ItayA Poem by JASSPinoyITAY Batid ko, na sa unang pagkakataon kong pagtangis Kasabay noon ay ang puso mong kagalaka'y labis Maaliwalas na kaaragan, sya kong nasumpungan Wari mo'y sa wakas sumapit na ang bunso ng angkan. Sa bawat bukang-liwayway na ako'y maysakit Iyong kalong ang sanggol sa iyong mga bisig Sa magdamag na paghimbing habang nilalamig Ramdam ko ang init sa kumot mong pinangtabing. Salat man tayo noon sa karangyaan ng buhay Di mapapantayan ang pag-aaruga mong tunay Nilingap na tumatag sa anumang pagsasanay Upang hakba'y di malihis ng landas... Salamat 'Tay. Lumipas ang panahon hanggang ako'y magkaulirat Bitbit pa rin ang pangaral mo sa 'king mga balikat Di makakalimot, kahit malayo ang iyong agwat Sa puso't isip ko'y ikaw ay aking dinadakila. Sa 'king pagtanda, mga pamana mo'y ipapahiram Sa 'king mga supling, tiyak nilang mauulinigan Di mawawaglit mga pangaral mo mahal kong Itay Iyan ay aking panata habang ako'y nabubuhay.
© 2017 JASSPinoy |
Stats
83 Views
Added on July 29, 2017 Last Updated on July 29, 2017 Author |