Paano ang maging sigurado?A Poem by James Cooper T."Ang lalaking mapagkunwari Ay lagging may atubili Kaya ikaw ay mamili Mag-isip ka ng mabuti" Siguro ako ay may pagaatubili. Araw - araw ay di masyado minumuni. Siguro dahil malayo tayo? Siguro wala ka sa tabi ko. Pero pasya ko ang maging tayo. Kung iyong naalala tayo ay nagkasundo. Ako ay para sayo, ikaw para sakin. Nagmistulang liwanag ang dilim, sa ating talang nagnining-ning. Kinakantyawan ko sarili kadalasan kasi aking minimithi. Na sana ako'y may katabi, magkahawak kamay araw gabi. May kausap at nananatili, sa puso ay di nagaatubili. Ano ba't itong kataga ako'y napa-isip. Ni kailanman di kita nakita sa aking panaginip. Bago ang ating pagkakakilala at hindi matalik, subalit naging masaya ako sa sandali nating trip. Pano natin matitiyak ang ating pag-ibig? Ni sa bawat usap natin ako'y may lihim. Lihim na pagsinta at sa pagnasa sa iba, siguro ito'y tukso masukat ang aking puso kung ito ba ay para sayo o kung ako ba ay naglalaro. Tunay ba akong lalaki? O sadyang duwag? Sa aking paninindigan tila ako nag aalinlangan. Bagaman malayo ka man subalit aking iniisip, na dapat ako sayo dahil ikaw ay walang kapalit.
© 2022 James Cooper T. |
Stats
42 Views
Added on September 12, 2022 Last Updated on September 12, 2022 AuthorJames Cooper T.Ozamiz , Misamis Occidental , PhilippinesAboutHello! Welcome to my site. I am a new and aspiring writer. I'm fascinated with many things such as science, technology, language, history, fantasy, and so many more. I am a Filipino, so the context of.. more..Writing
|