LIFE AS WE KNOW IT

LIFE AS WE KNOW IT

A Story by Jaja Reigns
"

Why we shouldn't take our life for granted

"

Sabi nila "when you are in your death bed, your whole life will flash before your eyes"
Tama nga sila.

I was too fast. Madalas na naririnig ko sa mga taong nakapalibot sa akin. Paano, at the age of 30, I got promoted as a Director- the third highest position in our company. Funny thing is, nung nagsisimula pa lang ako, sobrang nababagalan ako sa takbo ng buhay ko. At the age of 19, I graduated from college and got my first job. 2 years later, wala pa ring pinagbago, mababa pa rin sahod, ganun pa rin ang trabaho. Paulit ulit na lang naging cycle na.

nakakasawa. Nakakatamad.

kaya napagpasyahan kong magresign pero pinigilan ako ng boss at sabi ay ipopromote ako kaya tinanggap ko na, nagbakasakaling may magbago na. Hindi naman ako nagkamali ng desisyon dahil simula noon ay patuloy na gumanda ang career ko. From Admin, to sales assistant at the age of 21 , sales coordinator at the age of 24, management trainee at the age of 25, regional sales manager at the age of 26 and Director at the age of 30.

Age 19:

"Baka magpahinga muna ako kahit isang buwan saka na ako mag aapply" sabi ko sa mama ko. Ilang araw pa lang kasi ang lumipas simula nung grumaduate ako. Gusto kong masulit muna ang pahinga bago ako maghanap ng trabaho dahil panigurado, wala ng pahinga kapag nagkaroon na ako ng work. Pumayag naman si mama at sinuportahan lang ako sa desisyon ko. Hindi kami mayaman, saktong pamumuhay lang, nakakakain ng tama tatlong beses sa isang araw, nabibili yung pangangailangan, may maayos na tirahan at may pamilyang tumutulong pero may pangarap ako para sa pamilya namin. Gusto kong umasenso kami ng hindi laging umaasa sa kamag-anak. Ayun naman ang purpose ko kung bakit ako nagsumikap sa pag-aaral kaya sobrang tuwa ko nung grumaduate ako, salamat sa tulong ng mga kamag-anak at mga scholarship na inaapplyan ko.

Age 20:
Isang taon na mula nung nagtrabaho ako. Wala gaanong nagbago sa buhay ko bukod sa nakipag hiwalay sa akin ang boyfriend ko dahil wala raw akong time sa kanya, hinayaan ko na lang dahil totoo naman. Ayoko ng distraction, magpofocus na lang muna ako sa goal ko. Isang taon na ang nakalipas pero walang pinagbago, kumikita lang ako ng pera, sakto lang pangbudget sa isang buwan pero grabe pa ang pagod bago ko kitain iyon.

Age of 21:

Pagod na ako. Ayoko na ng trabaho ko parang hindi rin naman ako umuusad. Dalawang taon na pero ganun pa rin ang posisyon ko, maliit pa rin ang sahod ko. Kasalanan ng company to, ang pangit ng pamamalakad nila. Nagsimula akong magxapply ng trabaho kung saan sang company at nung may sigurado na akong lilipatan ay saka ako nagpasa ng resignation.

"Pag-isipan mong maigi. Sure ka bang magreresign ka? Nagagalingan sayo yung President, ayaw pumayag na umalis ka" sabi sa akin ng HR Head. Ngumiti ako ng bahagya.

"Opo. Sigurado na po ako ma'am" maikling tugon ko

"Bakit ba naisipan mong magresign? Okay ka naman sa trabaho mo?" Tanong niya

"Okay naman ma'am kaso nakakasawa po kasi, paulit ulit lang po yung ginagawa ko, walang self-growth. Wala pong challenge. Pag nagstay po ako, wala po akong matututunan" honest na sagot ko dahil bukod sa sweldo, yun naman talaga ang concern ko. I took Business Ad dahil alam kong ang trabahong babagsakan ko ay ang pagharap sa mga tao pero iba pala ang realidad, puro papel at comouter ang kaharap ko.

"Sinuggest ni Ma'am to, gusto ka niyang ilipat sa Sales Department as a Sales Assistant. Maganda doon baka magustuhan mo" suhestyon niya at sinabing pag-isipan ko raw maigi. Mabilis kong binigay ang sagot ko na pumapayag ako kaya kinabukasan rin ay nilipat ako sa Sales Department. Napangiti ako ng makarating sa bagong desk ko. Sana naman ito na yung simula ng pagbabago.

Age of 22:
Masaya ako sa bago kong ginagawa, isang taon na ang lumipas simula nung nalipat ako sa Sales Department. Maraming challenges at medyo mahirap ang mga ginagawa pero kayang kaya ko naman, nag-eeffort ako para matuto, lumawak yung mga nalalaman ko, marami akong nakilala at kung saan saan ako nakapunta dahil sa work ko. Naenjoy ko ang ginagawa ko at masasabi kong nasa tamang lugar na ako. Tumaas rin ang sahod ko kahit papaano, nakakapagbigay kay mama ng malaki laki at nakakapagbahagi sa mga kapatid ko tuwing may okasyon. Nakapagsimula na rin akong magpundar ng gamit at makapagtravel gamit ang sarili kong pera. Proud na proud sa aking ang parents ko at ang mga kamag-anak ko. Worth it daw lahat ng naitulong nila sa akin. Nakakatuwang makareceive ng ganung compliment kaya ayun ang naging motivation ko para magsumikap pa.

Age of 23:
My life took a big turn, napili ako ng President na magpunta sa Japan for two months para magtaining sa supplier namin. Lahat ng expenses ay sagot ng company ni piso ay wala akong nagastos. Pag balik ko ay tumaas rin ang sahod ko, nagsimula akong mag-ipon pangpagawa ng bahay namin, gusto ko kasi sanang pataasan para sama sama na kaming magkakapatid dun pero alam kong mahabang ipunan ito. Madalas na rin akong gumala kasama ang mga kaibigan ko, unti unti naming tinutupad yung mga pangarap namin noon.

Age of 24:
Pag pasok ng bagong taon ay magandang balita ang bumungad sa akin. Napromote ako bilang isang sales coordinator at may sarili na akong area na hinahawakan. Binigyan ako ng company ng kotse dahil ang trabaho ko ay kadalasang mag ikot sa mga customer namin. Madalang na rin akong pumunta sa office dahil lagi akong nasa mga probinsya. Mas tumaas pa ang sahod ko, nakakapag grocery na kami tuwing Linggo, nailalabas ko ang pamilya ko, hindi na kami kinakapos sa budget, nabibili ko pa ang mga kaluhuan ko.

"Okay ka lang ba sa trabaho mo?" Tanong sa akin ni mama nung umuwi ako.

"Oo naman ma! Medyo malaki na rin yung kinikita ko. Malay mo next year makapagpataas na tayo" biro ko

"Hindi ba masyadong mabilis? Ilang taon ka pa lang nagtatrabaho pero pataas ka na ng pataas" sabi niya at bahagyang ngumiti.

"Well, ma magaling tong anak mo" proud na sabi ko.

"Sa akin nagmana ang talino." Sagot naman ni papa kaya mabilis akong sumang ayon.

"Basta hinay-hinay. Sapat na yung kumikita ka at nabibili mo ang gusto mo, wag mo na hangarin na mas tumaas pa" paalala ni mama. Ngumiti na lang ako bilang tugon. I can't stop pursuing my goals. Ni wala pa nga sa kalahati yung mga naabot ko sa pangarap ko. Patuloy lang akong magsisikap hanggang sa makuntento ako sa naaccomplished ko, yung may maganda na kaming bahay, hindi na kailangan ni papa magtrabaho, natutulungan ko mga kapatid ko, nabibigay ko gusto ng mga pamangkin ko. Kapag nakamit ko na iyon saka ako makakampante at maghihinay-hinay.

Age of 25: Management trainee

"Tawag ka ni Ma'am sa office niya" sabi sa akin ng katrabaho ko. Bigla naman akong kinabahan at napaisip kung may nagawa ba akong mali. Hay! Minsan na nga lang ako dumaan sa office, magkakaproblema pa ata.

Tatlong beses akong kumatok bago ko buksan ang pinto at laking gulat ko nung makita ang Manager ko, HR Head at ang President.

"Good afternoon po" bati ko sa kanila.

"Have a seat here" sabi ni Manager na agad ko namang sinunod. Naupo ako sa tabi niya at kabadong humarap sa President. Magamis naman itong ngumiti sa akin.

"Alam mo ba bakit ka nandito ngayon?" Seryosong tanong ng HR Manager. Alanganin naman akong ngumiti bago sumagot

"Hindi po e"

"Honestly, I saw a potential in you, You are good at leading people. You're driven to make improvements and you always bring out the best in you in handling customers thus I suggested to promote you as a management trainee and you manager agree." Paliwanag ng President. Naoverwhelmed ako sa narinig ko, sobrang karangalan ang mapuri ng president ng company. Nakaaktuwang isipin na nakita niya yung effort at pagsusumikap ko sa trabaho.

"I have the contract here. You can read it then decided if you will take it. Note that it is just a one-year position. After a year, we will decided if you're up to a much higher position" dugtong ng HR habang inaanot sa akin ang kontrata.

�"�"-

Isang araw ang lumipas at napag-isipan ko na rin na tatanggapin ko ang offer nila. Wala namang mawawala kung magtry ako. Way ko rin naman to para maachieve yung pangarap ko. Nakakalungkot lang dahil malilipat ulit ako ng ibang department, starting a month from now, direkta na ako laging magkoconsult sa President. I will no longer be part of my manager's team, ang bait pa naman niya.

Age of 26

"I just want to congratulate our new Regional Sales Manager. Well-deserved" The president said while we're having our Annual Sales Meeting. Napakabilis ng pangyayari, after a year of being a management trainee, I assumed a Sales Manager position. Unti-unti ko ng nakikita ang pagbabago sa buhay ko. Nakapagpataas na rin ako ng bahay at nagkaroon na kami ng kanya-kanyang kwarto. Yung dating 15k na sahod ko nung nagsisimula pa lang ako ay ngayon nasa 60k na.

Life has a lot of surprises. Nakakapag out of town na rin ako kasama ang buong pamilya ko. It's the best thing I ever experience, masayang makita na nakangiti ang mga taong dahilan kung bakit ako nagsusumikap sa buhay.


Age of 30-34

Unexpected things happened the day I turned 30. Nagretire na yung isa sa board of Directors ng company and to my surprise, the vacant position was offered to me. Who am I to refuse? Ito yung biggest opportunity na inoffer sa akin so I gladly took it. In our company history, I have been proclaimed the youngest person who joined the board of directors which is really an honor. Some people frown and are unhappy about my success but that is not news for me. I know those things happened, not everyone will rejoice with my success, not everyone will cheer for me or support me, most of them will jeer for me and that's okay. Everybody's insecure with other people's lives and it's pretty normal, I was like that too. I used to compare my life with others, got jealous, and envy them for what they have but I realized I shouldn't focus on comparing two different lives when I can just focus on my life and make it better. 

 I've been working hard these past years to fit in, to excel, to prove myself that I deserved everything I've got so far. 


My patience got shorter

I lose sleep


I lost people. I used to blame myself when people are cutting me off from their lives because I was too busy making mine but at some point, I think it's for the best. Some people just meant to leave our lives when their purpose was served. It made me sad but as I grew older, I care less when losing people but I appreciate the ones who stayed.

---

It was a normal day at the office when I suddenly felt a pain in my chest and shortness of breath. I panic because it felt like I'm suffocating. I tried to reach the water but before I can even reach it, I fainted.

I woke up in a hospital bed and the doctor said I have Congestive Heart Failure whatever that means. I just said I knew about it because our family has a heart disease history but it is not severe. Maybe what I got is something I don't need to worry about. The doctor insisted to explain everything so I got no choice but to listen and bought all the over-the-counter medicine I might be needing. They even told me to make a schedule for monthly treatment. After a few days, I got discharged. My family wants me to take a leave for a while and focus on my health but I cannot do that. I have a pile of work in the office so I went back to my daily life as nothing happens.

Almost a year after I got diagnosed with Congestive Heart Failure,  I went to therapy every month that costs a fortune and bought all those expensive meds that made me work even harder because it feels like all of the money I saved up until now are being spent to my medication.

I don't want to be a burden to my family so I always say that I am fine, I am doing better, I am taking my time off once in a while to relax but in reality, I've been staying in the office for more hours than usual to finish a lot of things. I just don't want them to worry too much. I've been bothering them every weekend because they've chosen to stay in my condo to take care of me and keep me company. My parents even tag along every time I'm having therapy.

I just feel bad about it because I really hate bothering people.


Age of 35

At the age of 35, I was too focused on my goals that I never had time to date. Yeah, I was a big flirt back then, I dated a lot of men but as I grew older, I grew tired of them as well and just focus my whole life working and earning money. Bakit ngayon ko lang naisip? I wasted my time achieving my goal and I ended up losing sight of what my real goal is. 

I just want a happy and comfortable life. 

Mabigyan ng magandang buhay yung pamilya ko then find someone I will marry, build my own family and live a happy life. What happened to me? I barely see my family, every time they reached out to me, I was always busy. I didn't go to their birthdays and any other occasion, I just send them money and gifts instead of my presence. I suck! I didn't even have a boyfriend let alone my own kid. I will die single. If I just can turn back time, makikinig ako sa kanila na mag slow-down at makuntento sa kung anong meron ako. Siguro mababago yung ending ko, hindi siguro ganto. Kung sana two years ago, I listened to them na unahin ko munang magpagaling, things will not end up this way.

Gusto kong umiyak sa mga alaalang bumalik sa isipan ko pero hindi ko magawa, ni hindi ako makagalaw. Gusto kong yakapin ang mama ko na umiiyak ngayon sa tabi ko pero alam kong imposible na iyon ngayon. Ni hindi ko na sila makita, tamang mga boses na lang nila ang naririnig ko. Nagagalit ako sa katawan ko dahil sumuko na ito samantalang ang isip ko ay patuloy pa rin lumalaban. Kaso kahit anong gawin ko, huli na, wala na akong magagawa.

Gusto kong sabihin sa kanila na naririnig ko sila, na lahat ng sinasabi nila ay alam ko, na wag na silang umiyak dahil hindi pa naman ako mawawala, na magpapakatatag ako at lalabanan ang sakit ko pero sino ba ang niloko ko? Alam ko sa sarili ko na malapit na pero hindi pa rin matanggap ng puso at isip ko dahil marami pa akong dapat gawin, marami pa akong naiwan. Hindi pa ako handang mawala.

"Doc, wala na ba talagang pag-asa?" Rinig kong tanong ni mama.

"Pasensya na, ginawa na ho namin ang lahat. Dalawang taon na po na ganto ang sitwasyon ng pasyente. Mas nahihirapan lang ho siya" Malungkot na sabi ng Doktor. Rinig na rinig ko kung paano humagulgol ng iyak ang mama ko, mga kapatid at pamangkin ko. Pinilit kong gumalaw, gusto kong yakapin sila ng mahigpit, magsorry dahil nasasaktan ko sila ngayon. Bakit napaka unfair ng mundo? Bakit kailangang ako pa yung magkasakit? Bakit kailangang mawala agad ako? Ang dami ko pang gustong sabihin sa pamilya ko, ang dami ko pang hindi nabibigay sa kanila. Bakit kailangang iwan ko agad sila?

Lord? Please give me a chance. Give me one last chance to at least tell them how much I am grateful to be their family, to tell them for the last time that I love them.

"Nak! Ano ba dapat naming gawin? Do we really need to let go? Tulungan mo kami nak magdecide" Sabi ni mama at ramdam ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Ramdam ko ang presensya nilang lahat, rinig ko lahat ng sinasabi at mga iyak nila. Sobrang sakit, ganto pala yung feeling na napakahelpless. Kahit ipilit ko, hanggang dito na lang talaga. Siguro dapat kong tanggapin.

"Mahirap pero siguro kailangan na niyang magpahinga. Lumaban naman siya eh. Lumaban naman tayong lahat sa dalawang buong taon pero kung nahihirapan lang siya, baka dapat na tayong sumuko" Sabi ni Papa.

"Bakit susuko na tayo? Di ba di naman sumuko si ate noon? ginawa niya lahat para magbago buhay natin? Lumaban siya at nagsumikap mabigay lang sa atin lahat pero bakit susuko na tayo ngayon?" Sabi ng kapatid ko habang patuloy sa pag-iyak.

"Tita! Gumising ka na diyan! Sabi mo isasama mo pa kami sa ibang bansa"

"oo nga tita! Di ba mamamasyal pa tayo, magshoshopping tayo tapos imemake over mo pa kami"

"Tita! Mahal na mahal ka namin! Wag ka po munang mawala!"

Sabi ng mga pamangkin ko. Lalong dinudurog ang puso ko sa mga naririnig ko, parang hindi ko na kayang marinig yung mga sinasabi nila.

"Salamat sa lahat ng naitulong mo sa amin. Sa pagsusumikap. Sa pagbago ng buhay nating lahat" Sabi ng kuya ko.

"Be ano? hindi mo na ba kayang lumaban? Nahihirapan ka na ba? Ayaw pa sana naming bumitiw pero kung nahihirapan ka na, bigyan mo naman kami ng sign kung ano dapat naming gawin" Naiiyak na sabi ng ate ko.

"Mamimiss ka namin! Yung kabaitan mo, kasungitan mo, yung mga ngiti mo. Mamimiss namin lahat lahat. Salamat sa lahat. Hindi ka namin malilimutan"

Lord, Please! For the last time, Bigyan niyo po ako ng lakas para makita sila at makapagpaalam sa kanila. Nagmamakaawa po ako.

Pinilit kong imulat ang mata ko pero liwanag lang ang nakikita ko, narinig kong nagpanic ang mga tao sa paligid ko. Ilang sandali pa ay nawawala ang liwanag at unti unti kong nakikita ang mga tao sa paligid ko. Si Mama, papa, mga kapatid ko, mga pamangkin ko. Kitang kita ko ang lungkot sa mukha nila, mga mugtong mata nila kakaiyak. Labis ang tuwa nila ng makita ang pagmulat ko pero kasabay nito ang pagbagal ng tibok ng puso ko. Ramdam kong malapit na, malapit ng huminto ito.

Gusto kong magpasalamat kay mama sa walang sawang pag-aalaga niya sa akin, sa pag intindi sa ugali ko, sa pagpapalaki sa akin ng maayos.

Kay papa na inalagaan kaming lahat, prinotektahan kami, ginawa lahat para sa amin.

Sa mga kapatid ko na madalas ko mang nakakasagutan ay hindi nagsawang kamustahin ako, tulungan ako sa tuwing kailangan ko sila, sa pagsuporta sa akin.

Sa mga pamangkin kong pinasaya ako, kumulay sa napakalungkot kong buhay.

Gusto kong sabihin lahat ng nasa isip ko pero hindi na talaga kaya ng katawan ko. ayaw ng gumalaw nito kahit anong pilit ko.

Biglang nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagsimula ng tumulo. Gusto kong sabihin na tama na, wag na silang lumaban, na hanggang dito na lang. Na hindi ako magagalit sa choice na pinili nila. Gusto kong iassure na bago ko mawala, wala silang pagsisisi, na hindi nila sisisihin ang sarili nila na sumuko sila sa akin. No what ifs and what could have been if they just kept fighting. I want to assure them that I'll be in peace but I can no longer do that.

Nagsimula ulit silang magpanic at mag-iyakan. Marahil nakikita na nila sa machine ang pagbagal ng mga pulso ko.

"Titaaa!" Iyak ng mga bata. Pati ang mga kapatid kong lalaki ay hindi na rin napigilan ang pag-iyak.

As my heartbeat starts slowing down, I tried my best to forced a smile. That's the one thing I want, I want them to send me off with a smile so I did my best to tell them that I'll be okay and be in peace wherever I go by showing them my smile.

For the last time. I show them the best smile I could. A faint one. A fading one.

"Nak! you've fought well. You can rest now. We will let you go. Pero tandaan mo mahal na mahal ka namin at hinding hindi ka namin makakalimutan" my mom said while tears are running down to her face as I closed my eyes forever.


*****

© 2021 Jaja Reigns


My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Reviews

I couldn't understand why your writing was jumping about between Filipino and English. At first I thought it was intentional but then I just got confused so I am afraid that I gave up reading the rest of your story. Sorry.

Posted 3 Years Ago



Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

49 Views
1 Review
Added on September 2, 2021
Last Updated on September 2, 2021
Tags: yolo, love, life, journey

Author

Jaja Reigns
Jaja Reigns

Pasig, NCR, Philippines



About
23 years old writer. The first poem I wrote was for my father who died. I decided to write what I feel. I just write the words that came from my mind. I can’t believe that it becomes an art, a.. more..

Writing