Sa Muli Mong PagbalikA Poem by PoetryPandaPoetry of love written in Filipino.
Gisingin nawa ang puso
mula sa pagkakahimbing, kasabay ng diwang humimlay sa oyayi ng pangungulila. Pawiin ng mainit na palad, bakas sa mukha ng luhang nanuyo dala ng pagtangis, sakit, at hapis; alimpuyo ng masidhing pagtatangi. Timyas ng 'yong ngiti sa harap ng hubad kong mga mata; simbuyong tutunaw ng pait, hangad kong mamasdan- Kariktan ng' yong mukha. Sa bagong umagang taglay - kalayaan ng puso mo't karilagan ng 'yong pag-ibig; Ako' y mumulat lamang muli. Ako'y iyong gisingin. © 2018 PoetryPanda |
Stats
273 Views
Added on September 16, 2018 Last Updated on September 16, 2018 Tags: Romance, SaMuliMongPagbalik, PoetryPanda Author
|