Noon Pa Nagsimula

Noon Pa Nagsimula

A Poem by John Corcino

Sisimulan ko ang aking tula sa tatlong salita.
Ikaw: ikaw lamang, kung naririnig mo man, 
ang tanging laman
ng mga katagang aking iluluwal.
Noon: kung kailan kita unang nakilala
panahon at lugar kung kailan
ang puso't isip ko ay naliwanagan.
Simula: It ang simula, ng aking tula, 
na tanging handog, para lamang sa'yo.
Pasadyang mga salita, para lamang sa pandinig mo.

Noon pa nagsimula,
ang aking pagtingin
Di ko na nga mawari, kung kailan eksaktong nahulog ako
sa matamis mong mga ngiti, at ginintuan na puso
Di ko rin maintindihan, sa lahat-lahat ng tao
na puede kong maibigan,
ikaw pa, na sa unang tingin ay walang katangian, ang aking nakursunadahan
marahil nga hindi ito yung tulad nung sabi nilang "love-at-first-sight"
totoo na marahil, hindi ako agad-agad na nagkagusto
hindi ko agad napansin ang sobrang gandang mga katangian mo,
ngunit nang lumaon at nag daan ang panahon,
mas nakilala pa kita, mas nakausap pa kita,
at doon ko na nabatid, kung saaki'y, ano ka ba talaga?
noon ko na nabatid, saakin, kung sino ka nga ba talaga.

Marami na ang nagsabi saakin, isa raw akong hibang
isa raw akong tanga at walang maisip na tama,
bakit daw ba, sa lahat ng taong iba-iba, sa mata ko, natatangi ka?
Bakit nga ba? Bakit nga ba? Bakit nga ba?
Napatanong din ako sa aking sarili, Bakit nga ba?
Isa nga lang ba itong bugso ng damdamin? 
Na walang direksyon at katuturan?
Na walang lalim na pinaghuhugutan?
Isa lamang ba itong pagkahibang, na dulot ng aking purong kapusukan?
Ilang gabi akong hindi mapakali at hindi mahimbing
Ilang gabi akong nagtaka, bakit nga ba? Bakit nga ba?
Patuloy na ngatanoong, kahit habang natutulog.
Nang biglang aking naisip.

Hindi ko alam, kung ano man
Ang nakita ko sa'yo, at ako'y baliw na baliw sa bawat ngiti mo.
Hindi ko alam kung bakit ikaw, 
ang tanging natatangi, sa mata kong sinisilaw ng araw.
Kailangan ba ng rason? Para ikaw ay mahalin?
Hindi pa ba sapat, na ika'y aking ibigin?
Nagmahal ako sa'yo, dulot ng aking desisyon
Nangako ako sa sarili ko, handa akongibigay lahat-lahat para sa'yo
Nang walang hinihinging kapalit
Bumalik man saki'y puro pait.
Nangako ako, na hindi ako aasa, ng anumnag balik, 
hindi ako mag-iisip ng kung ano mang ganti
Matapos mo mang malaman ang mga bagay na ito, maging kaibigang ka lamang, ay malaki nang "bonus" ko.

Noon pa nagsimula,
Ang aking pangako, ang aking pag-ibig, at ang gawain ng bata kong puso
Ang hayaan ka, sa kung saan ka masaya
Kaya nama'y ako ay dumistansya,
upang ika'y mas maging malaya,
upang mas maging masaya ka, nakangiting natutuwa, sa tabi ng iyong sinisinta.
Noon pa nagsimula, na ako'y lumuha, 
Dahil sa konting lungkot at sapat na tuwa.
Sa pagkakataong ibinigay saakin ng Nakatataas
Upang ikaw ay makilala at makasama, 
Upang ikaw ay makilala ng lubos pa.
Masaya at lumuluha,
Na sa isip ko, kasama kita, ngunit kailanma'y hindi tayo magiging isa.

© 2016 John Corcino


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

95 Views
Added on September 19, 2016
Last Updated on September 22, 2016
Tags: Spoken Word, Filipino

Author

John Corcino
John Corcino

Philippines