The Day When I Took Imperial Exam

The Day When I Took Imperial Exam

A Story by Panda Ren
"

[My First Story that I would be posted here.] This is a short story about Lucas who took Imperial Exam. Within that day, he met Lucia, ang babaeng misteryosa sa kanyang paningin.

"

Quarter to 8 na ng umaga nang bumalik ako sa classroom kung saan ako naka-assign para kumuha ng Imperial Exam. Isang napakahalagang exam upang magkaroon ng pagkakataong makapasok sa gobyerno. 

Hindi naman ako kinakabahan, sadyang napadami lang ata ang na-inum kong tubig bago ako umalis ng bahay papunta dito, kaya naman nakakadalawang balik na ako sa CR.

Papasok na ako sa classroom nang marinig ko ang usapan ng proctor na naka-assign dito sa classroom namin at nung isang may suot na ID kung saan nakasulat ang salitang SUPERVISOR. 

"Paano na po yun Ma'am?" waring may pangambang tanong ng aming protoctor.

Mababakas dito ang pagkabalisa.

"Taon taon na kasi yang nangyayari. Mejo napamalas ka lang at sa iyo natapat" ani ng babaeng Supervisor na may pagka-kaswal na tono.

"So ano po ang gagawin ko? Hindi po ba yun makaka-apekto sa sitting arrangement?"

"Sa pagkakaalam ko Sir, ay hindi naman. Wag mo na lang pansinin. Ituring mo na lang ito na parang hangin. At kung mapapansin mo naman Sir ay may agwat ang pagkaka-sulat ng numero sa mga upuan. Halatang inaasahan na ito ng punong tagapamahala"

Nagbaba ng tingin si Sir. Hindi nawawala sa mukha niya ang bakas ng pagka-pangamba. Para pa ngang mamumutla ito. First time siguro mag-proctor.

Sa totoo lang, MEJO na-curious ako sa pinagu-usapan nila, pero dahil kelangan kong mag-focus sa exam na iyon ay pilit kong inalis ang kanilang pinag-usapan sa aking isipan.

Pagtingin ko sa loob ng classroom ay napansin ko na naman yung nag-iisang bakanteng upuan na nasa parteng kanan ko.

Magsisimula na ang exam pero wala pa yung kung sino man ang naka-pwesto dun. Kanina ko pa kasi napapansin ang spot na yun.

Pinagpatuloy ko na ang paghakbang...

"Ay! Sorry" rinig kong mahinang wika nung babaeng naka-upo sa arm chair na aking nabangga, dahilan para magsipaglaglagan ang kanyang mga ballpen.

Mukhang natataranta ang babae, kinakabahan siguro sa exam.

Pupulutin na sana niya ang mga iyon ng pigilan ko sya.

"Sorry. Ako na"

Jahe naman kasi kung ako na nga yung naka-gulo tapos siya pa na babae ang pagpupulutin ko.

Di sinasadyang nagdikit ang aming mga kamay.

Ang lamig naman nung kamay nya at nanginginig pa. Tense siguro sa exam.

"S-salamat. Salamat po. Salamat" ngumiti siya ng tipid na akin namang ginantihan din ng isa ring tipid na ngiti.

Weird naman. Di man lang kasi siya naga-angat ng tingin.

Pagkaabot ko sa kanya ng mga ballpen ay hindi sinasadyang napalingon na naman ako dun sa gawi nung bakanteng upuan...

...na ngayon ay may naka-upo ng isang babae.

Mejo nag-taka ako.

Bago siya sa aking paningin at sa pagkakaalam ko ay siya na lamang ang kulang sa silid na ito kaya naman...

San naman kaya siya dumaan?

Take note na nandito ako sa may pinto at hindi ko talaga naramdaman ang kanyang pag-daan. Malalampasan nya kasi itong kinatatayuan ko sa ngayon upang makapunta sa upuan niyang iyon.

Saglit lang naman yung ginawa kong pagpulot sa mga ballpen tapos agad agad nakalampas na siya?

Ano siya? Hangin?

Napalingon ako sa aking gilid ng dumaan doon si Sir.

Pumunta na siya sa unahan kaya naman bumalik na lang din ako sa aking upuan.

Yaaawn. Nakaka-antok naman.

Pagka-upo ko ay muli na namang dinala ng kung ano man ang aking paningin dun sa kanina lang ay bakanteng upuan na iyon, at sa di ko inaasahang pangyayari ay nakaramdam ako ng mejo paninindig ng balahibo sa aking buong katawan.

Napako ang aking tingin dun sa babaeng naka-upo doon.

Nakalingon ito sa akin.

Tikom ang mga labi niyang ngumiti sa akin saka binalik ang tingin sa unahan.

Ramdam ko ang pag-ganit sa aking paglunok.

May kung ano akong kakaibang naramdaman mula sa simpleng ngiting iyon.

Tumingin ako sa paligid.

Dalawang lalaki ang naka-pwesto sa tigkabila kong tabi.

Ang isa ay nakahalumbaba habang nakatingin kay Sir na nagsasalita sa unahan patungkol sa rules and regulation, at ang isa naman ay mukhang inaantok pa dahil pa-ikot ikot ang ulo nito habang nakapikit ang mga mata at maya maya lang ay tuluyan ng lumapat sa desk ang mukha nito.

Sa aking likuran naman ay may tatlong babaeng magkakatabi.

Mukhang magkakakilala ang mga ito dahil panay ang mahina nilang kwentuhan at tawanan, maliban dun sa isang babaeng may malaking salamin sa mata na tahimik lang na nakikinig sa proctor.

Swerte nila at nagkasama-sama sila sa room na ito.

"Ok! Are you ready to conquer all the questions guys?" tanong ng proctor na waring pilit ang ngiti.

May ilan lang ang sumagot. Miski ako ay hindi din nag-abala magsalita pa. Pakiramdam ko kasi ay makakabasag iyon miski kaunting konsentrasyon.

Ako lang ba ang nakakapansin na hindi talaga sya mapakali?

Nilibot ko ang aking tingin sa mga examinees na naka-upo sa bandang unahan.

Mukhang ako nga lang.

"Si number 10? Wala pa? Di pa nadating?"

Napalingon naman ako sa upuang tinutukoy ni Sir. 

Pero mukhang maling moves iyon.

Muli na naman akong natigilan nang makita kong bakante na naman ang upuang iyon.

Sa ngayon ay dalawang bakanteng upuan ang aking nakikita. Magkatabi iyon. Ang isa ay yung sit # 10 at ang isa naman ay kung saan naka-upo ang babaeng nakita ko lang kanina na ngayon ay wala na.

Nilibot ko ng tingin ang buong classroom. Hindi ko siya nakita.

Muli kong tiningnan ang aking paligid at mukhang may kanya kanyang mundo ang mga nandito. Ordinaryong makikita sa isang classroom na gaganapan ng isang napakahalagang eksaminasyon.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang eksaminasyon.

"Oo nga pala. Baka meron sa inyo ang gustong i-donate na lang ang ballpen na ginamit pagkatapos nitong exam? Ang mga mai-ipon na mga ballpen kasi ay ido-donate din sa isang foundation" pahabol pa ni Sir pero walang tumugon sa kanya.

Pinasadahan ko ng tingin ang test booklet.

Nakagat ko ang aking ibabang labi.

Mukhang dininig ni Bro ang aking panalangin dahil karamihan sa mga tanong ay aking napag-aralan maliban na lang sa...

Vocabulary na talaga namang napakahirap.

Kahit kailan naman.

Mas mabuti pa sa akin ang patungkol sa mga numero, atleast pwede kong gamitin ang pamimilian bilang pambangga sa tanong pero ang mga salitang humihingi ng kahulugan?

Para sa akin, ang mga tanong na ito ay yung mga tipong, di mo na nga alam ang sagot, di mo pa din alam ang tanong.

Syang tunay. Ito ang palagi kong problema sa twing kumukuha ako ng ganitong klaseng pagsusulit.

Ang naging problema ko nung huli akong kumuha ng exam na ito ay ang pagiging mabagal ko sa pagsasagot.

Mabagal sa pagbabasa. Mabagal sa pag-aanalisa, mabagal sa pagse-shade nung bilog. 

At nais kong mabago ang mga iyon sa pagkakataong ito.

Huminga ako ng malalim.

Pinanatag ko ang aking isipan at sinubukang alalahanin ang aking mga pinag-aralan, kasabay ang pagsisimula sa pagsasagot.

Sinisigurado kong ito na ang huli beses na matutuyo ang aking utak para sa eksaminasyong ito. 

Di naman kasi sa pang-aano pero nakaka-ilang take na kasi ako nito and obviously iisa ang nagiging resulta,

FAILED.

Pero sabi ng marami, never loose hope. In God's time and  more study.

Bakit kasi hindi ako palaring makapasa?

Pero iba sa pagkakataong ito. Nararamdaman kong magiging maganda ang resulta.

Mas mahabang panahon ang aking binuhos sa pag-aaral para sa pagkakataong ito.

Mas mahabang oras kumpara sa mga nauna kong exam. Sumali ako sa mga review group sa social media ng sa gayon ay may karamay ako sa pag-aaral. Mas magandang mag-aral kung may kabatuhan ka ng tanong, iyon ang para sa akin. Dahil mula sa mga review group na iyon ay nae-encounter ko ang iba't ibang klaseng tanong na wala sa aking reviewer at talaga namang napakadami kong natutunan.

Napaka-tagal talaga ng naibubuhos kong oras sa pagse-shade.

Nagagawa kong intindihin agad ang tanong pero nabuburo naman ako sa pagse-shade kaya naman...

"5 minutes to 11:10" hayag ni Sir dahilan para mataranta ako.

Ayaw ko man...pilitin ko mang kumalma, ay hindi ko na talaga maisagawa dahil sa katotohanang higit sa sampu pa ang kaylangan kong sagutan.

At sa ganitong mga oras lumalabas ang isang supernatural power kung tawagin, na tanging mga nakaka-experience lang ng tulad nito ang nakakaintindi. 

Isang kapangyarihan na kung saan waring napamanahan ni Madam Auring ang bawat isa ng husay sa panghuhula at nahawahan naman ni the Flash dahil sa tindi ng bilis sa pagse-shade. 

Nagkakasagot miski hindi nagbabasa ng tanong. Supernatural Power.

Ito ang mga kapangyarihan na ayaw na ayaw kong magagamit sa twing ganitong may pagsususlit.

Tch. Kung nabasa ko man lang sana yung mga tanong!

Kaso hindi ko na nagawa kasi, kinulang na naman ako sa oras.

11:10 am, hinihiling ko na magbigay kahit limang minuto pang palugit si Sir para man lang ma-shade-an ko ng ayos itong gawa ko kaso, wala eh.

Literal na nakatakda ang tamang oras. Masaya man o madugo ang pangyayari, kung ano ang naabutan ng tamang oras ay siyang magaganap.

Nang i-submit ko na ang aking answer sheet at test booklet ay doon ko pa lang napansin na ako na lang pala ang naiwang nagsasagot.

Ayos lang na mahuli, atleast may sagot naman lahat. Buti na lang at nalaman ko din yung tinatawag na Ace Technique. Isang napaka-bisang kapangyarihan sa oras ng kagipitan ahehe. Nabasa ko iyon sa internet.

Lumabas ako ng classroom at dumerecho sa isa sa mga puno doon na may upuan sa paligid. Bale, isa iyong malaking bilog na upuang semento at sa gitna noon ay isang di kalakihang puno.

Tahimik akong naupo doon. Binalikan ko gamit ang aking isipan yung mga tanong na posibleng nasagutan ko ng tama. Hindi naman lahat ay natandaan ko syempre, yung pailan-ilan lang sa mga tanong.

Gawain ko na ang ganito sa twing matatapos ang exam. Ang maupo muna at magmuni-muni kasabay na din noon ay ang pasasalamat kay Bro patungkol sa paggabay niya sa akin nung oras na hawak ko pa ang answer sheet.

Humugot ako ng isang candy mula sa bulsa ng aking pantalon.

Nang makain ko na ang laman ay tiniklop ko ang balat noon hangang sa maging pino at saka ko sinilid sa bulsa ng aking bag pack. Malayo kasi ang basurahan. Nakakatamad tumayo. Ok na toh kesa naman itapon sa kung saan lang.

Titingala sana ako sa langit ng mahagip ng aking mata ang isang babae na patalon-talon habang tumatakbo.

Papunta siya sa direksyong ito.

Napaka-weird talaga ng babaeng yun.

Maaliwalas siya tingnan, oo, pero may kakaiba talaga sa kanya.

Ngayon ko na lang siya napansin ulit dahil siguro, naging abala talaga ang aking isipan sa exam.

"Dinonate mo ballpen mo?"

O___o

Kelan pa toh nandito sa harap ko?

Ngumiti siya sa akin.

Nakatayo sya sa harap ko at ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likuran.

"Sabi kasi nila ay posible daw makapasa kapag nag-donate ng ballpen. May ilan kasi akong nakausap na pasado na at yun ang sinabi nila sa akin kaya dinonate ko yung aking ballpen ahehe. Pwede maki-upo?"

Wala sa sariling napatango ako.

Ngayon ko lang sya natitigan ng malapitan.

May singkit siyang mga mata. Mejo naka-pout ang kanyang mga labi na natural ang pagka-pula. Hindi katangusan ang kanyang ilong. Katamtaman lang din ang kulay ng kanyang balat. Di kaputian pero di din naman tan. Hindi din siya katangkaran.

At...

"Eto ba?" tinuro nya yung isang pimple na nasa kanyang kanang pisngi, "Ahehe bakas yan ng matinding pagre-review"

Umupo siya sa bandang kaliwa ko.

Lilingon sana ako sa classroom na pinag-exam-an namin na nasa bandang likuran nya ng bigla niyang hinara ang kanyang mukha sa aking paningin.

"Uy wag ka lilingon!" may bahid pagpapaalalang ani nya sa akin.

Napakunot naman ang aking noo, "Bakit naman?"

"Ayon naman kasi dun sa isang kwentuhan na narinig ko, once na matapos mo na daw yung exam at makalabas ka na ng classroom ay wag na wag ka na daw lilingon dun sa classroom na pina-assign-an sayo, sabay putol ng lapis o kaya naman ay ballpen"

"Talaga? Parang ang weird naman. Pati pala sa page-exam ay may mga sabi-sabing ganyan. Ginawa mo din yon?"

"Oo. Wala namang masama kung maniniwala man o hindi ah. Dagdag sa pagiging positibo din yun ahehe"

"Pero anong pinutol mo? Sabi mo kasi, dinonate mo na yung pen mo"

"Alam mo ba yung tinatawag na 'extra'? Yun yung ginamit ko. Extrang ballpen, extrang pencil"

"Ahaha"

Masaya naman pala siyang kausap.

"Ako nga pala si Lucia"

"Lucas"

Nag-offer ako ng handshake.

"Hi Lucas" nakangiting tugon nya sabay kaway pa.

Mejo nailang naman ako dahil hindi nya tinanggap yung handshake.

Napahawak na lang ako sa aking batok.

"Matanong ko lang, nakaka-ilang take ka na ng exam na toh?" tanong ko na lang.

"Ahmmmm di ko tanda eh. Basta hindi isa ahehe. Ikaw ba?"

"Ako din. Yun nga lang, higit sa apat ahaha"

"Oh? Di na masama. Yung iba nga, di na nakakapasa. Pano, bumagsak lang ng isa kala mo naman ikina-bobo na nila. Agad silang sumuko gayong hindi naman limitado ang pagkakataon"

Ngumiti ako ng tikom ang mga labi.

"Kaya nga ako? Kahit makasampu pa ako basta makapasa ayos lang" sabi ko.

"Tama. Maano ba kung ganon diba? Yun nga lang eh parang nag-iipon ka sa ahensyang iyon ahaha. Bah five hundred din kada file ah"

"Ahaha tama. Ewan ko ba kasi kung bakit hindi ako palarin"

"Wag kang mag-alala. In God's will, malay mo? Higit pa sa makapasa dito ang makuha mo"

Halata sa boses nya ang pagiging magiliw kausap.

"Ahm gusto mo kumain? Nagutom kasi ako sa pagsasagot" anyaya ko.

"Relate! Wagas kung tumunog yung tyan ko kanina eh. Tara, may nakita akong nagtitinda ng hamburger dun"

"Ahm dun na lang kaya tayo sa kalapit na mall kumain? Tutal lunch time na rin naman at uwian na"

"Di pa kasi ako makaalis" nakangiwing sagot niya.

"Bakit?...May hinihintay ka pa ba? Ahm friends mo?"

Pinalobo niya ang isang gilid ng kanyang pisngi, "Parang ganon. Kanina ko lang siya nakilala"

"Ahh oh asan na sya? Di pa tapos sa exam? Di ba tulad tulad ang tapos?"

"Tapos na. Kaso lang eh nakatulog dun sa classroom ahaha"

"Bakit di mo pa gisingin?"

"Hay ang sungit kasi nung nagbabantay ngayon. Bawal ang pauli-uli sa hallway lalo na ang sumilip sa classroom"

"Talaga?"

"Yuppy yupz. C-cr nga lang ako kanina, nasita na agad ako. Ano ba kasing magagawa ko eh nasa kabilang dulo ng hallway yung CR for girls"

"Oh anong ginawa mo?"

"Eh di dun ako sa pam-boys. Yun kasi kalapit na CR dun sa room naten"

"Wala namang nakakita sayo?"

"Wala naman. Di naman kasi yun tulad sa CR ng babae na parang pila sa book signing sa haba"

"Ahaha" natawa talaga ako. Di ko napapansin ang ganon eh.

"Ano? Ok na ba sayo kahit burger na lang muna ang kainin? Pero kung gusto mo eh pwede ka namang umalis na muna...tutal babalik ka din naman"

"Ha?" mejo hindi ko kasi naintindihan yung sinabi nya dahil may dumaang isang grupo na sa tingin ko ay nag-exam din. Magkaka-barkada siguro. Tapos mahina pa yung pagkakasabi nya lalo na dun sa huling mga salitang binitawan niya.

Napatingin naman ako sa paligid gawa nung nagtinginan dito sa direksyon namin yung grupong iyon.

"Ang sabi ko, kung ok lang sayo na burger muna ang kainin?"

Nagtaka naman ako, kasi may ibang pa palang mga naka-tingin sa amin. Kaya pala pakiramdam ko ay may nakapanood sa akin.

"Oy!"

"Ha?" agad namang nalipat ang aking tingin kay Lucia. May pagtatakang makikita sa expression nito, "Ahh o sige. Samahan na muna kita habang hinihintay mo yung friend mo. Kung ok lang sayo"

"Ok na ok yun" ngumiti siya, "Pero sabihin mo lang if gusto mo na umalis ah"

"Mm"

Tulad ng napag-usapan ay pumunta kami sa stall na nasa gitna nung parang park ng school na toh.

May tinda silang iba't ibang klase ng sandwiches, drinks, chichirya, candies. Para itong isang sari-sari store.

Nang maluto ang order namin na hamburger at fries ay bumili din kami ng tig-isang Mountain Dew.

Umupo kami sa isang bench malapit lang dito sa stall.

Maraming bench dito na kalimitan ay nasa ilalim ng puno kaya malamang masarap tumambay dito.

Nagpapaginhawa sa pakiramdam ang preskong simoy ng hangin.

"Sa tingin mo, last mo na toh?" tanong ko mula sa gitna ng aming pagkain.

"Oo naman" sagot nya habang ngumunguya pa.

"Confident ha"

"Bakit ikaw? Hindi? Ano ka ba? Dapat i-claim mo na ang pagiging passer para talagang yun ang makuha mo"

Napatango naman ako.

Sabagay. May point sya.

Kumagat ako sa burger ko.

Nagpatuloy ang aming kwentuhan hanggang sa matapos kami kumaen.

Napaka-dami nya ding kwento lalo na yung tungkol sa kung gaano din siya nahihirapan sa vocabulary, dahilan para lalo kami magkasundo at hindi talaga maubusan ng topic.

"Puntahan na kaya natin yung kaibigan mo?" tanong ko na nang mapansin kong umuunti na ang tao dito although meron pa din namang ilang mga grupo ang mukhang nage-enjoy pa din sa pag-stay dito. Presko kasi talaga ang lugar, gawa ng maraming halaman at ilang puno na pwedeng silungan.

Ilang minuto na din ang nakalipas nang matapos kami sa pagkaen.

"Aay naiinip ka na ba?"

"Hindi naman. Mejo kumokonti na kasi ang tao at sa tingin ko, ok na din naman siguro kung magpapalakad-lakad tayo sa corridor. Tapos na kasi ang exam"

"Ahm sabagay" mejo ngumiwi siya, "Sige umalis na tayo"

"Di na ba natin pupuntahan friend mo?"

"Ahm di na. Magkahiwalay din naman kasi way namin pauwe"

"Ganon ba? Pwede naman muna natin sya puntahan"

Ang weird naman kung inantay namin tapos iiwan lang din naman pala.

"Di na" umiling siya.

Ang cute nya. Lalo na pagka-ngumuso ahehe.

"Sure ka?" paninigurado ko.

"Ah-um" tumango siyang ng isa.

"Text mo kaya?"

"Ahehe oo nga. Tama. Kaso wala ako load. Meron ka?"

"Ahaha yun lang. Di ako naglo-load"

"Wa katext?"

"Busy sa pagre-review kaya no time for it except if needed or emergency"

"Ahh ahehe ay tah palabas. Dun kasi may pa-loadan"

Tumango ako.

Tuloy pa din ang kwentuhan namin habang naglalakad palapit sa gate. At patuloy ko ding napapansin ang mga kakaibang tingin sa amin nung mga tao sa paligid.

Papalabas na kami ng gate ng biglang may naramdaman akong braso na pumatong sa aking balikat dahilan para mapalingon ako.

Namukhaan ko naman agad ang lalaking iyon at yung mga kasama nya na nakatayo na sa aking gilid.

Sila yung tatlong babae na naka-pwesto sa aking likuran kanina at yung dalawang lalaking katabi ko sa upuan.

"Roomate! Ahe kanina ka pa namin napapansin. Gusto mo sumama samin sa mall? Jamming lang" magiliw na anyaya nung lalaking naka-akbay sa akin. Siya yung patulog-tulog kanina.

Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.

Di naman agad ako nakasagot dahil nakakailang yung mga tingin nila sa akin.

"Ang hype! Magpakilala ka kaya muna!" sabi naman nung isang lalaki dito sa naka-akbay sa akin, "Tol, Kenneth nga pala"

Tinanguan ko ang lalaking nakatayo sa parteng unahan ko.

"Sila naman sina Cuatria..." isinenyas nya ang isang babae na mejo matangkad, maputi at may malawak na ngiti.

"Hayi!" magiliw na bati nya sa akin na sinabayan pa nya ng pagkaway.

"Hi din" ningitian ko din sya ng tikom ang mga labi.

"Kya! So charming!"

O___o

Ang hyper din nya.

"Chix diba?" nakangiting bulong sa'kin ni Kenneth.

Sunod niyang tinuro ang isang babae na ngiti pa lang ay halatang napakahinhin ng kumilos. Napakaamo ng kanyang mukha. Naka-headband ito. Tuwid na tuwid at itim na itim ang kanyang buhok na hanggang balikat ang haba.

"Siya naman si Teresa" pagpapakilala dito ni Kenneth.

"Helloww" nakangiting bati ni Teresa sa akin. Ultimo mata ay nakangiti din.

"At sya naman si Dorsa. The Bookworm. Sure ng papasa yan. Dami alam eh"

Ningitian ko ang babae na may malaking salamin sa mata. Nakatutok lang ang kanyang atensyon sa hawak nitong tablet. Inayos pa nya ang kanyang salamin pero hindi nya talaga ako nilingon.

"Pag pasensyahan mo na yan. Kelangan mo munang magmukhang libro para mapansin niya hehe at hightech yan. Tablet ang libro" nakangiting sabi ni Cuatria.

"Para direcho research na rin kasi" kaswal na wika ni Dorsa dito ng hindi man lang ito nililingon.

Ang lagong ng boses nya at talagang mejo may pagkaseryoso.

"Pare! Nakalimutan mo ata akong ipakilala" protesta naman nung lalaking nakaakbay sa akin.

Inalis niya ang kanyang braso sa aking balikat at hinarap si Kenneth.

"Bakit? Chix ka ba?! Magpakilala ka ng iyo!" si Kenneth.

"Ah ganon? Sige ba...Pre, Wilner nga pala. MAS gwapo. MAS matalino. MAS maabilidad at HINDI 'SING TRYING HARD nyan sa pagpapapansin sa mga girls" tinuro pa nya si Kenneth.

Natawa naman si Teresa.

"Trying hard ka dyan!" asik ni Kenneth.

"Truth hurts. Katotohanang effortless. Di ko kelangang magpakitang gilas para lapitan lang ng mga girls" mayabang na sabi ni Wilner sabay pisil pa kunwari sa kanyang ilong. Pinapungay pa nya ang kanyang mga mata.

"Kulugan ka uy!" pawang nandidiring sabi ni Kenneth naman dito.

"Aalis pa ba tayo?" seryosong ani ni Dorsa na hindi pa din naga-angat ng tingin.

"Ito kasi! Pahangin!" si Kenneth kay Dorsa.

Patawa-tawa naman si Teresa. Isang napakahinhing pagtawa.

"Aigoo!" asik ni Wilner.

"Uy Lucas!"

Napalingon ako kay Cuatria na nakangiting-nakangiti sa akin.

"Lucas! Lucas diba pangalan mo?" si Cuatria.

"Ah oo" nakakailang naman.

Sa totoo lang, nanliliit talaga ako. Pakiramdam ko kasi, mga bigatin tong mga kaharap ko. Magaganda ang kanilang itsura at mukhang matatalino kahit mukhang magulo.

"Nabasa ko sa examinee data yun eh. Join ka na samin?" nakangiting anyaya niya sa akin.

"Ha? Pero---"

Di ko natapos ang aking sasabihin ng mapansin kong biglang silang tumahimik. Maging si Teresa na palaging nakatawa ay sumeryoso ang mukha.

At lahat sila ay sa iisang direction nakatingin. Yun ay sa aking likuran.

Lumingon din ako doon.

Nakita ko si Lucia na tahimik lang na nakayuko. Mukhang hindi siya kumportable kaya naman tinabihan ko siya.

"Si Lucia nga pala. Mate din natin" pagpapakilala ko sa kanya sa mga bago naming kakilala.

Nakakapagtaka naman yung kakaibang paraan nila ng pagtingin kay Lucia. Napaka-seryoso.

Dahilan para umipod papunta sa aking likuran si Lucia.

"Ahm tamang tama. Palabas na din kasi kami" sabi ko kina Wilner saka ko nilingon si Lucia, "Sama muna tayo---"

"Lucas!"

Nabigla ako sa biglang pagtawag na iyon sa akin ni Cuatria kaya naman napalingon ako sa kanya.

Wala dito ang ngiti na kanina ko pa nakikita.

"Ah Lucas..."

Nilingon ko naman ulit si Lucia nang marinig ko ang mahina at mukhang naiilang nitong pagtawag sa akin.

Nag-angat siya ng tingin sa akin.

Nagtaka ako dahil sa pinapakita nyang reaksyon. Parang may kung anong sinasabi ang kanyang mga mata.

Mabagal siyang umiling na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"D-dito na lang ako. Dito---"

"Tol!" tawag ni Kenneth dahilan para hindi matapos ni Lucia ang kanyang sasabihin.

Napansin ko ang isang inosenteng ngiti na ginawa ni Teresa, "Tara na? Kelangan ko pa kasi humanap ng ginseng"

Sabay-sabay na naglakad ang tatlong mga babae.

"Pre tara na kasi" hinila ako ni Wilner sa braso kaya naman natangay ako agad.

"T-teka lang. Si---" pigil ko sa kanya pero mukhang wala syang balak bitawan ako.

"Para mahaba ang time natin sa arcade at shooting game. Pengyaw! Pengyaw!" dagdag pa ni Wilner habang umarte pa na namamaril gamit ang isa nyang kamay.

"Napaka-isip bata talaga kahit kelan" rinig kong sabi ni Dorsa sa mahinang paraan. Nakatalikod siya sa amin.

"Nage-enjoy lang. Enjoy life nga daw diba? Napaka-mainitin talaga ng ulo ng babes ko" ngiting-ngiting sabi naman ni Wilner.

Pilit kong inaalis yung pagkakahawak sa aking ni Wilner pero hindi talaga nya ako binibitawan.

"Babes mo mukha mo! Bilis na nga! Teresa! Cuatria!...Mas matalino daw, ni hindi nga ma-distinguish ang difference ng plural sa singular" si Dorsa na mukhang wala na sa mood.

"Buti pa shota mo, honest ahaha" asar ni Kenneth kay Wilner dahilan para simangutan siya nito.

Umuna na din siya sa amin at mabilis na sumunod sa mga babae.

"Shota ka dyan! Forever kami nyan!" sigaw naman ni Wilner.

Lumingon si Kenneth, "Ahh so Fota? Mag-FOTA kayo? Ang sagwa tol. Maniwala ka! Tara na nga Lucas"

Nilapitan niya ako at inagaw ang braso ko sa pagkakahawak ni Wilner.

"Ay gago! Anung fota?! Pakyu ka!" si Wilner kay Kenneth.

Ningisian lang naman siya nito saka ako hinila.

Habang nag-babangayan ang dalawa ay pilit kong nililingon naman si Lucia.

Tinanguan ko siya, senyales na sumunod ngayon sa amin at maiiwan na siya pero sunud-sunod na pag-iling ang isinagot niya sa akin.

"Lucia?!" mahinang usal ko. 

Masyado kasing madaming tao sa paligid na naghihintay ng masasakyan kaya naman mas makakaagaw talaga ako ng pansin kung sisigaw pa ako. Bangayan pa nga lang nina Kenneth at Wilner agaw atensyon na. 

Aaminin kong mejo nakakahiya pero mukhang ganito talaga sila. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao.

Nakalayo na lang kami at lahat ay hindi siya sumunod. Nanatili lang siyang nakatayo doon. Ni hindi man lang siya nagtangkang lumabas ng gate 

Hanggang sa nakasakay na kami ng jeep. 

Naiwan ko ng tuluyan si Lucia.

Mukhang ok naman ang grupong toh ang kaso masyadong magulo. Lalo na sina Kenneth, Wilner at Cuatria. 

Kahit nasa jeep ay patuloy ang makulit na kwentuhan nung tatlo. 

Si Teresa ay walang humpay ang mahinhing pagtawa habang nakikinig sa mga ito.

Si Dorsa naman ay nakatuon pa din ang pansin sa kanyang tablet. Siya ang tahimik sa kanila.

Naalala ko naman ang aking cellphone dahil sa gadget na hawak ni Dorsa.

"Mates" agaw ko saglit sa kanilang atensyon. Nilingon naman nila ako, maliban kay Dorsa.

"Oh?" si Wilner.

"Pasensya na, makikitext lang sana ako" sabi ko sa kanila. Di ko sigurado kung kanino pwede eh kaya isa isa ko silang tiningnan.

"Ahaha so charming mo talaga pero wala akong load eh" magiliw na sabi ni Cutria.

"Tama! Titingin na din pala ako ng phone...Dorsa, tingin tayo ng phone ah" si Teresa na sinilip pa ang nakababang tingin na si Dorsa.

"Sure. Tingin lang pala eh" sagot naman nito.

"Lowbat tol. Alam mo naman smart phone tindi sa takaw ng baterya". Nagkibit balikat si Kenneth.

"No phone here" nakangiwing sagot ni Wilner, "Ewan ko ba kasi kung bakit interesadong interesado ang mga chix na mahingi number ko eh meron naman silang kanila"

"Kuulooog" biglang sabi ni Kenneth gamit ang malagong na tono, "Kulog yun, sunod na ang thunder volts na tatama sayo!"

"Wag kang ganyan pre. Makikimyembro ka pa ba sa AAU group? Ha?" si Wilner.

"At ano naman yun?" nangunot ang noo ni Kenneth.

"AAU- Ako Ay Umasa group! Tapos sisisihin nyo ako at sasabihing PAASA? Wag ganon pre! Wag ganon!" naiiling pang sabi ni Wilner dahilan para matawa naman kami. Pero ang may pinakamalakas na tawa ay si Cuatria.

"Ungas!" sigaw ni Kenneth kay Wilner.

Nangi-ngiting napapa-iling na lang ako dahil sa pagiging magulo nina Wilner at Kenneth.

Paano ko nga ba pati mate-text si Lucia? Hindi ko naman nahingi nga pala number nya. Tch failed.

Nang makarating sa mall ay dumerecho agad kami sa World of Fun sa pangunguna ni Wilner.

Nagsimula kaming mag-laro at magsaya.

Tuwang tuwa si Teresa sa kanyang paglalaro kasama si Dorsa na ang tingin naman ay nasa tablet pa din. Hawak niya iyon sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwa nya ay syang pumipindot sa button na nasa kanyang harapan. Kasalukuyan nilang nilalaro ang karera ng mga palaka.

"Alright! Let's the showdown begin!"

Napalingon ako dahil sa boses na iyon ni Cuatria na nangibabaw kahit na maingay ang paligid. Madami din kasi ang naglalaro ngayon dito.

"Kiss me, once you loose this game baby" nakangiting sabi naman dito ni Kenneth.

Kasalukuyan silang nasa dance kinec at mukhang may balak mag-showdown.

"Iba talaga pag-libre. Pero wag mo naman abusuhin, baby" may lambing sa tono ni Cuatria pero nandun din ang tono ng pagiging palaban at hindi papatalo.

"Babes!"

Nalipat naman ang aking tingin sa pinanggalingan ng tawag na iyon gamit ang mikropono at doon ko nakita si Wilner na nakaupo sa isang mataas na upuang nasa ibabaw ng maliit na stage.

May hawak nga itong mikropono. Inabot nya sa isang crew ang sa tingin ko ay song book.

"Before we leave this place, I want to sing for you our very sweet team song" tumingin siya sa prompter na nasa bandang paanan niya saka tumitig dito sa direction namin nina Teresa.

"Sira talaga!" may diin at mahina ang pagsasalitang iyon ni Dorsa pero sapat naman para aking marinig.

Nilingon ko siya.

Biglang tumayo si Dorsa.

Sa unang pagkakataon ay napansin ko ang matagal na pagkakahiwalay ng tingin ni Dorsa sa kanyang  tablet. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Wilner. At hindi nakaligtas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang mukha.

"Bantayan mo toh Teresa" pinatong ni Dorsa ang kanyang tablet sa harap ni Teresa, "Wag kang aalis ng walang kasama"

Tumango naman ito sa kanya ng hindi siya nililingon. Naka-nganga pa ito habang todo ang ngiti. Manghang-mangha sa mga palaka.

Iniwan niya si Teresa na inosente at tuwang tuwa pa din talaga na nakapanood sa mga palaka na nag-uunahang makarating sa finish line.

Mabilis na lumapit si Dorsa kay Wilner at pinigilan niya ito sa balak gawin.

"Tumigil ka nga! Gusto mo talaga mapektusan ano?!" si Dorsa habang pilit na inaagaw ang mic kay Wilner.

"Sweet moment toh babes. At ang mga gantong moment, hindi dapat sinisira" mejo malayo sila sa akin pero nagagawa ko pa ding marinig ang kanilang sigawan dahil si Wilner ay talagang naka-mic pa habang nagsasalita habang si Dorsa naman ay hindi magkamayaw sa pagpigil dito

"Ah ayaw mo masira ang moment? Eh di mukha mo sisirain ko!"

"Answeet talaga ng babes ko! Aray!" si Wilner na panay ang ilag sa sunod-sunod na pambabatok sa kanya ni Dorsa.

Maya-maya lang ay nahuli nito ang dalawang pulsuhan ng dalaga.

"People of earth! Listen!" nakangiting nagsalita muli si Wilner gamit ang mikropono.

Agad siyang naka-agaw ng atensyon. Halos lahat nga ata ay napatingin sa kanya maliban dito kay Teresa na busy sa palaka at kina Cuatria at Kenneth na mukhang seryoso sa kanilang dance showdown.

"Siya nga pala ang naaaapaka-sungit pero napaka-sweet kong Babes---Aray! Babes ha! Kakasakit ka na!---A-aw!"

Hinila siya ni sa buhok.

"Whooo!"

"Kyaaaa! Ang sweet!"

"Ganda nya diba?"

"Miss! Kung nahihiya ka na sa pinagagagawa niyan sakin ka na lang!"

Ilan lang iyon sa mga naging sigawan ng mga nakapanuod sa kanila.

"Aba't!----" si Wilner na nakatingin ng masama dun sa isang lalaking sumigaw kanina. "Pasalamat ka naka-mic ako! Supalpal ko toh sayo gusto mo?! Kasasabi ng Babes KO!"

Nagsigawan lang naman lalo ang mga nanunuod. Halatang mga natutuwa sa inaasta ng dalawa sa ibabaw ng stage na iyon.

"Umalis ka na nga kasi dyan!" si Dorsa na sobrang pula na ang mukha.

"Oo na! Aalis na!" nakamungot na sabi ni Wilner pero bigla din naman siyang ngumiti ng malapad sa mismong harap ni Dorsa dahilan para magkalapit ng sobra ang kanilang mukha, "Pero pagkatapos nito hehe. Kiligin ka naman kahit kunwari lang. Ayos na yun sakin"

Nagsigawan na naman ang mga tao.

Sinamaan ni Dorsa ng tingin si Wilner. Isang napakasamang tingin.

Napatawa naman ako sa kanilang inaasta. Mukhang hindi talaga simpleng babae si Dorsa.

Pero mukhang hindi naman papaawat si Wilner sa halip ay hinapit pa niya si Dorsa sa bewang dahilan para lalo siyang pagpapaluin nito sa ulo. Patawa-tawa lang naman si Wilner habang isnisiksik ang kanyang ulo sa bewang ng ni Dorsa. Pilit din niyang hinuhuli ang mga kamay nito.

Nang mahuli nya ang mga kamay ni Dorsa ay hinawakan niya ito gamit ang tigkabilang kamay. Ang kaliwang braso ni Dorsa ay ini-ikot niya sa kanyang leeg saka niya pinagsapo ang mga kamay ng dalaga.

Bale ang itsura nila ngayon ay, naka-upo si Wilner habang mejo naka-lean naman sa kanyang likod si Dorsa. Nakayakap ang mga braso ni Dorsa sa leeg ni Wilner dahil ang mga kamay nito ay parehong hawak ng mga kamay ni Wilner. Pilit siyang nagkukumawala pero mukhang malakas talaga ang lalaki o sadyang payat lang talaga ang babae. Kaya naman ang kinalabasan ay nakayakap si Dorsa kay Wilner mula sa likuran nito.

Ngiting-ngiti naman si Wilner lalo na sa twing tinutukso sila ng kanilang mga manunuod.

Nagsimula ngang kumanta si Wilner. Nangibabaw ang pagkakilig sa mga manunuod dahil sa napakalambing na liriko ng kaniyang kinakanta sabayan pa ng magandang tinig nito.

At dahil mukhang busy na ang apat ay ako ang napagbalingang kulitin ni Teresa. 

Hindi naman siya yung tipong hyper sa pangungulit. Magiliw ito at palagi lang nakangiti. Madalang magbitiw ng salita lalo na't tuwang tuwa talaga siya sa kanyang paglalaro. Nagpalipat lipat kami ng pinaglaruan at lahat ng iyon ay kanyang kinagiliwan.

Nakakatuwa kasi para talaga siyang inosenteng bata.

Nang magsawa sa paglalaro ay humanap kami ng ng ginseng na ilalagay daw ni Teresa sa kanyang tindang alak pero wala kaming nakita kaya napagdesisyunan na lang pumunta naman sa cyberzone, tulad ng gusto ni Teresa. 

Naningin-ningin nga kami ng mga cellphone tulad ng sabi ni Dorsa kanina. Napamungot pa nga si Teresa dahil ang gusto nya ay bumili.

"Dorsa, bibili tayo ng cellphone?" nakangusong sabi ni Teresa kay Dorsa. Tumigil pa ito sa paglalakad at hinarangan si Dorsa.

"Titingin lang ang sabi mo ah" kaswal na tugon naman sa kanya nito na ang tingin ay nasa tablet na naman.

"Pero dapat bibili din tayo"

"Wala sa usapan. And that's final"

Napamungot na lang si Teresa. Hindi na siya nagsalita pa at sumunod na lang sa gusto ni Dorsa.

Nagpatuloy kami sa paglilibot at paningin-ningin.

Hyper na hyper si Cuatria sa paniningin. 

Madami siyang nagugustuhan na sinasabi niyang maganda. 

Magandang damit, magandang sapatos, magandang bag. 

Pati ang mga pampagandang sabon, lotion at kung anu-ano pang pamahid sa katawan ay hindi nakaligtas sa kanyang pamumuri pero ni isa ay wala naman siyang binili.

"Waa! Ang ganda!---" nagniningning pa ang mga mata ni Cuatria ng damputin niya ang isang flip flop. "Yah! Ang ganda din ng presyo. Hustisya naman sana para sa tulad namin!"

"Maganda daw pre. Bilhan mo na" rinig kong bulong ni Wilner kay Kenneth. Sila kasi ang nasa unahan ko habang si Teresa at Dorsa naman ay nasa tabi ni Cuatria.

Kakabilib ang kanilang samahan. Talagang hindi nila hinahayaang naiiwan mag-isa ang sino man sa kanila.

Tulad nina Dorsa, kung nasaan ang isa sa mga babae ay nandun din ang dalawa.

Sina Kenneth naman ay palaging nakabantay dito sa tatlong babae. Hindi man palaging nakalapit ay napapansin kong madalas silang nakabantay ng tingin sa mga ito.

"Sige. Bigyan mo akong pambili" si Kenneth kay Wilner.

"Sakin pa talaga? Kita mong----" si Wilner. Pero di naman niya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang sumulpot sa aming harapan si Dorsa.

Ang tahimik talaga niya. Pati kilos niya hindi din maririnig eh.

"Gutom na ako" sabi ni Dorsa matapos ayusin ang kanyang salamin.

Ngumiti naman ng malapad si Wilner at agad na inilapit ang kanyang mukha dito, "Babes san mo gusto kumain? Miski saang restaurant sagot kita!"

Inambangan naman siya ng suntok ni Dorsa sa mukha saka siya tinalikuran.

"Babes! Intay!"

Mabilis na hinabil naman siya ni Wilner.

"Parang gusto ko ng roasted chicken"

Napalingon naman ako kay Cuatria na nasa harap na din pala namin kasunod si Teresa na palingon-lingon lang sa paligid.

"Roasted chicken as you wish" nakangiting sabi naman dito ni Kenneth.

"Dapat lang. Talo ka kaya at kapalit nun, subject kita. You're under my control ahaha" 

Inakbayan siya ni Kenneth at sabay na silang naglakad papunta sa direction na dinaan nina Dorsa kanina.  

"Ipagluluto kita, Cuatria!"

Habol ni Teresa sa kanila.

Napailing ako dahil sa napaka-hyper talaga nila. Parang mga hindi nauubusan ng energy.

Sumunod na lang din ako.

Napagdesisyunan namin na kumaen dito sa restaurant kung saan specialty ang roasted chicken tulad nga ng request ni Cuatria.

Ako na ang nag-order dahil hindi pa din magkamayaw sa kwentuhan, tawanan at asaran yung lima.

"Ah sir, dine in po lahat yon?" tanong nung cashier.

Tinanguan ko naman siya.

"Ok Sir. Serve na lang po namin"

"Salamat"

Ningitian ko siya na tikom ang mga labi saka tinalikuran.

Pumunta na ako sa aming table.

Pinapwesto nila ako sa tabi ng glass wall.

"Uy Lucas, mayamanin ka noh?"

Agad na tanong sa akin ni Cuatria pagka-upo ko.

"Ahehe hindi naman. Tamang may natirang sapat mula sa huli kong sweldo" sagot ko.

"Naks! Ano work mo?" si Wilner.

"Ahente, dati. Nag-resign na nga lang ako"

"Oh bakit naman? Yung iba hayok na hayok makakuha ng trabaho tas ikaw nag-resign?" si Cuatria.

"Paulit-ulit na lang kasi. At isa pa ay may bumalik ako sa pag-aaral. Kakatapos ko nga lang"

"Kakasawa nga ang ganyan pre. Kaya nga ako, pa-iba iba ang ginagawa ko" si Wilner ulit.

"Madali ka kasing magsawa!" panga-asar na naman ni Kenneth kay Wilner.

"Alam ko! Itong si babes lang naman ang hindi ko pinagsasawaan at never ko pagsasawaan. Ano nga babes?" sinilip ni Wilner ang nakababang tingin ni Dorsa.

"Masyado akong gutom at ayoko mawalan ng gana dahil lang sayo! Kaya pwede ba? Tigilan mo ako!" seryosong sabi ni Dorsa. Inirapan niya si Wilner saka tinuon ulit ang tingin sa tablet.

"Hoy Lucas, ang sweet nya diba?"

Napatingin ako kay Wilner. 

Di ko alam kung ano ba dapat ko sabihin. Kung yung masakit na katotohanan ba o magsisinungaling ako? Ahaha. 

Sa totoo lang kasi, parang ang cold ni Dorsa o yun lang talaga personality nya? Di ko alam. Ngayon ko lang sila nakasama eh.

"Sakin lang ganyan yan" nakangiting-nakangiting dagdag pa ni Wilner, "The more you hate, the more you love. Totoo yun! At sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanyang muntik ng pangalan nya ang maisulat ko dun sa answer sheet ko kanina"

"Bwahaha! Muntik?..."

Napalingon kami kay Kenneth.

"...Eh bat tulo pawis mo at sunod sunod pag-stroke mo pagpi-fill up kanina? Wala namang ise-shade dun?" dagdag pa niyang pang-aasara kay Wilner.

"Anong wala? Meron kaya! Yung examinee number!" nakangusong asik naman ni Wilner dito, "Wag kang makinig dyan Lucas"

Natawa naman ako.

Para talaga silang bata.

Maya maya lang ay sinerve na ang pagkain.

Tuwang-tuwa si Cuatria pati si Teresa. Sabagay, lahat naman ay ata ay ikinatatutuwa ni Teresa. 

"Matanong ko lang, magkakaano-ano kayo? Para kasing ang lalapit nyo sa isa't isa" tanong ko sa kalagitnaan ng aming pagkain.

"Ang hina mo naman pre! Sa sweet namin toh ni babes di mo pa nahalata na girlfriend ko sya?My forever love. Ang aking pinakamamahalin hanggang sa dulo ng mundo, hanggang sa kabilang buhay"

"Ahh---" rereact sana ako kaso di ko na natapos. Napansin ko kasi ang napaka-seryosong tingin ni Dorsa kay Wilner. Kakatakot ahehe.

"Maniwala baliw" seryosong sabi ni Dorsa.

Napatikom ako ng bibig at napa-iwas ng tingin kay Dorsa na may blankong expression habang kumakain.

"Kung nakakabaliw ang katotohanan eh ayos lang. Totoo talaga eh" puno ng kumpyansang sabi naman ni Wilner dito.

Nagsimula na namang kulitin ni Wilner si Dorsa.

"Ahm kayo?"

"Di ka rin chismoso eh noh?" 

Mejo nailang naman ako sa balik na tanong na iyon ni Cuatria sa akin.

"Pasensya na---"

"Ahaha jowk lang"

Napa-lunok ako ng hindi oras. Parang nakahinga ako ng maluwag gayong hindi naman ako nahihirapang huminga.

"Ang charming mo talaga ahaha. Oo, boyfriend ko siya. Wala nga sa aking hinagap-hagap pero tinadhana eh"

"Di hinagap. Parang ikaw pa luge ah...Kaya pala tulo laway ka nung first time mo mapanuod ako magsayaw" naka-irap pa kunwari si Kenneth ka Cuatria.

"Ay talaga? Eh di inamin mo din na ninanakawan mo ako ng tingin non?" si Cuatria sabay dunggol sa balikat ni Kenneth.

"Assuming baby"

"Assuming? Kaya pala pati laway ko nakita mo kahit ang layo ko sayo. Yung twenty sit apart ba, ganon"

"Fine"

Di tulad ni Wilner na hindi pinapansin ni Dorsa, sina Kenneth naman at Cuatria ay panay ang palitan ng salita. Tipong hindi papatalo sa isa't isa.

Hindi ko naman maiwasan na hindi mapatawa dahil sa asta nung apat. 

Napakasaya talaga nila kasama. Mga walang arte at kahit ngayon pa lang nila ako nakilala ay hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila.

"Lucas"

Napatingin ako kay Teresa na may tinatanaw sa aking harapan, "Bakit?"

"Ano yan?"

Tiningnan ko yung tinuro nya.

"Ahh mashed potato. Gusto mo ba?"

Tumango-tango siya.

Napangiti naman ako. Napaka-sweet nya siguro.

Inilapit ko sa kanya yung mini bowl na itinuro niya.

"Salamat" nakangiting sabi niya. Dumampot siya ng maliit na kutsara at nagsimulang suriin yung mashed potato.

"Ikaw pala Teresa? Bakit di mo kasama boyfriend mo?" tanong ko sa kanya.

"Di naman sya nag-take ng exam" nakangiting sagot niya pero ang tingin ay nandun pa din sa mashed potato.

"Ahh sabi ko nga hehe. Alam nyo ang swerte nyo, nagkasama-sama kayo sa isang classroom"

"Di yun swerte. Tadhana yun" sumagot si Wilner kaya naman napatingin ako sa kanya. Akala ko kasi busy pa siya sa pagpapa-sweet kay Dorsa.

"Yun yun eh. Ang Destiny Boy ng Quezon ahaha" tawa naman si Kenneth.

Nagpatuloy sila sa kwentuhan at tawanan. Ni hindi nga nila magalaw-galaw ang pagkaen dahil libang na libang sila sa kulitan.

Pinili ko na lang muna ang makinig sa kanila.

Kung kasama lang si Lucia, paniguradong mage-enjoy din siya.

Naka-uwi na kaya siya?

Tumingin ako sa labas.

Madilim na. Paniguradong nakauwe na yun. Ni hindi ko man lang pala natanong ang buong pangalan niya. Maigi ding mai-search sa mga social media accounts lalo na't hindi ko man lang nahingi ang kanyang number.

"Lucas, bakit ang tahimik mo naman?"

Napalingon ako kay Cuatria.

"Ahe wala. Naalala ko lang si...si..."

Napakunot ako ng noo.

Sino nga ba?

"Sino?" muling tanong ni Cuatria.

Saglit akong natigilan. 

Pinakiramdaman ko ang aking sarili.

Parang may nakalimutan ako.

"Ahmm ano..."

Parang may nawawala at pilit ko iyon inaalala.

Pero wala namang ibang nagpa-flash sa aking isip kundi...

"...yung babae?". Tama. Isang mukha ng babae, "Pero di ko kasi maalala kung sino...yun"

Parang kilala ko siya pero di ko talaga...

...parang nasa dulo ng aking dila at nasa kaloob-looban ng aking isipan.

"Lucas! Ayos ka lang tol?"

Napatingin ako kay Kenneth.

Bakit ganon?

Parang may nag-iba.

"O-oo. Salamat nga pala sa pag-invite sakin" sabi ko na lang kay Kenneth dahil mukhang nag-aalala sila.

"Tulad nga ng sabi ni Wilner, kanina ka pa namin napapansin. Kanina pa tapos ang exam pero di ka pa din umaalis kaya naman naisipan namin na gusto mo masyado ang pagmumuni-muni sa lugar na yun" si Cuatria.

"Ha? Hindi naman ahehe. May inaantay kasi kami. Eh kayo? Di din agad kayo umalis"

May inaantay kasi kami?

Kami?

Sinong kami?

Naguguluhan ako.

Ano ba yung mga pinagsasabi-sabi ko?

"Tulad mo---"

"May hinihintay din kami"

Di natapos ni Cuatria ang kanyang sasabihin dahil sumingit si Dorsa na akin namang ikinabigla.

Iyon ang unang beses na kina-usap nya ako at ang mas nakakapanibago pa ay nakatingin siya sa akin.

"Lucas? Pre"

Napalingon ako kay Wilner.

"First time mo sa school na yun ano?" tanong pa niya.

"O-oo" tumango ako, "Madalas kasi dun ako sa Quezon Secondary School naa-assign"

"At hindi mo pa naririnig ang kwento kwento tungkol dun?" si Kenneth naman ang nagsalita.

"Anong kwento?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

Mukhang naaagaw naman nun ang kanilang atensyon.

Natahimik kasi sila at nagsitinginan sila sa akin.

"Gusto mo ba malaman?" nakangising tanong sa akin ni Wilner na aking mejo ikinagulat.

Para kasing may naiba sa pamamaraan niyang magsalita.

----
see yah sa next part #^_^#v

© 2017 Panda Ren


Author's Note

Panda Ren
Ano po masasabi n'yo?

My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

155 Views
Added on February 4, 2017
Last Updated on February 4, 2017
Tags: exam, generalfiction, horror, adventure

Author

Panda Ren
Panda Ren

Philippines



About
I just want to write #^_^# My FIRST CRAFT here, I hope somebody would support hehe. One Shot: THE DAY WHEN I TOOK IMPERIAL EXAM (I have to go for now, I still have my class to attend and I c.. more..