InaA Poem by James Cooper T.I tanghali nang akoy nagising masarap paring matulog muli dahil pinuyat ko sarili ko sa kakalaro sabi ni ina gising na pero inay alas utso imedya pa mamaya na hinanda na nya ang hapag para paggising mo diretso kana papuntang skol Cho Ina salamat sa lahat iyo mo akong inalagaan hindi ko alam kong iyong batid nung akoy paslit iyo akong pinipikpik sa kulambo mas ramdam kong ligtas keysa sa pader na aking ipinagawa mahal kita, wag kang mawala II parang kahapon lang pinalo mo ko nadapa sa may kanal sa katigasan ng ulo parang kahapon lang ang mga utos mo ng pagbili ng mantika sa tindahan ni mang dioko parang kahapon lang ang mga ito kinampihan at niyakap laban sa mga manloloko Pre Cho Nais ko lang sabihin, salamat ina walang katumbas ang iyong pag-aaruga Bridge Isang araw naluha ka, kinakapos pala sa pera ako ngayoy magastos pa pinag tiyaga mo ko, di to mauuwi sa wala Last Cho: Kaya ina wag kana umiyak tahan na ako naman ang pipikpik nang ang tulog mo ay tahimik salamat noon hanggang ngayon
© 2022 James Cooper T. |
Stats
11 Views
Added on June 4, 2022 Last Updated on June 4, 2022 AuthorJames Cooper T.Ozamiz , Misamis Occidental , PhilippinesAboutHello! Welcome to my site. I am a new and aspiring writer. I'm fascinated with many things such as science, technology, language, history, fantasy, and so many more. I am a Filipino, so the context of.. more..Writing
|