok ang bigote ni
Gobernador-Heneral Isquierdo, kahit ano basta hindi ko
makausap ang bruhang ito. Wala ka bang ibang gusto mula
sa akin.
DON SEBASTIAN
Wala. Gusto ko lang na nandito ka.
ANTONIO
Ay, aalis na nga ako. Palapit na si Lola Basyang!
Labas siya.
DON SEBASTIAN
(kay ANNA)
Nawala na po kayo sa puso ni Signor Antonio.
ANNA
Totoo po na isang beses, ibinigay niya sa akin at
binalik ko sa kanya nang doble: puso niya at puso ko.
Sa totoo, nanalo niya iyon sa pamamagitan ng dayaan.
Tama ka po na nawala na ako sa puso niya.
DON SEBASTIAN
Napahiya mo siya, Anna: Itinulak mo siya pababa.
ANNA
Sana ako, hindi niya itulak pababa sa kama kundi
magiging mangmang ang mga anak ko. Dinala ko po si
Henry ayon sa iyong utos.
(CONTINUED)
CONTINUED: 20.
HENRY
Hindi po ako malungkot, Don.
DON SEBASTIAN
Eh, anong problema? May sakit ka?
HENRY
Hindi po.
ANNA
Hindi malungkot o maysakit o masaya o mabuti.
Sibilisado lang siya.
DON SEBASTIAN
Tama ka dyan, Anna, pero wala siyang dahilan para
maging ganyan. Henry, linigawan ko si Marissa para sa
iyo at pumayag na siya ukol sa inyong kasal. Pinaubaya
na siya ni Arturo. Sabihin niyo lang kung kailan niyo
gusto magpakasal. Pagpalain kayo ng Diyos.
ARTURO
Henry, alagaan mo si Marissa at ang aking pagbasbas.
ANNA
Henry, salita naman!
HENRY
Wala po ako masabi sa saya, Don... Kung medyo masaya
lang ako, masusukat ko ang aking saya pero... Marissa
ikaw ay akin at ako ay sa iyo. Para sa’yo, ibinibigay
ko ang aking sarili at ikinasasaya ko ang palitan na
ito.
ANNA
Hoy, Marissa. React naman diyan! O kung wala ka na
masabi, halikan mo na lang siya para tumahimik.
DON SEBASTIAN
Tunay na masigla ang puso mo, Anna.
ANNA
Siyempre po, Don. Tingnan niyo po! Ibinubulong ng aking
pinsan na mahal niya si Henry!
HENRY
Tama ka diyan, pinsan.
ANNA
Salamat sa Diyos! Lahat na ay maglalakbay ng mundo
maliban sa akin. Dapat pumunta ako sa isang sulok at
kumanta ng mga malulungkot na kanta.
(CONTINUED)
CONTINUED: 21.
DON SEBASTIAN
Huwag ka mag-alala, Anna. Hahanapan kita ng asawa.
ANNA
Sus naman, Don. Sana asawa ko mula nalang sa inyong
tatay. Wala po ba kayong kapatid?
DON SEBASTIAN
Ako nalang, haha?
ANNA
Wag nalang po, maliban kung may isa pa akong asawa para
sa Lunes hanggang Biyernes. Masyadong marami kang
ginagawa. Mawalang galang na po pero mautak po ako
magsalita, hindi seryoso.
DON SEBASTIAN
Mas magagalit ako kung tumahimik ka lang dahil ang
iyong ginagawa ngayon ay ikaw na ikaw.
ARTURO
Anna, yung mga inutos ko sa ’yo?
ANNA
Ay, opo! Pwede po, Don?
DON SEBASTIAN
Sige lang.
Labas siya.
DON SEBASTIAN
Di nga, mabait siyang tao.
ARTURO
Alam ko po pero may pagka-malungkutin rin naman siya.
Sabi sa akin ni Marissa na nagkakaroon siya ng
panaginip na malungkot siya at tatawa lang siya para
gisingin niya ang sarili niya.
DON SEBASTIAN
At ayaw na ayaw makarinig tungkol sa pag-aasawa.
ARTURO
Hindi naman. Tatawanan lang niya lahat ng manliligaw sa
puntong na susuko na lang sila.
DON SEBASTIAN
Bagay sila ni Antonio, diba?
ARTURO
Hay naku, Don. Isang linggo pa lang, baliw na silang
dalawa.
(CONTINUED)
CONTINUED: 22.
DON SEBASTIAN
Signor Henry, kelan kayo magpapakasal?
HENRY
Bukas na po! Ang bagal ng pagdaloy ng oras hanggang
hindi pa kami kasal.
ARTURO
Hintay ka nalang ng Lunes, isa pang linggo. Kailangan
pagplanuhan ito nang mabuti.
DON SEBASTIAN
(kay HENRY)
Huwag ka naman mainis, Henry, sa mahabang paghintay na
ito. Pangako ko, lilipad lang ang oras. Habang
naghihintay tayo, subukan natin ang imposibleng gawain:
Ihulog natin sa pag-ibig sina Antonio at Anna sa
isa’t-isa. Gusto ko makita iyon, at ’pag tinulungan
ninyo ako, siguradong magagawa natin ito.
ARTURO
Don, tutulungan kita, kahit magpuyat ako ng sampung
gabi.
HENRY
Ako rin, Don.
DON SEBASTIAN
At ikaw, Marissa?
MARISSA
Sige po, Don, para matulungan si Anna makakuha ng
disenteng asawa.
DON SEBASTIAN
Hindi naman pinakamasamang asawa si Antonio. Ito ang
masasabi ko: mabuti siyang tao, matapang at matapat.
Marissa, tuturuan kita kung paano maimpluwensyahan ang
iyong pinsan upang mahalin si Antonio. Tayong mga
kalalakihan ay gagawin ang pareho kay Antonio. Kahit
hindi siya naniniwala sa kasal, mahuhulog rin iyon sa
pag-ibig. Mawawala kay Kupido ang kanyang kabantugan.
Tayo ang magiging supremong diyos ng pag-ibig! Pasok
tayo, sasabihin ko ang aking plano.
Labas lahat.
23.
5 Scene 2 5
Pasok DON LORENZO at FRANCISCO.
DON LORENZO
Kumpirmado na, ikakasal si Henry at ang anak ni Arturo.
FRANCISCO
Opo, Don, pero masisira ko ang plano nila.
DON LORENZO
Kahit anong pagsira sa kasiyahan ni Henry ay parang
droga sa akin. Paano mo gagawin?
FRANCISCO
Sa pamamagitan ng pagsisinungaling, Don, pero gagawin
ko nang lihim. Walang manghihinala sa akin.
DON LORENZO
Paano nga?
FRANCISCO
Siguro isang taon na ang nakalipas nang sabihin ko sa
inyo na si Patricia, katulong ni Marissa, ay may gusto
sa akin.
DON LORENZO
Naaalala ko.
FRANCISCO
Maaayos ko na sa isang oras ng gabi na hindi
karapat-dapat, nasa kwarto siya ni Marissa.
DON LORENZO
Paano naman makakaapekto iyon sa kasal?
FRANCISCO
Kayo bahala roon. Punta kayo kay Don Sebastian at
sabihin niyo na nagkamali siya sa pagtulong sa pag-ibig
ng isang disenteng Henry, na hinahangaan mo, sa isang
burikit tulad ni Marissa.
DON LORENZO
Anong ebidensya ko?
FRANCISCO
Katamtaman lang para maloko ang Don, magalit si Henry,
masiraan si Marissa, at mapatay si Arturo. Meron ka pa
bang ibang hihilingin?
DON LORENZO
Yun lang ang gusto ko at kahit ano gagawin ko para
roon.
(CONTINUED)
CONTINUED: 24.
FRANCISCO
Hanap ka ng oras na makausap si Don Sebastian at si
Henry na kayo lang. Sabihin mo na mahal ako ni Marissa.
Magkunwari ka na may pakielam ka sa Don, na
nakompromiso ang kanyang karangalan sa ginawa niya, at
si Henry, na ang pangalan ay masisira dahil sa babaeng
nagkukunwaring dalaga pa. Siyempre hindi sila
maniniwala na walang patunay. Sabihin mo nakita mo kami
sa kwarto ni Marissa at dalhin mo sila roon sa gabi
bago ang kasal. Aayusin ko para wala si Marissa sa
gabing iyon at makikita niya kami ni Patricia na
sinasabi "Marissa!" at "Francisco!". Sapat na ebidensya
na iyon na ang selos ni Henry ay magiging kasiguraduhan
at hindi na matutuloy ang kasal.
DON LORENZO
Ayusin mo na. Gagawin ko ang kailangan kong gawin. Kung
gagana ito, babayaran kita ng isang libong piso.
FRANCISCO
Kung gagawin mo ang trabaho mo nang maayos, gagana ito
para sa iyo.
DON LORENZO
Ngayon alamin na antin kung kailan ang kasal!
Labas
6 Scene 3 6
Pasok ANTONIO
ANTONIO
Psst!
Pasok isang LALAKI
LALAKI
Po?
ANTONIO
May aklat sa may bintana ng aking kwarto. Pakidala
naman sa akin.
LALAKI
Opo.
Labas siya.
ANTONIO
Nakakapagtaka na isang lalaki, pagatapos maranasan na
sirain ng pag-ibig ang isang lalaki, ay siya pa mismo
ang mahulog sa pag-ibig. Parang ganun si Henry. Dati,
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 25.
ANTONIO (cont’d)
ang lupit niyang sundalo. Ngayon, wala na. Dati
matapang, ngayon, kala-kalawang. Magiging ganun ba ako
pag ako’y umibig? Hindi ako sigurado pero baka hindi.
Hindi ko mapapangako na hindi ako magbabago pero ito
ang mapapangako ko: hanggang hindi pa tunay ang
nararamdaman kong pag-ibig, hindi ako mauuto ng isang
babae. Dapat mayaman at matalino o bahala siya.
Dapat mabuting tao, maganda, at marangal. Uy! Si Don
Sebastian at si Andres Bonifacio!
Tatago siya
Pasok DON SEBASTIAN, HENRY, at ARTURO. Pasok si
MARIANO kasama ang musika.
DON SEBASTIAN
Mariano, ang musika.
MARIANO
Opo
Magsisimula si MARIANO tumugtog.
DON SEBASTIAN
(kay HENRY lamang)
Nakikita mo ba kung saan nakatago si Antonio?
HENRY
(kay DON SEBATIAN lamang)
Opo, halata po. Pagtapos ng musika, haha, makikita na
lang niya.
DON SEBASTIAN
Mariano, isa pang beses!
MARIANO
Don, panget po boses ko. Siguro, ayaw ninyo marinig
nang higit sa isang beses.
DON SEBASTIAN
Kaya nga pinapaulit sa iyo eh, gusto ulit namin
marinig.
Kakanta si MARIANO nang mahina.
DON SEBASTIAN
Ang ganda ng kantang iyan!
MARIANO
At sintonado po ang boses, Don.
(CONTINUED)
CONTINUED: 26.
DON SEBASTIAN
Hindi kaya. Ayos lang.
ANTONIO
(sa sarili)
Kung tatahol ang aso ng ganyan, pupugutan ko eh. Sana
wag na ulit siya kumanta!
DON SEBASTIAN
Maghanda ka ng magandang kanta para bukas. Haharanahin
natin si Marissa.
MARIANO
Sige po.
Labas MARIANO
DON SEBASTIAN
Arturo, ano nga sabi mo sa akin? In love ang pamangkin
mong si Anna kay Antonio?
HENRY
Ay, oo
(kay DON SEBASTIAN lamang)
Sige lang, malapit na natin siyang mahuli
(balik sa normal)
Hindi ko aakalahin na ung babaeng yun ay makakapag-ibig
sa kahit sino mang lalaki.
ARTURO
Ako rin pero ang ganda naman na napa-ibig siya kay
Signor Antonio, na parang palagi niyang kinagagalitan.
ANTONIO
(sa sarili)
Posible ba ito? Di nga?!
ARTURO
Talaga, Don, hindi ko alam kung anong gagawin ko pero
minamahal niya si Antonio na tunay na tunay na lagpas
ito sa lahat ng akala natin dati.
DON SEBASTIAN
Baka nagkukunwari lang siya.
HENRY
Siguro, maaari.
ARTURO
Diyos ko! Nagkukunwari?! Walang pang nakapagkunwari ng
pag-ibig tulad nito! Imposible iyon!
(CONTINUED)
CONTINUED: 27.
DON SEBASTIAN
Ano bang sintomas ng pag-ibig ang nakikita mo kay Anna?
HENRY
(kay ARTURO lamang)
Malapit na ’to. Kaunti nalang!
ARTURO
Sintomas? Sinabi niya sa iyo, Henry.
HENRY
Oo nga, sinabi niya sa akin.
DON SEBASTIAN
Tama na nga ito at sabihin niyo na lang. Gusto ko
malaman! Inakala ko na hindi kailanman siya matatablan
ng anumang pag-ibig.
ARTURO
Inisip ko rin iyon, Don, lalo na kay Antonio.
ANTONIO
(sa sarili)
Siguro kalokohan lang ito pero si Arturo mismo
nagsasabi eh. Kindi naman siguro gagawa ng kalokohan
ang isang kagalang-galang na tao tulad niya.
HENRY
(kay DON SEBASTIAN)
Nahuli na siya. Sige lang! Tuloy lang.
DON SEBASTIAN
Sinabi na ba niya kay Antonio?
ARTURO
Hindi pa at sinabi niya na hindi niya sasabihin
magpakailanman, kaya siya problemado.
HENRY
Totoo yun. Sabi sa akin ni Marissa. Tinanong daw ni
Anna, "May saysay pa ba na sabihin ko na mahal ko siya
pagkatapos ng lahat ng panlalait ko sa kanya?"
ARTURO
Sabi niya ’to bago niya simulan ang liham. Dalawampung
beses kada gabi siya gigising para lang maisulat ang
kahit isang pahina lamang. Sinabi sa akin ni Marissa
ang lahat.
HENRY
Oo nga pala, ngayon na pinag-uusapan natin ay papel,
may naalala ako na kwento tungkol kay Marissa.
(CONTINUED)
CONTINUED: 28.
ARTURO
Ah, tinutukoy mo ba ang nung nagsulat si Anna ng liham
na puro "Antonio" at "Anna" ang nakasulat?
HENRY
Opo, yun yun.
ARTURO
Hay, pinunit niya sa ilang libong piraso ang liham na
iyon at linait niya ang sarili niya dahil masyado daw
siyang diretso na sumulat siya ng liham sa lalaking
alam niyang pagtatawanan lang siya. "Kinukumpara ko
siya," sabi niya, "sa akin at alam ko na pagtatawanan
ko parin siya kung siya ay nagsulat ng liham para sa
akin. Kahit mahal ko siya, pagtatawan ko pa rin siya."
HENRY
Tapos lumuhod siya at umiyak and sinabunutan ang sarili
at sabi, "Ay Antonio! Diyos bigyan niyo po ako ng
pasensya!"
ARTURO
Ginawa nga niya iyon. Nagaalala siya na baka isang
araw, masyadong malungkot si Anna na baka may
mangyaring masama sa kanya.
DON SEBASTIAN
Kung hindi niya sasabihin kay Antonio, dapat may ibang
magsabi sa kanya.
HENRY
Ano naman magagawa nun? Gagawin lang niyang biro at
kawawa lang si Anna.
DON SEBASTIAN
Kung ginawa niya iyon, mabuti nalang na bitayin siya.
Mabuting tao naman si Anna eh.
HENRY
Matalino pa.
DON SEBASTIAN
Yun lang nga, mahal niya si Antonio.
ARTURO
Ay nako, Don. Pag ang karunungan at silakbo ng damdamin
ay nasa isang katawan, mas maraming beses mananalo ang
silakbo ng damdamin. Kawawa naman siya, dapat lang
sapagkat ako ay kanyang tito at tagapag-alaga.
DON SEBASTIAN
Sana ako nalang. Itatapon ko ang lahat para makasal
kami. Pakiusap ko, sabihin mo na kay Antonio at tingnan
natin kung ano reaksyon niya.
(CONTINUED)
CONTINUED: 29.
ARTURO
Maganda kaya ang idudulot nun?
HENRY
Sa tingin ni Marissa, siguradong mamamatay si Anna
dahil sabi niya, mamamatay siya kung hindi siya minahal
ni Antonio at mamamatay rin siya bago niya sabihin, at
mamamatay rin siya kung liligawan siya ni Antonio at
hindi niya masabi ang natural na mga insulto niya.
DON SEBASTIAN
Siguro tama siya. Kung aalukin niya si Antonio ng
pag-ibig, lalaitin lang niya si Anna, dahil, alam natin
lahat na mapanlait siya.
HENRY
Maayos naman na tao si Antonio ah.
DON SEBASTIAN
Oo naman.
HENRY
At matalino rin.
DON SEBASTIAN
Halata naman iyon eh.
HENRY
At matapang rin siya.
DON SEBASTIAN
Sigurado ako doon! Marunong rin siya umayos ng laban.
ARTURO
Kung may takot siya sa Diyos, papanatilihin niya ang
kapayapaan. Kung sisirain niya ito, ewan ko na lang.
DON SEBASTIAN
Pero gagawin naman niya yun sapagkat may takot rin
naman siya sa Diyos kahit maloko siya. Naaawa ako sa
pamangkin mo. Hanapin na ba natin si Antonio upang
masabi sa kanya ito?
HENRY
’Wag! Hintayin na lang natin si Anna maka-"get over".
Payuhan natin siya.
ARTURO
Imposible! Mababasag muna ang kanyang puso bago
mangyari yun.
(CONTINUED)
CONTINUED: 30.
DON SEBASTIAN
Mas marami pang sasabihin ang anak ninyo ukol dito.
Ngayon, upo muna tayo. Hinahangaan ko si Antonio at
sana naman tingnan niya ang sarili niya at malaman niya
na hindi tama ang pagtrato niya kay Anna.
ARTURO
Don, sasamahan po ba ninyo ako? Handa na po ang
hapunan.
HENRY
(kay DON SEBASTIAN at ARTURO lamang)
Kung hindi pa siya mahulog sa pag-ibig nito, hindi na
ako maniniwala sa sarili ko muli.
DON SEBASTIAN
(kay ARTURO lamang)
Kailangan parang ganito rin ang gawin natin kay Anna,
bahala na si Marissa, Patricia, at Joanna doon. Ang
masaya ay pag naniwala sila na mahal sila yung isang
tao kahit hindi totoo. Hindi na ako makapaghintay pa!
Padalhin natin si Anna para tawagin si Antonio sa
hapunan.
Labas lahat maliban kay ANTONIO
ANTONIO
(punta sa harap)
Hindi ito pwede. Seryoso sila at may pahayag sila ni
Marissa. Parang naaawa sila kay Anna. Parang
lubos-lubos na ang pagmamahal niya. Mahal niya ako?!
Dapat ibalik ko ang pagmamahal niya! Sabi nila lalaitin
ko siya pag nalaman ko na mahal niya ako. Sabi rin nila
na mas gugustuhin niya mamatay kaysa malaman ko ito.
Hindi ko inakalang ikakasal ako. Ayoko maging mayabang.
Ang mga taong nakakatuklas ng kanilang pagkukulang at
nagbabago ay swerte. Sabi nila, maganda si Anna: totoo
naman eh, nakita ko mismo. Mabuting tao? Totoo, hindi
ako makakaangal doon. Matalino, maliban sa pag-ibig
niya sa akin? Hindi man iyon patunay ng kanyang
katalinuhan pero hindi ako papayag na maging patunay
iyon sa katangahan niya. dahil mamahalin ko rin siya!
Baka pagtawanan ako dahil hindi ako naniwala sa kasal
pero hindi ba nagbabago ang mga tao? Nung sinabi ko na
mamamatay ako na hindi kasal, ibig kong sabihin na
hindi ko inaasahan na mabubuhay ako hanggang ako’y
ikinasal. Eto na si Anna! Diyos ko, ang ganda niya!
Parang may nararamdaman akong pagkakilig dito ah!
Pasok ANNA
(CONTINUED)
CONTINUED: 31.
ANNA
Kahit ayoko, inutusan ako na tawagin ka para sa
hapunan.
ANTONIO
Ay, marilag na Anna, salamat para sa sakripisyong
kinuha mo para masabi ito.
ANNA
Hindi nadagdagan ang sakripisyo ko sa pagtawag sa iyo
kaysa sa sakripisyo mo sa pagsalamat sakin. Kung
masakit ang pinagawa sa akin, hindi ko dapat ginawa.
ANTONIO
Sa madaling salita, ginusto mo ipadala ang mensaheng
ito?
ANNA
Ay oo, parang ginusto ng isang tao na sakalin ang isang
ibon. Ayaw mo kumain, di wag.
Labas siya.
ANTONIO
Ha! "Kahit ayoko, pinapatawag ka sa hapunan" May
dalawang kahulugan iyon ah! "Hindi nadagdagan ang
sakripisyo ko sa pagtawag sa iyo kaysa sa sakripisyo mo
sa pagsalamat" Parang sinabi lang niya na "Kahit anong
gawin ko ay ’sing dali ng pagsabi ng ’Salamat’" Kung
hindi ito tutulak sakin para maawa sa kanya, wala akong
puso. Maghahanap na ako ng larawan niya.
Labas
32.
ACT III
7 Scene 1 7
Pasok MARISSA, PATRICIA, at JOANNA
MARISSA
Patricia, punta ka sa sala. Naroon si Anna, kausap si
Henry at si Don Sebastian. Sabihin mo na siya ay
pinag-uusapan namin ni Joanna. Sabihin mo na narinig mo
kami at dapat magtago siya upang marinig ang aming
pinag-uusapan.
PATRICIA
Opo!
Labas siya.
MARISSA
Joanna, pagdating ni Anna, lalakad lang tayo rito,
pinag-uusapan lang si Antonio. Kapag sinabi ko ang
pangalan niya, wala kang gagawin kundi purihin siya.
Ako na magsasabi na lubos na napamahal si Antonio kay
Anna. Parang pana lang ni Kupido, gawa sa chismis.
Pasok si ANNA mula sa likod
MARISSA
Simula na tayo.
JOANNA
(kay MARISSA lamang)
Paborito kong bahagi sa pangingisda ay ’pag ang bilis
ng isda pag lumangoy papunta sa pain. Ngayon, si Anna
ang isda. Wag ka mag-alala. Kaya ko ’to.
MARISSA
(kay JOANNA lamang)
Lapit tayo para marinig niya ng lubos ang pain na ito.
(palapit kung saan nakatago si ANNA)
Pero Joanna, masyado siyang mapanlait.
JOANNA
Pero sigurado ka ba na ganun ka mahal ni Antonio si
Anna?
MARISSA
Sabi ni Don Sebastian at ang aking kasintahan.
JOANNA
Inutusan ka ba nilang sabihan si Anna ukol dito.
(CONTINUED)
CONTINUED: 33.
MARISSA
Gusto nga nila na sabihin ko pero nakumbinsi ko sila
na, kung tunay na mahal nila si Antonio, susubukan nila
ang emosyon niya at ililihim muna kay Anna.
JOANNA
Bakit mo ginawa yan? Wala bang karapatan si Antonio na
magkaroon ng asawa, gayundin kay Anna?
MARISSA
Ay diyos ng pag-ibig, alam kong karapat-dapat kay
Antonio ang lahat na maaaring makuha ng isang tao pero
hindi ginawa ng Kalikasan ang isang puso ng babae na
’sing tapang nang kay Anna. May panlalait sa mata niya
at higit pinahahalagaan niya ang kanyang utak kumpara
sa ibang bagay. Mahal na mahal niya ang sarili niya na
hindi siya makapagmahal ng iba. Hindi niya maisip kung
ano ang "pag-ibig"
JOANNA
Tama ka diyan. Malas kung alam niya kung gaano siya
kamahal ni Antonio tapos pinagtawanan lang niya siya.
MARISSA
Totoo, pag may nakilala siyang lalaki, kahit gaano ka
tapat, pogi, o marangal, lagi niyang binibigyan ng
masamang pagtingin ang mga mabubuting bagay ng lalaking
iyon. Kung maputi, dapat daw siya’y maging kapatid
niya, hindi asawa. Kung maitim, natapunan daw ng
Kalikasan ang kanyang balat ng tinta. Kung matangkad,
sasabihin niyang parang pana na may kakaibang ulo. Kung
bansot, sasabihin niyang parang pangit na miniyatura.
Wala eh, palagi nalang masama.
JOANNA
Medyo mahirap magmahal ng babaeng ganun...
MARISSA
Siyempre naman! Pero sino ba ang matapang na magsasabi
sa kanya? Kung sinabi ko, pagtatawanan lang niya ako ng
lubos na baka maging buhangin nalang ako. Dapat itago
ni Antonio ang damdamin niya. Parang apoy na tinakpan,
dapat namnamin ni Antonio ang pag-ibig hanggang masunog
siya at maging abo. Mas maganda na lang kung ganun
kaysa na pagtawanan siya ni Anna.
JOANNA
Pero dapat pa rin natin sabihin ito kay Anna at tingnan
natin ang kanyang reaksyon.
MARISSA
’Wag. Punta nalang ako kay Antonio at papayuhan ko siya
na labanan muna ang damdamin niya. Siraan ko si Anna.
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 34.
MARISSA (cont’d)
Hindi mo alam kung gaano kabilis mamamatay ang pag-ibig
ng isang masamang salita lamang.
JOANNA
Huwag mo naman gawin ’yan sa pinsan mo! Matalino siya,
hindi naman niya tatanggihan ang isang tao tulad ni
Signor Antonio.
MARISSA
Siya lang ang pinakamabuting lalaki sa Pilipinas,
maliban siyempre sa aking minamahal na Henry.
JOANNA
Huwag po kayo magalit sa akin pero sa buong Pilipinas,
si Antonio daw ang pinakagwapo, pinakamatalino, at
pinakamatapang.
MARISSA
Sa bagay, mataas ang tingin sa kanya ng mga tao.
JOANNA
Dapat lang. Kailan nga po pala kayo ikakasal ni Signor
Henry?
MARISSA
Bukas at bawat araw pagkatapos. Halina, pumasok na
tayo. Tulungan mo ako pumili ng susuotin ko bukas.
Lalayo sila sa pinagtataguan ni ANNA
JOANNA
(kay MARISSA lamang)
Nahuli natin siya, madam! Sigurado ako.
MARISSA
(kay JOANNA lamang)
Kung ganun, hindi mo malalaman kung saan nangaling ang
ang pag-ibig. Si Kupido ay nakakagawa ng pag-ibig gamit
ang pana pero minsan, hinuhuli niya ang mga ito gamit
ng bitag.
Lahat labas maliban kay ANNA
ANNA
Diyos ko! Nahihiya ako sa sarili ko. Posible ba ito?
Talaga bang mataray at mapanlait ako?! Di paalam sa mga
ugali kong iyon! Paalam na rin sa pagka-ayaw ko sa
pagpapakasal! Hindi naman nila pinag-uusapan ang
kabutihan ko kapag wala ako eh. Antonio, ituloy mo lang
ang pag-ibig mo sa akin at ibabablik ko ito. Magiging
mabait na ako sa iyo mula ngayon, at kung tunay na
mahal mo ako, itong kabaitan ko ay tutulak sa iyo upang
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 35.
ANNA (cont’d)
magpropose. Sabi nila na karapat-dapat sa iyo ang aking
puso, naniniwala naman ako doon, hindi lang dahil sabi
nila.
Labas siya
8 Scene 2 8
Pasok DON SEBASTIAN, HENRY, ANTONIO, at ARTURO.
DON SEBASTIAN
Dito lang ako sa bayan hanggang ika’y ikinasal na,
tapos babalik na ako sa Maynila.
HENRY
Sasama po ako sa inyo, Don, kung papayagan ninyo ako.
DON SEBASTIAN
Hindi pwede! Ang paglayo sa iyo mula sa iyong asawa ay
parang ipinakita mo sa bata ang bagong laruan pero
hindi mo siya pinayagan na paglaruan. Si Antonio lang
ang sasama sa akin dahil mula sa ulo hanggang sa paa,
kalokohan lang alam niya. Nakatakas siya sa pag-ibig
isa o dalawang beses at nasawa na sa kanya si Kupido.
ANTONIO
Don, hindi na po ako parang dati.
ARTURO
Oo nga, parang mas seryoso ka ngayon.
HENRY
Sana naman may minamahal ka na.
DON SEBASTIAN
Tigilan niyo nga ’yan! Walang isang patak ng katapatan
sa kanya na maaari siyang matablan ng pag-ibig. Kung
seryoso siya, siguro kailangan lang niya ng pera.
ANTONIO
Masakit ang ngipin ko.
DON SEBASTIAN
Bakit kaya?
ARTURO
Siguro dahil ’yan sa mikrobyo.
ANTONIO
Lahat naman, marunong lumutas ng isang problema,
maliban nalang kung ang problema ay sarili nilang
problema.
(CONTINUED)
CONTINUED: 36.
HENRY
Uulitin ko lang, may minamahal si Antonio!
DON SEBASTIAN
Wala, walang pag-ibig sa kanya. Walang sintomas akong
nakikita.
HENRY
Lagi niyang inaayos ng husto ang damit niya sa umaga.
Anong kahulugan noon?
ARTURO
May pabango pa siya!
DON SEBASTIAN
Hmm... Parang napapaniwala na ako sa inyo ah!
HENRY
May minamahal yan, sinasabi ko sa inyo.
DON SEBASTIAN
Halata naman eh. Seryosong seryoso siya,.
HENRY
At kailan ba siya naghuhugas ng pisngi. Iba na ang
kanyang galaw, hindi na siya panay kalokohan.
DON SEBASTIAN
Sige, sige. Dahil dito, ito ang sasabihin ko: may
minamahal si Antonio!
HENRY
At kilala ko ang minamahal niya.
DON SEBASTIAN
Parang kilala ko rin, at hindi niya gaanong kilala si
Antonio
HENRY
Hindi, kilala niya si Antonio. Alam niya lahat ng
kakulangan ni Antonio at sa kabila nito, mahal pa rin
niya si Signor.
ANTONIO
Hindi gagaling ang ngipin ko nito.
(kay ARTURO)
Ginoo, maaari po ba na samahan ninyo ako. May gusto
akong sabihin na ayokong marinig ng mga lokolokong ito.
Tawa sila. Labas si ANTONIO at ARTURO
(CONTINUED)
CONTINUED: 37.
DON SEBASTIAN
Ipupusta ko ang aking buhay na si Anna ang paksa ng
kanilang usapan.
HENRY
Talaga! Dapat ngayon, nagawa na nila Marissa at
Patricia ang trabaho nila kay Anna. Hindi sila
mag-aaway sa muli nilang pagkikita.
Pasok DON LORENZO
DON SEBASTIAN
Magandang gabi, kapatid.
DON LORENZO
Mawalang galang na po pero may gusto po akong sabihin
sa inyo.
DON SEBASTIAN
Sa akin lang?
DON LORENZO
Kung gusto ninyo pero pwede rin sumama si Signor Henry
sapagkat may kinalaman siya sa aking sasabihin.
DON SEBASTIAN
Bakit?
DON LORENZO
(kay HENRY)
Bukas ang kasal mo, hindi ba?
DON SEBASTIAN
Alam mo naman ang sagot diyan, eh.
DON LORENZO
Hindi ko alam kung magkakaroon ng kasal bukas pag
narinig niya ang sasabihin ko.
HENRY
Kung may dahilan para hindi kami ikasal, sabihin mo na.
DON LORENZO
Baka akalain mo na hindi kita mahal. Sana pag narinig
mo ang sasabihin ko, tataas ang pagtingin mo sa akin.
Hinahangaan ka ng kapatid ko, at dahil dito, tinulungan
ka niya na makuha si Marissa, pero sayang lang ang
hirap niya.
DON SEBASTIAN
Bakit ba? Ano nangyari?
(CONTINUED)
CONTINUED: 38.
DON LORENZO
Maiksi lang ito, ang kasintahan ni Signor Henry ay
taksil. Masyado ngang magaan ang salitang iyon para sa
kanya eh. Kung may maiisip kang mas masamang titulo,
tawagin natin siya na ganun. Pero kung gusto mo ng
patunay, samahan ninyo ako at may makikita kayong
lalaki sa kwarto niya, kahit sa gabi bago ang kasal.
Kung mahal mo parin siya pagkatapos nito, ituloy ninyo
ang kasal bukas. Pero mas tama kung magbago ka ng isip.
HENRY
(kay DON SEBASTIAN)
Posible ba ito?
DON SEBASTIAN
Hindi siguro.
DON LORENZO
Kung hindi kayo sasama sa akin para makita ang
kataksilang ito, huwag kayo magkunwari na kilala niyo
nang husto si Marissa. Kung sasamahan ninyo ako,
bibigyan ko kayo ng patunay, doon kayo gumawa ng
aksyon.
HENRY
Kung totoo ang sinasabi ni Don Lorenzo, papahiyain ko
siya bukas sa kasal.
DON SEBASTIAN
At dahil ako’y tumulong dito, sasamahan kita sa iyong
pagpapahiya.
DON LORENZO
Wala na akong sasabihin pa hanggang nakikita ninyo
gamit ang inyong sariling mata.
DON SEBASTIAN
Hay naku, sira ang araw na ito.
DON LORENZO
Pag nakita ninyo, hay..., magpapasalamat kayo na
napigilan ang disgrasya.
Labas
9 Scene 3 9
Pasok JACK, FROILAN, at iba pang pulis
JACK
Matapat ba kayo?
(CONTINUED)
CONTINUED: 39.
FROILAN
Siyempre, kundi dapat sila ay mabuhay sa langit.
PULIS
(bulong)
Langit?
JACK
Kung matapat kayo sa Don, masyadong mabait ang parusang
iyon.
PULIS
Ano daw?
FROILAN
Lutasan mo na sila, Kapitan Jack.
JACK
Una, sino rito ang katapat-tapat maging pinuno ng mga
guardiya?
PULIS #1
Siguro si Gratiano Santos o si Maria Santa Clara.
JACK
Maria, halika. Sa bagay ikaw ang pinaka walang
kabuluhan dito.
MARIA
Hindi ba "may kabuluhan"?
JACK
Ito ang iyong lutas
MARIA
Hindi po ba "utos"
FROILAN
Shut up!
JACK
Signor Maria!
MARIA
Senora po.
FROILAN
SHUT! UP!
JACK
Ang iyong lutas: Sisintahin mo lahat ng kahina-hinang
tao. Papatigilin mo.
(CONTINUED)
CONTINUED: 40.
MARIA
At kung hindi sila tumigil?
FROILAN
Di hayaan mo! Tawagan mo ang mga kasama mo at
magpasalamat kayo na wala na ang ewan na iyon.
JACK
Oo nga pala, huwag kayo maingay dahil katanggap-tanggap
ang isang maingay na pulis sa guard duty.
MARIA
Hindi ba "hindi katang-
FROILAN
Shut up.
JACK
Sige, good lock sa inyo. Oo nga pala, kung may lasing
dito, pauwiin mo ha?
MARIA
Paano kung ayaw nila umuwi.
FROILAN
Eh di, wag!
MARIA
Sige po.
JACK
Iyon lang naman. Sige, good lock sa inyong lahat.
MARIA
Sir, hindi ba "good luck?"
FROILAN
Shut up!
JACK
Paalam, Maria. Maging mainit, ha?
Labas JACK at FROILAN
MARIA
Mainit? Hindi ba maingat?
Pasok FRANCISCO at CLARA
FRANCISCO
Clara!
(CONTINUED)
CONTINUED: 41.
MARIA
(sa mga guardiya)
Shh.. Walang gagalaw.
FRANCISCO
Clara!
CLARA
Nandito lang ako, ano ba?
FRANCISCO
Sige, halika dito.
MARIA
(sa mga guardiya)
May pagtataksil dito, makinig kayo.
FRANCISCO
Binayaran na ako ni Don Lorenzo ng isang libong piso.
CLARA
Anong krimen ang may halagang ganyan?!
FRANCISCO
Haha, tingan na lang natin. Ang lupit ng ginawa ko.
MARIA
(sa mga guardiya)
Kilala ko yun ah, si Lupit. Mangnanakaw!
FRANCISCO
May narinig ka?
CLARA
Wala naman.
FRANCISCO
Balik sa kwento ko. Dinala ko si Patricia sa kwarto ni
Marissa. Tawag ko sa kanya buong gabi, "Marissa!" Pero
dagdagan kwentong ito. Pumunta si Don Lorenzo kina Don
Sebastian at Henry. Inayos niya para makita niya ang
ginawa namin sa kwarto ni Marissa.
CLARA
Naniwala naman sila?
FRANCISCO
Oo naman. Pero si Don Lorenzo, talagang kasama siya sa
plano. Galit na galit si Henry pag alis at sabi niya,
papahiyain niya si Marissa sa altar.
(CONTINUED)
CONTINUED: 42.
PULIS #1
HOY! KAYONG DALAWA! HUWAG KAYO GUMALAW!
MARIA
Tawagin niyo si Kapitan Jack. Nahuli na natin ang
karmenal.
PULIS #2
Sir, parang nahawa na po kayo kay Kapitan Jack.
MARIA
Pasensya na.
Labas ang PULIS #1
CLARA
Mga kaibigan.
MARIA
(kay FRANCISCO)
Pipilitin ka siguro para sabihin kung saan nagtatago
ang kriminal na si Lupit.
CLARA
Mga kaibigan...
MARIA
Shut up! Sumunod ka nalang.
FRANCISCO
Mahalaga kami para sa inyo, no?
CLARA
Siguro. Sige, sumunod na tayo.
Labas lahat.
10 Scene 4 10
Pasok MARISSA, PATRICIA, at JOANNA
MARISSA
Joanna, pakigising naman ang aking pinsan.
JOANNA
Opo
MARISSA
Papuntahin mo rin dito.
JOANNA
Sige po.
(CONTINUED)
CONTINUED: 43.
Labas.
PATRICIA
Mas maganda talaga yung isa mong damit.
MARISSA
Sige na, Pat, ito na lang susuotin ko.
PATRICIA
Di nga, mas gusto ko ung isa at siguro sasang-ayon ang
pinsan mo sa akin.
MARISSA
Pareho naman kayong walang taste eh. Ito nalang, haha.
Pasok ANNA
MARISSA
Magandang umaga, Anna.
ANNA
Gandang umaga rin, Marissa.
MARISSA
Ok ka lang? May sakit ka ba?
ANNA
Siguro... Malapit na mag alas-singko. Dapat handa ka
na.
PATRICIA
Para sa kasal. Aba, dapat ikaw rin.
ANNA
Huh?
PATRICIA
Wala lang.
ANNA
Hay, ang sama talaga ng pakiramdam ko.
PATRICIA
Magpagaling ka kay Doktor Antonio.
ANNA
Ano ito? Pinaparinggan mo ba ako?
PATRICIA
Wala po, baka may iba lang kayong iniisip. Baka akala
niyo na akala ko na may minamahal ka. Hindi po ako
tanga, Madam Anna. Hindi ko maaaring isipin na may
minamahal ka o may mamahalin ka o pwede ka magmahal.
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 44.
PATRICIA (cont’d)
Pero dati, galit din si Signor Antonio sa pag-ibig at
ngayon, naging tunay na lalaki na siya. Sabi niya hindi
siya magpapakasal kailanman pero ngayon, may minamahal
na siya. Paano ka siguro mababago, hindi ko alam. Tulad
ka lang naman sa ibang babae.
ANNA
Anong meron sa iyo, Patricia?
PATRICIA
Wala. Sorry po, madam.
Pasok JOANNA
JOANNA
Madam, inutusan po ako nina Don Sebastian, Signor
Henry, Signor Antonio, Don Lorenzo, at iba pang
kalalakihan na dalhin na po kayo sa simbahan.
MARISSA
Halina na Anna, Pat, Joanna, tulungan ninyo ako na
magbihis.
ANNA
Oo nga pala, mas gusto ko yung isa mong damit.
PATRICIA
Sabi sa’yo eh.
Labas silang lahat.
11 Scene 5 11
Pasok si ARTURO kasama si JACK at FROILAN
ARTURO
Ano ang gusto mo?
JACK
Ginoo, may gusto po akong ihalad na balita na may
kalalaman sa iyo.
ARTURO
Bilisan niyo po, marami akong ginagawa.
JACK
Siyempre po.
FROILAN
Of course!
(CONTINUED)
CONTINUED: 45.
ARTURO
Ano na?
JACK
Patawad po, medyo madaldal po si Froilan eh.
FROILAN
Weh?
JACK
Hay naku. Kita niyo po. Panutay lang ito sa sinabi ko.
ARTURO
Kapitan...
FROILAN
Patawad po ulit. Ayon sa mga guardiya ko kagabi, may
nahuli daw sila na pinakamasamang karmenal sa bayan.
JACK
Patawarin ninyo po ang partner ko. Talagang sa mundo,
kapag may kabayo, isa sasakay sa harap at isa sasakay
sa likod. Diba, Froilan?
FROILAN
Shut up!
ARTURO
Kailangan ko na pong bumalik sa kasal.
JACK
Sir, itong dalawang kahima-himalang tao, gusto namin
idaan sa eskaminasyon.
ARTURO
Kayo na bahala tapos sabihin ninyo sa akin pagkatapos
ang resulta. Nagmamadali po ako.
JACK
Sige po. Katamtaman na po iyan.
ARTURO
Paalam
Pasok MENSAHERO
MENSAHERO
Signor, nag-aabang na po sila na ibigay ninyo ang anak
ninyo kay Henry.
ARTURO
Papunta na ako.
(CONTINUED)
CONTINUED: 46.
Labas ARTURO at MENSAHERO
JACK
Punta ka kay Maria Santa Clara, ang pinuno ng mga
guardiya. Sabihin mo magdala siya ng panulat sa
presento. I-e-eskaminasyon na natin ang mga karmenal
na ito.
FROILAN
Sige po.
JACK
Pagkatapos ng eskaminasyon na iyon, aamin na sila sa
kanilang karmen. Pumili ka ng matalinong tao upang
i-sulatin ang ating eskaminasyon. Kumita-kita tayo sa
presento.
Labas JACK at FROILAN
47.
ACT IV
12 Scene 1 12
Pasok DON SEBASTIAN, DON LORENZO, ARTURO, PADRE
DANIEL, HENRY, ANTONIO, MARISSA, ANNA, at iba pang
tao.
ARTURO
Padre, paiksiin po ninyo. Pinakapayak lang na kasal at
ang kanilang tungkulin pagkatapos.
PADRE DANIEL
(kay HENRY)
Halika, Signor, narito ka ba upang ikasal ang babaeng
ito?
HENRY
Hindi.
ARTURO
Hindi po "ikasal ang" Padre, ikaw po ang kakasal sa
kanila.
PADRE DANIEL
Marissa, ikaw ba ay narito upang ikasal kay Henry.
MARISSA
Opo.
PADRE DANIEL
Kung may anumang dahilan para hindi ikasal ang dalawang
ito, sabihin na ngayon.
HENRY
Marissa, may alam ka ba?
MARISSA
Wala, Signor.
PADRE DANIEL
Ikaw po, Signor? May alam ka?
ARTURO
Ako ang sasagot para sa kanya: wala.
HENRY
Sandali lang po
(kay ARTURO)
Ipinapaubaya mo pa ang iyong anak sa akin, ’tay?
(CONTINUED)
CONTINUED: 48.
ARTURO
Oo, parang ang pagpapaubaya ng Diyos kay Marissa sa
akin.
HENRY
At ano ang maibibigay ko sa iyo na kapalit?
ARTURO
Wala naman, maliban na lang sa mga apo.
HENRY
Don Sebastian, tinuruan mo akong tumanggap ng bagay
nang marangal. Eto na, Arturo! Ibinabalik ko na sa iyo
ang iyong anak! Huwag mo insultuhin ang iyong kaibigan
sa pagbigay ng bagay na maganda ang labas, panget sa
loob! Sa labas lang maayos si Marissa. Tingnan mo,
parang dalaga kung kumilos. Ang galing talaga ng
kasalanan magtago ng sarili. Lahat ng nakatingin sa
kanya, sa tingin ninyo dalaga siya? Hindi! Nakasama
niya ang isang lalaki sa kama. Kahihiyan ang
ipinapakita niya, hindi katimtiman!
ARTURO
Ano ang pinagsasabi mo, Signor?!
HENRY
Hindi ako magpapakasal sa isang napatunayang burikit!
ARTURO
Signor, kung ikaw mismo ang nakasama niya sa-
HENRY
Alam ko na sasabihin mo. Kung ginawa namin iyon ay
ginawa namin bilang asawa, hindi lang makapaghintay sa
aming kasal. Pero hindi, Arturo. Walang nangyaring
ganun. Tinrato ko siya na may galang at karapat-dapat
na ugali.
MARISSA
Kailan ba nasira ang aking karangalan at respeto?
HENRY
Takte ka! Tama na ang kasinungalingan! Para kang si
Artemis, dalaga, pero hindi! Ikaw si Aphrodite, walang
kontrol sa sarili!
MARISSA
May sakit po ba kayo, Signor?
ARTURO
Don Sebastian, tulong naman dito.
(CONTINUED)
CONTINUED: 49.
DON SEBASTIAN
Anong tulong ang maibibigay ko? Nasira na ang aking
karangalan. Nagplano ako ng kasal ng aking kaibigan at
isang burikit!
ARTURO
Nababaliw na ba ang mundo? Talaga bang sinasabi mo ito
o nananaginip lang ako?
DON LORENZO
Hindi ka nanananginip, ginoo.
ANTONIO
Mali ba ang pinasukan ko? Parang hindi ito kasal, eh.
MARISSA
Diyos ko!
HENRY
Arturo, nakatayo ba ako rito? Ito ba ang Don? Ito ba
ang kapatid ng Don? Ang mukha ba nito ay kay Marissa?
ARTURO
Totoo pero anong ibig mong sabihin?
HENRY
May isa lang akong itatanong sa kanya at bilang kanyang
tatay, sabihin mo na sumagot siya ng tapat.
ARTURO
Anak, gawin mo ito.
MARISSA
Diyos ko, tulungan Ninyo ako. Inaatake ako. Anong
klaseng laro ito?
HENRY
Gusto lang namin na sumagot ka sa iyong tunay na
pangalan.
MARISSA
Hindi ba Marissa ang pangalan ko? Sino makasisira sa
pangalan na iyon sa isang paratang?
HENRY
Ikaw mismo, hindi mo magagawa iyon. Ginamit mo ang
iyong aksyon upang masira ito. Sino ang kasama mo
kagabi? Kung dalaga ka, sagutin mo ito.
MARISSA
Wala naman akong kausap nung oras na iyon.
(CONTINUED)
CONTINUED: 50.
DON SEBASTIAN
Samakatwid, hindi ka dalaga. Arturo, pasensya na at
naririnig mo itong lahat. Isinusumpa ko na nakita namin
at narinig namin si Marissa na may kausap na ibang
lalaki kagabi. Sinabi ng lalaki na ilang beses na nila
ginagawa iyon.
DON LORENZO
’Wag mong ilahad ang mga kasalanan niya. Walang paraan
na sabihin ang mga iyon nang walang magagalit. Marissa,
ikinahihiya ko ang iyong ugali.
HENRY
Marissa, paalam. Paalam sa iyong kataksilan. Dahil sa
’yo, lalayo na ako sa pag-ibig.
ARTURO
Sinong may kutsilyo para sa akin?
Nahimatay si MARISSA
ANNA
Pinsan, bakit ka nahimatay?
DON LORENZO
Halina, nasobrahan na siya sa mga rebelasyong ito.
Labas sina DON SEBASTIAN, DON LORENZO, at HENRY
ANTONIO
Musta na siya?
ANNA
Patay na ata eh. Tito, tulong! Bakit Marissa? Tito!
Signor Antonio! Padre!
ARTURO
Ay Kapalaran, ’wag niyong iligtas si Marissa sa parusa.
Ang kamatayan ay ang pinakamagandang parusa ngayon.
ANNA
Marissa, musta na?
Nagising muli si MARISSA
PADRE DANIEL
(kay MARISSA)
Magpahinga ka muna, iha.
ARTURO
(kay MARISSA)
Nakatingala ka?
(CONTINUED)
CONTINUED: 51.
PADRE DANIEL
Oo, bakit bawal iyon?
ARTURO
Bakit hindi? Hindi ba siya isinusumpa ng lahat ng
nabubuhay? Pwede ba niyang tanggihan ang mga paratang
ito? Mamatay ka na, Marissa, huwag mo na buksan ang
iyong mga mata. Kung hindi ka mamamatay, kung hindi
makakayanan ng kaluluwa mo ang kahihiyan na ito, ako na
ang tatanggap ng parusa at ako mismo ang papatay sa
iyo! Isang anak ay sobra na, bakit pa ako humiling ng
anak? Bakit parang marangal ka rati? Bakit hindi nalang
ako nang-ampon ng pulubi na pwedeng pwede ko tanggihan
na magsing dugo kami?! Pero sa akin ka at minahal kita
at ikinasaya kita. Pero ngayon, nasira na ang iyong
imahe.
ANTONIO
Ginoo, huminahon ka na po. Grabe ito! Wala akong
masabi.
ANNA
Hay naku, nasiraan ang puri ng pinsan ko!
ANTONIO
Kasama mo ba siyang natulog kagabi?
ANNA
Hindi pero gabi-gabi ako natulog dun nang isang taon.
ARTURO
Karagdagang patunay lang iyon! Magsisinungaling ba ang
dalawang Don at si Signor Henry?! Si Henry na minahal
siya nang husto na ang pag-uusap lang tungkol sa
kasamaan ni Marissa ay nagpapaluha na sa kanya?
PADRE DANIEL
Pakinggan ninyo ako. Nanahimik lang ako dahil
pinapanood ko si Marissa. Nakikita ko ang katotohanan
sa mukha niya. Ilang taon na ako naging pari. Pwede
kayo magduda ukol sa aking karanasan kung totoo ang
kataksilan niya.
ARTURO
Totoo iyon, Padre! Hindi siya tumatanggi, ayaw na niya
magdagdag ang panunumpa ng walang katotohanan sa
kanyang kasalanan.
PADRE DANIEL
Iha, sino ba ang taong sinasabi nila na kasama mo?
(CONTINUED)
CONTINUED: 52.
MARISSA
Dapat po sila ang tanungin ninyo. Hindi ko alam sa
sarili ko. Kung may kasama man ako kagabi na hindi
karapat-dapat, masunog na ang kaluluwa ko sa impyerno.
’Tay, kung ikaw mismo ang makakabigay ng patunay na may
kasama ako, pwede mo na akong itakwil at patayin!
PADRE DANIEL
May hindi pagkakaunawaan ang mga Don at si Henry.
ANTONIO
Dalawa sa kanila ay marangal naman at kung may gumawa
ng kaguluhan dito, tiyak na si Don Lorenzo iyon
sapagkat iyon ang kanyang bisa sa buhay.
ARTURO
Hindi ko na alam. Kung totoo ang sinabi nila tungkol
kay Marissa, ako mismo ang papatay sa kanya. Kung hindi
makatotohanan, kahit ang pinakamalakas sa kanila ay
sasagot sa akin.
PADRE DANIEL
Sandali lang, makinig muna kayo. Umalis ang mga lalaki
nang nahimatay si Marissa. Itago niyo muna siya sa
bahay at ipagkalat ninyo na patay na siya. Gawin ninyo
ang lahat na kailangang gawin sa patay.
ARTURO
Bakit? Anong buti ang madadala nito?
PADRE DANIEL
Kung ginawa natin ito nang tama, ang mga taong sumira
ng puri ni Marissa ay maaawa nalang sa kanya. Pero
meron pang mas malaking layunin: Sasabihin natin na
namatay siya kung kailan siya inakusado. Lahat ng
makaririnig dito ay maaawa at magpaptawad sa kanya.
Ganyan naman talaga ang tao eh: kung kailan wala na,
dun lang nila pinapahalagaan. Ganun ang magiging
reaksyon ni Henry. Pag narinig niya ito, mapupuno ang
isip niya ng imahe ni Marissa. Lahat ng aspeto ng buhay
niya ay mabubuhat patungo sa kagandahan. Kung tunay nga
ang pag-ibig na naramdaman niya, magsisisi siya sa
ginawa niya. Sundan ninyo ito at maniwala kayo sa akin,
mas maganda pa ang kakalabasan nito kaysa sa sinasabi
ko. Kung hindi, kahit man lamang ang chismis tungkol sa
kataksilan ni Marissa ay matitigil. Kung ganito, itago
niyo siya sa kumbento.
ANTONIO
Signor Arturo, pakinggan ninyo ang plano ni Padre.
Kahit malapit ako sa Don at kay Henry, pinapangako ko
na ililihim ko ito sa kanila.
(CONTINUED)
CONTINUED: 53.
ARTURO
Dahil nalulunod na ako sa aking pighati, sige, gagawin
natin ito.
PADRE DANIEL
Halina. Iha, kailangan mong mamatay upang mabuhay. Sana
ang araw ng iyong kasal ay nabago lamang at hindi na
nawala nang tuluyan. Pasensya lang ang kailangan mo at
pagtitiis.
Labas lahat maliban kay ANTONIO at ANNA
ANTONIO
Madam Anna, kanina ka pa ba umiiyak?
ANNA
Oo, at itutuloy ko lang ito.
ANTONIO
Ayoko naman nang ganun...
ANNA
Hindi mo naman kailangan gustuhin eh, ako lang ang
gustong umiyak.
ANTONIO
Naniniwala ako na inosente ang pinsan mo.
ANNA
Ang sinumang gumanti para sa kanya ay maaaring humingi
ng kahit ano mula sa akin!
ANTONIO
Pwede bang gawin ng lalaki iyan?
ANNA
Para sa lalaki ito pero hindi para sa iyo.
ANTONIO
Wala nang ibang bagay sa mundo ang minamahal ko kung
hindi ikaw. Hindi ba kakaiba iyon?
ANNA
Parang itong bagay lang na hindi ko maintindihan: Pwede
ko rin sabihin na wala akong ibang bagay sa mundo na
minamahal maliban sa iyo pero huwag ka maniwala sa
akin, kahit hindi ako nagsisinungaling. Wala akong
inaamin at wala akong tinatanggi. Naaawa lang ako sa
pinsan ko.
ANTONIO
Sa aking espada, Anna, mahal mo ako!
(CONTINUED)
CONTINUED: 54.
ANNA
Huwag ka manumpa nang ganyan tapos babalikan mo lang at
babawiin mo rin naman.
ANTONIO
Isusumpa ko sa aking espada na mahal mo rin ako at
sinuman ang magsasabi na hindi kita mahal, mananagot
sila sa espada ko.
ANNA
Pero babawiin mo rin?
ANTONIO
Hindi! Mahal kita, Anna! Mahal kita!
ANNA
Kung ganun, Diyos patawarin Niyo ako.
ANTONIO
Bakit, anong ginawa mo, aking minamahal na Anna?
ANNA
Naunahan mo ako. Sasabihin ko na rin sana na mahal
kita.
ANTONIO
Di sabihin mo nang buong-puso.
ANNA
Mahal na mahal kita nang buong puso na wala nang
natitira para umangal.
ANTONIO
Halika, kahit ano, gagawin ko para sa iyo.
ANNA
Patayin mo si Henry.
ANTONIO
HA! Hindi ko gagawin iyon para sa mundo.
ANNA
Sa pagtanggi mo na iyan, pinatay mo na ako. Paalam.
Palabas na si ANNA
ANTONIO
Sandali lang, Anna.
Pipigilan niya si ANNA sa paglabas.
(CONTINUED)
CONTINUED: 55.
ANNA
Narito man ang katawan ko, wala na ako. Hindi mo ako
mahal. Bitiwan mo ako.
ANTONIO
Anna...
ANNA
Di nga, aalis na ako!
ANTONIO
Magiging magkaibigan muna tayo. Sige na.
ANNA
Ang kapal ng mukha mo! Gusto maging kaibigan kahit ayaw
mo labanan ang kaaway ko?!
ANTONIO
Kaaway mo si Henry?
ANNA
Hindi ba niya pinatunay sa pagsira niya ng puri ng
pinsan ko? Kung lalaki lang ako! Nagkunwari siya na ok
ang lahat hanggang nagpapalitan na ng pangako, tapos
paninira ng puri, kasinungalingan, kagalitan, Diyos ko!
kung lalaki lang ako, papilit kong kukunin ang puso
niya mula sa kanyang dibdib kung saan maraming tao at
kakainin ko habang tumitibok, GAH!
ANTONIO
Anna, makinig ka sa akin.
ANNA
Kausap ang lalaki sa kwarto niya? Ha, halatang
kathang-isip eh!
ANTONIO
Anna-
ANNA
Marikit na Marissa, ika’y siniraan, ika’y binastos.
ANTONIO
An-
ANNA
Mga Don, mga Signor! Siyempre pormal at maayos, at
tunay na marangal ang testimonya nila. Maayos naman na
tao yang si Signor Kamatis, mabuting tao talaga! Kung
lalaki lang ako, hay, o kaya kung may isang tao na
magiging lalaki para sa akin. Pero wala nang natitirang
tunay na lalaki. Panay kabastusan nalang at iba pa ang
natitira. Hindi ako magiging lalaki kung hihilingin ko,
kaya bilang isang babae, mamamatay nalang ako.
(CONTINUED)
CONTINUED: 56.
ANTONIO
Anna! Isinusumpa ko sa aking kamay na mahal kita!
ANNA
Huwag mo lang isumpa! Patunayan mo na mahal mo ako!
ANTONIO
Sigurado ka ba na mali ang pagka-akusado ni Henry kay
Marissa?
ANNA
Oo, katulad na kasiguraduhan na ako’y may isip o
kaluluwa.
ANTONIO
Sige, hahamunin ko si Henry. Hahalikan ko ang iyong
kamay at aalis ako. Pinapangako ko na magbabayad si
Henry para rito. Panatilihin mo ako sa iyong isip at
pumunta ka sa iyong pinsan. Sasabihin ko kay Henry na
patay na si Marissa. Paalam
Labas silang dalawa
13 Scene 2 13
Pasok JACK, FROILAN, ROBERTO, at ang mga Guardiya
na nagdadala kina CLARA at FRANCISCO.
JACK
Lahat ba ng mga tao ang nandito?
FROILAN
Kailangan natin ng upuan para kay Ginoong Roberto.
Magpapasok ng upuan. Uupo si ROBERTO
ROBERTO
Sino ang mga namumuno rito?
JACK
Kami po ni Froilan ko.
FROILAN
Opo, kami po ang inutuan upang mageskamino sa sakong
ito.
ROBERTO
Ano?
MARIA
Ibig po niyang sabihin ay sila ang inutusan upang
suriin ang kasong ito.
(CONTINUED)
CONTINUED: 57.
ROBERTO
Ah. Saan yung mga kriminal?
JACK
Ah, dalhin ang mga karmenal sa harap...ngayon na!
Punta sa harap sina FRANCISCO at CLARA
JACK
Pangalan?
FRANCISCO
Francisco
JACK
Pakisulat ang "Francisco" at ikaw?
CLARA
Ako ay isang binibini na pinangalang "Clara"
JACK
Pakisulat ang "Binibini Clarita". Mga karmenal,
naniniwala at naglilingkod ba kayo sa Diyos?
FRANCISCO CLARA
Opo Opo
JACK
Pakisulat na naglilingkod sila sa Diyos at unahin mo
ang "Diyos" sapagkat hindi karapat-dapat na mauna ang
pangalang ng mga karmenal na ito sa Diyos. Mga
karmenal, napatunayan na na kayo ay mga sinungaling na
karmenal at malapit na itong tuluyang mapatunayan.
Inosente ba kayo o hindi?
CLARA
Sa totoo po, kami po ay hindi mga kriminal.
JACK
Matalino naman ito pero uunahan ko. Halika, may
ibubuntong ako sa iyo. Sinasabi ko na kayo ay
sinungaling na karmenal.
FRANCISCO
Hindi nga po.
JACK
Pareho ang kwento nila! Naisulat mo na ba na hindi daw
sila karmenal?
(CONTINUED)
CONTINUED: 58.
ROBERTO
Kapitan Jack, mali naman ang proceso mo eh. Tanungin mo
ang guardiya na nakahuli sa kanila.
JACK
Oo nga no? Yan ang pinakawatso na paraan.
(Sa mga guardiya)
Mga ginoo, sa ngalan ng Don, akusahan mo ang mga ito!
PULIS #1
Sabi po niya na si Don Lorenzo, kapatid ni Don
Sebastian, ay isang kontrabida
JACK
Isulat mo na si Don Lorenzo ay kontrabida. Ito ay
kajajuhan, tawagin ang kapatid ng Don na kontrabida!
FRANCISCO
Anong "Kajajuhan"?
FROILAN
Shut up!
FRANCISCO
Kapitan
FROILAN
Sinabing Shut up eh! Hindi ka ba nakakaintindi?
ROBERTO
(sa mga guardiya)
Ano pa ang narinig ninyo?
PULIS #2
Binayaran ni Don Lorenzo si Francisco ng isang libong
piso para sa pagsira kay Marissa.
JACK
Kajajuhan!
Tatawa sina FRANCISCO at CLARA
FROILAN
What are you laughing der?
ROBERTO
Ano pa?
PULIS #1
Narinig ko rin na si Signor Henry at papahiyain si
Marissa sa simbahan.
(CONTINUED)
CONTINUED: 59.
JACK
(kay FRANCISCO)
Ikaw, pusang baka ka!
FRANCISCO
Ano? Hindi ko maintindi-
FROILAN
Shut up!
ROBERTO
Ano pa?
PULIS #1
Yun lang po.
ROBERTO
(kay FRANCISCO at CLARA)
Hindi ninyo matatanggihan ito. Kaninang umaga, tumakas
na si Don Lorenzo sa bayan. Inakusahan si Marissa tulad
ng sabi nila at namatay dahil dito. Kapitan, taliin mo
ang mga ito at dalhin mo kay Ginoong Arturo. Mauuna na
ako at iuulat ko ito sa kanya.
Labas ROBERTO
JACK
Bilis, Froilan, lagyan na natin ng tae ang kanilang
kamay.
FRANCISCO
Pambihira naman ’to!
FROILAN
Kapitan, nananadya ka na ata eh.
CLARA
Lumayo ka sa akin, tanga!
JACK
Saan ba si Ginoong Roberto? Dapat isulat niya na
tinawag ng jaju na ito na "tanga" si Froilan. Taihan mo
na sila.
(kay Clara)
Ikaw bastos na karmenal ka.
CLARA
Takte, lumayo ka nga sa akin, Negro! Negro, lumayo ka
sa akin.
JACK
(pasigaw)
AH! GANYAN NA PALA HA?! Ang kapal ng mukha mo, pusang
baka! Kung narito lang si Ginoong Roberto upang isulat
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 60.
JACK (cont’d)
na tinawag mo akong Negro. Alalalnin mo ito, kahit
hindi nakasulat, alalanin mo! Bastardo! Ako ay kapitan
ng pulisya, ikaw? Isang simpleng karmenal! Ako may
asawa, may trabaho, may reputasyon, ang pogi ko pa. At
alam ko ang batas! Tanggalin mo na nga sila sa harap
ko! Kung nalito lang talaga si Ginoong Roberto. Negro,
jaju talaga...
Labas lahat.
61.
ACT V
14 Scene 1 14
Pasok ARTURO at CRISOSTOMO
CRISOSTOMO
Alam mo, kung tutuloy ka sa paggaganyan mo, papatayin
mo sarili mo. ’Wag mo na kasi dagdagan ang iyong
pighati.
ARTURO
’Wag mo nga akong payuhan, daraan lang yang mga yan sa
ulo ko. Ang pwede lang pumayo sa akin ay ang isang
taong nakaraan na sa ’sing lubha na pagsubok sa akin.
Maghanap ka ng tatay ng nagmahal sa anak nang parang
minahal ko si Marissa at tanungin mo siya kung may
pasensya pa siya. Ikumpara mo kaming dalawa.
Kung isang taong naghirap ay magpapayo tulad mo,
pangiti-ngiti pa diyan, at sasabihan ako na huwag
maging malungkot sapagkat dapat nakikiramay siya sa
akin, susundan ko at magtitiis ako. Pero walang taong
ganun. Pwede mong subukan na payuhan ang isang taong
nakaranas ng sakit na hindi mo pa nararanasan, pero pag
naramdaman mo ang sakit niya, ang sarili mong payo ay
magiging parang walang kwenta. Hindi mo makokontrol ang
mga masasamang bagay gamit ang simpleng paraan. Lahat
ng tao ay, sa sarili nilang paningin, kailangang
payuhan ang mga masyadong malungkot na wala na silang
pasensya. Pero walang taong ganun ka moral o malakas na
pagdating ng problema sa kanila, matitiis rin nila ang
ganung pagpayo kaya huwag mo na ako payuhan. Masyadong
malakas ang iyak ng aking kalungkutan. Hindi kita
maririnig.
CRISOSTOMO
Kung ganun, para ka lang bata.
ARTURO
Iwanan mo nga muna ako. Gusto ko maging balat at dugo,
hindi puro pilosopiya, dahil walang pilosopo na
nakatiis ng masakit na ngipin na may pasensya, kahit
pag makasulat sila ay parang umahon sila sa kahirapan
at malas ng mga tao.
CRISOSTOMO
Pero huwag mo namang ibuntong sa sarili mo lahat ng
sakit. Siguraduhin mo na ang mga nagkasala sa iyo ay
nasasaktan rin.
ARTURO
Iyan ang masusundan kong payo. Siyempre mangyayari yan.
Sa paningin ng aking kaluluwa, inosente si Marissa.
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 62.
ARTURO (cont’d)
Sisiguraduhin ko na si Henry, Don Sebastian, at ang iba
pang tumulong sa paninira sa kanya ay magbabayad.
Pasok DON SEBASTIAN at HENRY
CRISOSTOMO
Papunta na sina Don Sebastian at Signor Henry.
DON SEBASTIAN
Magandang gabi, mga kapatid.
HENRY
Gandang gabi...
ARTURO
May ibig po akong sabihin sa-
DON SEBASTIAN
Nagmamadali po kami, Arturo.
ARTURO
Nagmamadali? Di paalam, ginoo. Nagmamadali ka, ha? Wag
nalang.
DON SEBASTIAN
Huwag kang makipag-away sa amin, Arturo
CRISOSTOMO
Kung away ang hiling niya, dapat magtago ang ibang tao
rito sa ibang lugar.
HENRY
Sino ba ang nagkasala sa kanya?
ARTURO
Kayo, mga sinungaling! Wag niyo ako tatakutin gamit ng
inyong mga espada. Hindi ako takot sa inyo!
HENRY
Isusumpa ko ang sarili ko kung tatakutin ko ang isang
matanda tulad mo. Wala naman akong intensyon na gamitin
ang aking espada eh.
ARTURO
Huwag mo ako pagtawanan! Hindi ako tanga. Hindi ako
magyayabang sa mga ginawa ko nung bata ako at ang
gagawin ko kahit matanda na ako. Henry, sasabihin ko sa
pagmumukha mo na nagkasala ka sa akin at sa aking anak!
Napipilitan akong itakwil ang aking kapamituganan at
hahamunin kita sa isang laban! Siniraan mo ang inosente
kong anak. Binasag ng pagkasira mo sa puri niya ang
puso niya at ngayon, nakalibing na siya kasama ang
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 63.
ARTURO (cont’d)
kanyang mga ninuno, mga ninuno na hindi nasiraan
hanggang ikaw ay nagpasimuno ng isa bunga ng iyong
kasamaan!
HENRY
Kasamaan?
ARTURO
Oo! Kasamaan!
DON SEBASTIAN
Nagkakamali ka, Arturo.
ARTURO
Don, kung tatanggapin niya ang aking hamon, tatalunin
ko siya nang mapatunayan na inosente ang anak ko.
Tatalunin ko siya kahit mas bata siya sa akin.
HENRY
Imposible iyon! Wala akong magiging kinalaman sa iyo.
ARTURO
Sa tingin mo mapapaalis mo ako ng ganyan kadali?
Pinatay mo ang aking anak, labanan mo naman ang ’sing
laki mong tao. Kung mapapatay mo ako, nakapatay ka ng
tunay na kalalakihan!
CRISOSTOMO
Kung ganun, kailangan niya patayin kaming dalawa. Pero
isa muna, sige na, patayin mo na ako at ipagyabang mo!
Halika, batang ka. Halika!
ARTURO
Kapatid-
CRISOSTOMO
Shh... Alam ng Diyos na minahal ko ang aking pamangkin
at ngayon, patay na siya dahil sa paninira ng mga
gagong ito na hindi lang man makatalo ng isang tunay na
lalaki. Mga bata, mga tanga, ang yayabang, hindi naman
mapanindigan.
ARTURO
Crisostomo...
CRISOSTOMO
Manahimik ka muna, Arturo. Alam ko kung anong klaseng
tao sila. Walang respeto, walang muwang, mga batang
nagsisinugnaling, nandaraya, at naninira. Parang ang
ganda ng suot nila, nagkukunwaring matapang at gumagawa
ng panakot na hindi naman pinaninindigan.
(CONTINUED)
CONTINUED: 64.
ARTURO
Pero Crisostomo-
CRISOSTOMO
’Wag na, kapatid. Wag ka na magalala. Wala lang ’to.
Ako na bahala rito.
DON SEBASTIAN
Hindi na kami mananatili pa rito para lang kagalitan
ninyo. Pasensya na sa pagkamatay ng iyong anak pero
isinusumpa ko na totoo ang mga akusasyon namin at may
patunay kami.
ARTURO
Don...
DON SEBASTIAN
Ayoko na makarinig tungkol dito.
ARTURO
Ayaw mo? Sige na. Kailangan akong pakinggan!
CRISOSTOMO
At papakinggan ka, kung hindi, may magsisi rito.
Labas ARTURO at CRISOSTOMO
Pasok ANTONIO
DON SEBASTIAN
Eto na ang taong hinahanap natin.
HENRY
Musta na, Antonio?
ANOTNIO
(kay DON SEBASTIAN)
Gandang araw po.
DON SEBASTIAN
Gandang araw rin. Sayang, hindi mo nakita ang away na
muntikan na mangyari.
HENRY
Muntik na kami pugutan ng dalawang matandang wala nang
ngipin!
DON SEBASTIAN
Si Ginoong Arturo at ang kapatid niya. Ano sa tingin
mo? Kung nag-away ba kami, mapapatunayan namin na mas
bata nga kami?
(CONTINUED)
CONTINUED: 65.
ANTONIO
Walang katapangan sa isang hindi tapat na laban. Kanina
ko pa kayo hinahanap.
HENRY
Kami rin. Nalulungkot na kami. Patawanin mo nga kami.
ANTONIO
Nagpapahinga ang isip ko, gigisingin ko ba?
DON SEBASTIAN
Antonio, parang namumutla ka. Ok ka lang ba?
HENRY
Ngumiti ka naman nang kaunti.
ANTONIO
’Wag mo akong subukan na labanan sa barahan. Talo ka sa
akin, kahit lahat ay ibuhos mo. Palitan nga natin ang
paksa.
DON SEBASTIAN
Parang mas namumutla ka pa. Parang talagang galit siya
ah.
HENRY
Kung galit siya, problema niya yun.
ANTONIO
Pwede ba tayo mag-usap. Tayo lang?
HENRY
Gusto mo ata akong hamunin sa laban eh.
ANTONIO
(kay HENRY lamang)
Kontrabida ka. Seryoso, hinahamon kita sa anumang laban
gusto mo. Espada, kutsilyo, suntukan, kahit ano.
Tanggapin mo ito, kung hindi, ika’y isang duwag.
Pumatay ka ng isang inosenteng babae at ika’y
magbabayad. Ano na?
HENRY
Sige ba! Magsisisi ka lang!
DON SEBASTIAN
Oo nga pala Antonio, pinuri ka ni Anna nung isang araw.
Sabi daw niya, matalino ka daw. Nung Lunes ng gabi,
linalait ka niya at lahat ng kabutihan mo, ginagawa
niyang kasamaan. Martes ng umaga, sabi daw niya na ikaw
ang pinakamarangal na kalalakihan sa buong Pilipinas.
(CONTINUED)
CONTINUED: 66.
HENRY
Umiyak rin siya pero wala siyang pakialam.
DON SEBASTIAN
Oo. Kung hindi ka niya aawayin hanggang sa kamatayan,
mamahalin ka naman niya sa kamatayan. Kinwento sa amin
nito ng anak ni Arturo.
HENRY
Lahat.
DON SEBASTIAN
Kailan kaya ikakasal si Signor Antonio?
HENRY
Oo nga...
ANTONIO
Paalam, batang ka. Alam mo ang gusto ko. Iiwanan ko na
kayo upang magchismisan nang parang mga matandang
babae. Paalam. Ang kapatid mo nga palang si Don Lorenzo
ay tumakas ng bayan. Nakapatay kayo ng inosenteng babae
at papabayarin ko si Don Pokwang doon. Sana swertehin
nalang siya.
Labas siya
DON SEBASTIAN
Seryoso siya.
HENRY
Seryoso siya dahil kay Anna.
DON SEBASTIAN
Hinamon ka niya?
HENRY
Opo.
DON SEBASTIAN
Kakaiba, nagsuot ng napaka-ayos pero nakalimutan niya
ang utak niya.
HENRY
Hay naku, Antonio
DON SEBASTIAN
Sandali, sinabi niya na tumakas si Don Lorenzo, diba?
Pasok JACK, FROILAN, ang mga PULIS kasama sina
Clara at FRANCISCO
(CONTINUED)
CONTINUED: 67.
JACK
Halika, kayong dalawa. Kung papakuluan kayo nila, di
swerte ninyo.
DON SEBASTIAN
Ano ’to? Dalawang tauhan ng kapatid ko, nakatali.
Kasama pa si Francisco. Anong ginawa nila?
JACK
Una, sila’y sinungaling; bukod pa dun, silay nagsabi ng
di totoo; ikalawa, maninira sila ng puri; ikaanim at
huli, mali nilang inakusahan ang isang babae; ikatlo,
kinumpirma nila ang mga bagay na hindi nangyari; at
huli, sila ay mga sinungaling na karmenal!
DON SEBASTIAN
Una, tinatanong ko, anong ginawa nila?; ikatlo, anong
kasalanan ang ginawa nila?; ikaanim at huli, bakit kayo
nandito?; at huli, anong akusasyon ang inilagay sa
kanila?
HENRY
Tama lang po ’yan, Don Sebastian. Parang salita lang
niya.
DON SEBASTIAN
(kay FRANCISCO at CLARA)
Anong ginawa ninyo? Itong taong ito ay masyadong
matalino para sa akin.
FRANCISCO
Don, hindi ko hihintayin ang korte. Linoko po namin
kayo. Ang mga tangang ito ay may nabisto, na kayo, sa
kabila ng inyong karunungan, ay hindi mabisto. Narinig
nila ang aking pag-amin kay Clara ng utos ni Don
Lorezno, kapatid mo, na siraan ng puri si Marissa at
kung paano mo kami nakita ni Marissa sa bintana kahit
hindi iyon si Marissa. Namatay siya dahil sa kasalanan
ko at ng amo ko. Wala na akong gusto kung hindi ang
aking karapat-dapat na parusa.
DON SEBASTIAN
(kay HENRY)
Hindi ba ito nakakakilabot?
HENRY
Parang lason ang salita mo.
DON SEBASTIAN
(kay FRANCISCO)
Inutusan ka ng kapatid ko?
(CONTINUED)
CONTINUED: 68.
FRANCISCO
Opo at sapat ang bayad na binigay niya sa akin.
DON SEBASTIAN
Duwag! Tumakas para matakasan ang parusa.
HENRY
Aking minamahal na Marissa, pag naaalala kita ngayon,
parang nang una tayong magkita, nang una kitang
minahal...
JACK
Halina, at dalhin natin ang mga hurado.
MARIA
Hurado po? Hindi ba "karmenal"?
FROILAN
Shut up, Maria. Nakakasawa ka na ha?
JACK
Siguro sinabi na ni Ginoong Roberto kay Arturo ang
totoo.
(kay HENRY at DON SEBASTIAN)
Mga ginoo, huwag ninyo kalimutan na sabihin, kung
kailan nakatutulong, na ako’y isang Negro.
FROILAN
Ito na po sina Ginoong Arturo kasama si Ginoong
Roberto.
Pasok ARTURO at CRISOSTOMO, kasama si ROBERTO
ARTURO
Sino sa mga ito ang gumawa? Patingin nga para pag may
nakita akong tao na kamukha niya ay maiwasan ko. Sino?
FRANCISCO
Kung gusto mo malaman kung sIno nanloko sa inyo, tingin
lang po kayo sa akin.
ARTURO
Ikaw ba ang alipin na nakapatay sa aking anak gamit ang
iyong paninira?
FRANCISCO
Opo
ARTURO
Hindi ka mag-isa
(tuturo kina HENRY at DON SEBASTIAN)
Ito ang dalawa, dahil tumakas ang pangatlo na tumulong
sa iyo.
(CONTINUED)
CONTINUED: 69.
(kay HENRY at DON SEBASTIAN)
Salamat, mga ginoo, para sa kamatayan ng aking anak.
Pag inaalala ninyo ang mga kabutihang ginawa niyo,
alalalnin ninyo iyon.
HENRY
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghingi ng
patawad pero ito ang sasabihin ko: Pili ka na ng
paghiganti. Parusahan ninyo po ako, kahit nagkamali
ako.
DON SEBASTIAN
Ako rin. Kahit anong parusa.
ARTURO
Hindi ko kayo mauutusan na buhayin ang aking anak,
imposible yun, pero sabihin ninyo na naging inosente si
Marissa nang namatay siya. Kung ang pag-ibig mo’y
makakagawa ng bagay, gumawa ka ng tula at sabihin mo sa
kanyang libingan. Puntahan mo ako bukas nang umaga, at
dahil hindi kita magiging manugang, magiging pamangkin
nalang kita. Si Crisostomo ay may anak na kamukha ni
Marissa at siya ang magmamana ng lahat ng gamit namin.
Pakasalan mo siya parang papakasalan mo ang pinsan niya
at tama na ang lahat.
HENRY
Salamat po sa inyong awa. Sige po, tatanggapin ko ito.
ARTURO
Magkita-kita nalang tayo bukas. Kailangan ko nang
umalis. Itatapat ko ang taong ito
(turo kay FRANCISCO)
kay Patricia, na pinaniniwalaan ko na sinama ni Don
Lorenzo sa plano.
FRANCISCO
Hindi po, wala po siyang alam tungkol doon. Tapat po si
Patricia.
JACK
(kay ARTURO)
At oo nga pala, ginoo, pero itong karmenal na ito,
tinawag po niya akong Negro. Alalanin ninyo ito ’pag
nagbaba kayo ng parusa. At may kilala daw silang Lupit.
Siguraduhin ninyo na sabihin niya ang alam niya tungkol
dito. Ilang buwan na namin hinahabol ang karmenal na
iyon.
ARTURO
Sige. Salamat sa lahat.
(CONTINUED)
CONTINUED: 70.
JACK
Sana’y basbasan ng Diyos ang iyong pamilya. Paalam.
ARTURO
Sandali lang
(bibigyan ng pera si JACK)
Ito ay para sa iyong serbisyo.
JACK
Salamat po!
ARTURO
Sige na. Paalam at salamat muli.
JACK
Iiiiwan ko po ang jaju sa kamay ninyo, kayo na po
bahala sa kanila. Paalam. Halika na Friolan.
FROILAN
Froilan pangalan ko! Paalam po, ginoong Arturo.
Labas JACK at FROILAN
ARTURO
Kita kita nalang tayo bukas nang umaga.
CRISOSTOMO
Paalam. Kita kita nalang bukas.
DON SEBASTIAN
Sige po.
HENRY
Mamimighati ako mamayang gabi para kay Marissa...
ARTURO
(sa mga guardiya)
Dalhin mo ang mga kriminal na ito kasama namin.
Kakausapin namin si Patricia para malaman kung paano
sila nagkakilala nang walang kwentang ito.
Labas silang lahat.
15 Scene 2 15
Pasok ANTONIO at PATRICIA
ANTONIO
Sige na Pat, tulungan mo kaong magsulat ng tula para
kay Anna.
(CONTINUED)
CONTINUED: 71.
PATRICIA
Pagkatapos, magsusulat ka ba ng tula na nagmamalaki sa
kagandahan ko?
ANTONIO
Sige ba.
Pasok ANNA
ANTONIO
Anna, narito ka ba dahil tinawag kita.
ANNA
Opo at aalis rin ako pag sinabi ninyo.
ANTONIO
’Wag! Dito ka hanggang hindi ko sasabihin iyon.
ANNA
Pero sasabihin mo pa rin? Aalis nalang ako. Pero bago
iyon, bakit mo ako pinatawag? Ano nangyari sa inyo ni
Henry?
ANTONIO
Ipinakita ko ang galit ko sa kanya mula sa aking bibig
at dahil doon, hahalikan kita.
ANNA
Kung may galit ang iyong bibig, ’wag nalang. Aalis ako
bago mangyari iyon.
ANTONIO
Anna talaga, ang galing talaga mambara. Pero ito
sasabihin ko: Hinamon ko si Henry at isa sa dalawa ang
mangyayari: tatanggapin niya o aaminin niya na duwag
siya. Ngayon, ano sa aking mga kakulangan ang unang
nagpamahal sa iyo?
ANNA
Lahat, sabay sabay. Ano naman sa kabutihan ko ang unang
nagpadusa sa iyo ng pag-ibig?
ANTONIO
"Nagpadusa" Tama ’yan. Nagdudusa nga ako ng pag-ibig
dahil mahal kita kahit ayoko. Hindi ko malabanan.
ANNA
Linalabanan mo ang puso mo? Kung lalabanan mo para sa
akin ang puso mo, lalabanan ko rin para sa iyo. Hindi
ko mamahalin ang ikinagagalit ng kaibigan ko.
(CONTINUED)
CONTINUED: 72.
ANTONIO
Oo nga pala, musta na si Marissa?
ANNA
Masama pakiramdam niya.
ANTONIO
At ikaw?
ANNA
Ganun din.
ANTONIO
’Wag ka mag-alala, mahalin mo lang ako at gagaling ka.
Diyan ako magtatapos, may papunta na rito.
Pasok JOANNA
JOANNA
Madam, kailangan po kayo kela Arturo. May nangyayari
doon. Napatunayan na inosente si Marissa at naloko lang
sina Don Sebastian at si Henry, dahil kay Don Lorenzo.
Halina.
Labas siya.
ANNA
Sasamahan mo ba ako, Antonio?
ANTONIO
Anna, kahit sa dulo ng mundo, sasamahan kita. Pero sa
ngayon, sasamahan kita kay Ginoong Arturo.
Labas sila
16 Scene 3 16
Pasok DON SEBASTIAN, HENRY, tatlong DON na may
kandila, at mga musikero.
HENRY
Ito ba ang libingan ng pamilya ni Arturo?
DON #1
Opo.
HENRY
(nagbabasa ng epitaph)
Narito si Marissa, inosenteng babaeng napatay ng
paninira. Kapalit ng kahirapan niya, Kamatayan, bigyan
mo siya ng walang kamatayang kabantugan para ang buhay
na nagtapos sa kahihiyan ay tutuloy sa kabantugan.
(ilalagay niya sa lapida ni MARISSA)
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 73.
HENRY (cont’d)
Dito ito magpakailanman, tuluyang pupuriin si Marissa
hanggang mamatay ako. Simulan mo na ang musika.
Tutugtog ang malungkot na musika. Tapos.
HENRY
Paalam, mahal na Marissa. Kada taon, gagawin ko ito
para sa iyo.
DON SEBASTIAN
Mga kapatid, pataas na ang araw.
HENRY
Mga kaibigan, maghihiwalay na tayo.
Labas mga DON at mga musikero
DON SEBASTIAN
Halika, magpalit na tayo. Punta tayo sa bahay ni
Arturo.
HENRY
Sana mas swertehin tayo sa darating na kasal.
Labas lahat.
17 Scene 4 17
Pasok ARTURO, CRISOSTOMO, ANTONIO, ANNA, PATRICIA,
JOANNA, PADRE DANIEL, at MARISSA
PADRE DANIEL
Diba sabi ko, inosente siya?
ARTURO
Pati rin si Don Sebastian at si Henry dahil linoko sila
ni Don Lorenzo. Si Patricia rin pero hindi naman niya
alam eh.
CRISOSTOMO
Buti naman.
ANTONIO
Masaya rin ako, kundi, dapat naglaban kami ni Henry.
ARTURO
Marissa, dapat pumunta kayo ng mga babae sa isang
kwarto. ’Pag pinatawag ko kayo, nakamaskara kayo. Dapat
narito na ang Don at si Henry. Alam mo na gagawin mo,
Crisostomo. Kunwari tatay ka ni Marissa at ibigay mo
siya kay Henry.
(CONTINUED)
CONTINUED: 74.
Labas mga babae.
CRISOSTOMO
Gagawin ko ito nang palihim.
ANTONIO
Padre, kailangan ko rin po ng pabor.
PADRE DANIEL
Ano iyon?
ANTONIO
Talian na ako o pakawalan, Signor Arturo, ang
katotohanan ay, may gusto sa akin ang pamangkin mo.
ARTURO
Nakikita ka niya sa mata na binigay sa kanya ng anak
ko, oo.
ANTONIO
At nakikita ko siya sa mata ng pag-ibig.
ARTURO
At ang mga matang iyan ay pinagkalooan namin nina Henry
at Don Sebastian. Ano ang pabor na gusto mo?
ANTONIO
Nalilito ako sa sinabi mo. Pero, ang gusto ko, ipaubaya
po ninyo sa akin si Anna at basbasan ninyo ang aming
kasal. Doon po kayo papasok, Padre.
ARTURO
Pareho lang ang gusto natin: bibigay ko sa inyo ang
aking basbas.
PADRE DANIEL
At tutulungan kita. Papunta na sina Don at si Henry.
Pasok DON SEBASTIAN at HENRY kasama ang tatlong
iba pa.
DON SEBASTIAN
Gandang umaga sa inyong lahat.
ARTURO
Gandang umaga rin, Don. Gandang umaga, Henry.
Hinihintay namin kayo rito. Ibig mo ba pa rin kasalan
ang anak ng kapatid ko?
HENRY
Opo.
(CONTINUED)
CONTINUED: 75.
ARTURO
Ilabas mo na, kapatid. Handa na si Padre.
Labas CRISOSTOMO
DON SEBASTIAN
Gandang umaga, Antonio. Anong problema? Parang
problemadong problemado ang mukha mo.
HENRY
Siguro kinakabahan siya.
Pasok CRISOSTOMO, MARISSA, ANNA, PATRICIA, at
JOANNA. Ang mga babae ay naka maskara.
HENRY
Sino ang pakakasalan ko?
ARTURO
Ito at ibibigay ko siya sa iyo.
HENRY
Iha, ipakita mo ang iyong mukha.
ARTURO
Hindi! Mamaya na pag ikakasal na kayo, sa harap ng
Padre.
HENRY
(kay MARISSA)
Akin na ang kamay mo. Si Padre bilang testigo, ako ang
iyong asawa, kung gusto mo.
MARISSA
At nung buhay pa ako, ako yung isa mong asawa. Nung
minahal mo ako, ikaw ang isa kong asawa.
(tatanggalin niya ang maskara)
HENRY
Marissa?! Isa pang Marissa?
MARISSA
Tama. Namatay ang isang Marissa nang siya siraan pero
ako’y buhay at ako’y dalaga.
DON SEBASTIAN
Siya nga si Marissa! Yung namatay na Marissa!
ARTURO
Namatay lang siya habang buhay ang paninira sa kanya.
(CONTINUED)
CONTINUED: 76.
PADRE DANIEL
Mapapatunayan ko ang mga nakakagulat na balita dito.
Pagkatapos ng Kasal, ikwekwento ko ang "kamatayan ni
Marissa". Pero ngayon, tanggapin mo na ang mga
magagandang bagay na ito. Halina sa simbahan.
ANTONIO
Sandali lang, Padre. Sino sa inyo si Anna?
ANNA
(tatanggalin ang maskara)
Ako. Bakit?
ANTONIO
Mahal mo ba ako?
ANNA
Hindi, Hindi hihigit sa makatwiran.
ANTONIO
Kung ganun, naloko ang tito mo at si Don at si Henry..
Sabi nila mahal mo ako.
ANNA
Mahal mo ba ako?
ANTONIO
Talagang hindi, hindi hihigit sa makatwiran.
ANNA
Kung ganun, sina Patricia, Joanna, at ang pinsan ko ay
naloko. Sabi nila mahal mo daw ako.
ANTONIO
Sabi nila na linalagnat ka na sa pag-ibig mo sa akin.
ANNA
Sabi nila na malapit ka na mamatay dahil sa pag-ibig mo
sa akin.
ANTONIO
So, hindi mo ako mahal?
ANNA
Hindi. Bilang kaibigan lang.
ARTURO
Sige na, Anna. Sigurado akong mahal mo siya.
HENRY
Isinusumpa ko na mahal niya siya. Ito o, isang tula,
na, kung pwede kong sabihin, hindi masyadong maganda,
para kay Anna!
(CONTINUED)
CONTINUED: 77.
(maglalabas ng papel)
Susubukan ni ANTONIO agawin ito.
MARISSA
Ito pa, ninakaw ko sa bulsa ng pinsan ko, sa kanyang
kamay, tunkol sa adorasyon niya kay Antonio
(maglalabas ng papel)
Susubukan ni ANNA agawin ito.
ANTONIO
Himala!
(Luluhod, kay ANNA)
Sige na, tayo na.
ANNA
Hindi kita tatanggihan pero dapat mong malaman na
ginagawa ko lang ito pagkatapos ng sangkatutuak na
pagkumbinsi at para iligtas ang buhay mo. Sabi nila
unti-unti ka na raw nagiging abo nung wala ako.
ANTONIO
Shh.
Censored Kiss. Props team, good luck =)
DON SEBASTIAN
Musta naman Antonio, isang kasal na lalaki?
ANTONIO
Sasabihin ko. Parang kolehiyo na pinagtritripan ako. Sa
tingin mo may pakielam ako kung ano tawagin ninyo sa
akin? Wala. Kung laging takot ang isang tao kung anong
iniisip ng ibang tao, hindi siya susubok ng ibang bagay
dahil takot siya kung anong iisipin ng ibang tao. Kaya
’wag mo ako pagtawanan dahil sa sinabi ko dati. At
Henry, kahit alam kong talo ka naman kung naglaban
tayo, dahil siguradong magiging kapamilya na kita,
papatawarin na kita sa ating laban at pwede mo nang
mahalin ang pinsan kong si Marissa.
HENRY
Iniisip ko na sana tanggihan mo si Anna para matalo
kita sa ating laban eh.
ANTONIO
Halina. Magkakaibigan naman tayo lahat, sayaw tayo bago
ang kasal.
ARTURO
Pagkatapos nalang.
(CONTINUED)
CONTINUED: 78.
ANTONIO
Bago nalang. Mga musikero, tumugtog na kayo. Don,
parang malungkot ka. Dapat makapangasawa ka rin! Mas
magiging kahanga-hanga ikaw kung may asawa ka.
Pasok MENSAHERO
MENSAHERO
(kay DON SEBASTIAN)
Don, ang iyong kapatid si Lorenzo ay nahuli ng mga
sundalo. Pabalik na siya rito sa bayan.
ANTONIO
(kay DON SEBASTIAN)
Hayaan mo na muna siya hanggang bukas. Mag-iisip ako ng
parusa para sa kanya. Para sa ngayon, magsaya muna
tayo.
Sayaw
Labas
© 2011 RA Fernandez
|
|
Stats
1513 Views
Added on August 1, 2011
Last Updated on August 1, 2011
Author
RA FernandezPhilippines
About
I'm a simple man making my way through the universe. I do love writing as well and I'm still trying to improve my skill. more..
Writing
|