Birthday Poem for Dana

Birthday Poem for Dana

A Poem by James Cooper T.
"

Dana! Here's a few poem that I wrote for you. I hope you'll appreciate it.

"
Dana Evangelista Brual
Kung ito iyong nabasa,
nawa Ika'y matuwa,
Pagkat ika'y minamahal
Ang tula na ito ay Tala.
mistula na kanta, kaya ika'y
Wag mabigla. Sabi nila
Buhay ay sadya,
Bulaklak na Kay Ganda
Tila nawawala
Sa tuwing mga mata
Kumislap bigla
Iyong mabata
Ayun lumipas na pala.
Napansin ko bulaklak sa iyong tenga
ay sing ganda nang katulad mong parang diwata.

Pero...

Itong tula inihanda.
Ikaw bahala, pano mo basahin.
Sakin ito'y parang rap- ibig Sabihin
isipin, tangkilikin, sabihin
Ano man iyong mithiin. 
Ganun parin sa huli sa libingan nawa ay baunin.
Sulatin, sulyapin, ito'y ginawa ko rin
Para makuha Ang salita na dapat ukitin. 
Dahil Kung ika'y makalimutin, 
ito'y iyong balikan, 
upang alalayin ang iyong memory lane.
Sino makapagsasabi sa iyong nararamdaman,
kadalasan walang iba kundi ikaw pa lamang.
Dakilang Diyos sayo's nakatanaw,
sa kanya sayo kadalasay dumudungaw.
Ang akin ay ika'y batiin.
Iyong kaarawan ay dumating
magpakasaya Ka Rin.

Pero...

Oh Dana Kung iyong suriin iyong sarili
Tiyak masasabi mong maraming dumaan.
Narito Ang ilang halimbawa na Kung Saan,
Dumating kailanman.
Sa bawat:
Kagandahan, kabiguan, kalokohan, seryosohan. 
kwentohan, tawanan, tinginan, tulungan.
 karangyaan, kasanayan, kabaliwan, kabutihan.
 katunayan, kantahan, sayawan, sigawan.
liparan sa dayuhang lakaran, siraan, yakapan, tiktokan, labanan.
 iyakan, tibayan, gisingan.
 pasokan, maging pangarap man, sukahan, sakitan, kasiglahan. 
kurutan, sikatan ng Araw, gabing pinagmamasdan.
 tambayan, bigayan, iyakan sa madla. 
kabusilakan, pagmamahalan, katiyakan, kanlungan. 
mababa, malalim, at minsan katamtaman Ang liham. 
Palaisipan, sulyapan, tanungan, sagutan.
 hatulan, alinlangan, kayamanan, kahirapan. 
Salamin lahat ng ito pati maraming panaginip pagdating sa tulugan, 
at Kung saan saan man yan
at Kung ano ano man yan. 
At Kung pararaan man lang 
ay minsan may kabuluhan.

Pero...

 Biyaya ng Ama Ang iyong Buhay.
Kaya sya'y mapurihin. 
Sabagay naman, sya Ang dahilan 
Kung bakit nandiyan Ang iyong
Tagumpay, Buhay, at sa Tulay 
Hindi Ikaw nakahalindusay.
Buhay, 'kaw may- kulay, 
To die is not to cry. Why if a guy say goodbye to lie, 
and why do I say the way like this? 
To sound cool? To sound like a fool? 
And if you don't appreciate 
you can just say boo, and shoo Pikachu.
Lahat ng na una sa iyong Buhay, nawa iyong ihukay. 
Iyong iakay Ang ala-alang nakaligtaan. 
Pero alam ko ika'y matibay. 
Lahat ng Unang karanasan mo'y di matatangay. 
Every first time is worth a lifetime. 
Cliche? Naku patay. 
Wag nawa, pinapakulay ko lang 
itong tula na parang walang humpay.

Pero...

Walang salita na makakalamang sayo. 
Kaya Dana... 
advance... 
happy... 
or belated happy birthday to you!
 I love you.

© 2022 James Cooper T.


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

97 Views
Added on September 5, 2022
Last Updated on September 30, 2022

Author

James Cooper T.
James Cooper T.

Ozamiz , Misamis Occidental , Philippines



About
Hello! Welcome to my site. I am a new and aspiring writer. I'm fascinated with many things such as science, technology, language, history, fantasy, and so many more. I am a Filipino, so the context of.. more..

Writing