Ang Lihim Kong Istorya Tungkol Sayo

Ang Lihim Kong Istorya Tungkol Sayo

A Poem by simpleromantic

Limang taon na ang nakakaraan,
Ikaw ay unang makita.
Sa isang unibersidad na tigre ang naghahari.
Hindi akalain my anghel na masisilayan.

Agad na tinanong ang kaibigan kung ikaw ba’y kilala.
Baka ako’y pwede ipakilala.
Subalit ang sagot ay hindi at ngayon lang nakita.
Kalimutan na’t hindi siya ang sadya.

Tatlong taon ang nagdaan,
Muling nagbalik sa unibersidad na tigre ang simbolo.
Napadpad sa gusaling may kakaibang titulo.
Habang naghihintay may pamilyar na mukhang naaninag.

Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iyong mga kaibigan.
Muling nabighani sa ganda mong taglay.
Nais makilala ka ngunit hindi ko magawa.
Takot at kaba ang unang nadama.

Ngunit bago tuluyan umalis at sinabi sa sarili.
Kung pahihintulutan na muling magtagpo ating landas.
Sa pagkakataon na ako ay matapang na.
Aalamin ang iyong pangalan at magpapakilala na.

Pagkalipas ng isang taon,
Sa buwan ng aking kaarawan.
Dinalaw ang isang lugar na dati ay palagi pinupuntahan.
Ang pinakamasaya lugar sa buong mundo at Diyos ang naghahari.

Sadyang mapaglaro ang tadhana.
Hindi akalain sa dami ng lugar doon ka muling matatagpuan.
Ako ay nagulat sa napakagandang boses mong taglay.
At hindi mapigilan ang ngiti sa aking mga labi.

Isang segundo.
Isang tinig.
Isang ngiti.
Ang puso ko’y hindi na akin.

Nais kong magpakilala at makilala ka.
Subalit hindi ko magawa.
Tawagin mo na kong torpe at duwag.
Ang tanging kaya lang gawin ay tignan ka.

Lahat ay aking ginawa.
Para lang malaman ang iyong pangalan at numero.
Tinangka mapalapit at makipagkaibigan sayo.
Subalit ako ay nabigo.

Aking pagkatao ay iyong nahusgahan at labis nasaktan.
Ako’y nagalit, sumama ang loob at lumayo.
Ngunit hindi pa rin mapigilan ang makulit kong puso.
Ikaw pa rin ang laman at tanging gusto.

Simula noon, hanggang ngayon.
Ang dami ng tinignan pero ikaw lang ang gustong titigan.
Hirap mong kalimutan at ikaw lang ang palaging laman ng isipan.
Sabihin mo, ano ba ang dapat kong gawin ng ikaw ay makalimutan.

Alam kong ako ay hindi mo gusto.
At walang patutunguhan ang damdamin ko para sayo.
Ngunit ngayon pa lang ako ay humihingi na ng paumanhin.
At sana ako ay iyong patawarin.
Dahil paulit-ulit na sasabihin, “gusto kita”.

© 2017 simpleromantic


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

78 Views
Added on December 19, 2017
Last Updated on December 19, 2017

Author

simpleromantic
simpleromantic

Manila, NCR, Philippines



About
I find myself happy w/the simple things. Appreciating the blessings that God gave me. I take a lot of pride in being myself. And I do forgive but I can't forget. more..

Writing
Why Why

A Poem by simpleromantic


You You

A Poem by simpleromantic