Nauubos na Pag ibigA Poem by poembleederMLC30Mga dapat kong iparating pero hindi kayang sabihin.Hindi ko alam kung saan o kailan hindi ko alam kung paano o ano ano ba ang mga dahilan kong ito sa nararamdamang pagkaubos nito nitong pag ibig na aking iningatan at hindi ipagpapalit kanino man hindi ko alam kung kaya ko pa kung kayang ipaglaban ka pa dahil ang pinakamahirap na yugto ay ang paghawak sa kamay na ito sa nanlalamig na kamay na pinipilit kong buhayin at lubos na pinapainit sa kamay na kusang bumibitaw sa mga pangako kong tanglaw hindi ko kayang hawakan ka pa dahil sa matinding bigat na dala bigat na bigay ng mga pagkakasala at iyong pagsasawalang bahala nais kong magalit at mainis sa'yo pero 'di mailabas ang kimkim dito ang mga puot at galit sa pusong 'to na iyong dinurog ng walang awa mga pangakong iyong winala at paghihirap ko dahil ika'y wala wala sa mga panahong kagaya nito sa mga pagkakataong ako'y lito at hindi alam ang mga dapat gawin ang dapat gawin upang ikaw'y alisin alisin sa pusong ito na nasugatan sa pagkakadapa sa iyong pag iwan Hindi ko alam kung saan o kailan hindi ko alam kung paano o ano ano ba ang mga dahilan mong ito dahilan sa'yong pagalis sa tabi ko dahilan mo kung bakit mo'ko nilisan at iniwan lang na parang di'kawalan Sana hwag kang masaktan sinta dahil noon pa mahal na mahal kita at handa sana akong ipaglaban ka ngunit mahal ko, nasaan kna ba? nasan ang pangakong di mawawala pasensya mahal kung nauubos na nauubos na ang aking pagsinta nauubos na ang aking "mahal kita" © 2015 poembleederMLC30Author's Note
|
Stats
115 Views
Added on November 15, 2015 Last Updated on November 15, 2015 Tags: Filipino, young writer, love, pagibig |