salamatA Poem by genalyn caguimbal
Minsa'y nasasaktan at nahihirapan
Minsa'y lumuluha, nag-aalinlangan Minsa'y naisip nang sumuko sa laban Hirap na hirap na lugmok na katawan. Magkagayon pa ma'y naririto pa rin Nakatayong matibay sa gitna ng dilim Kahit na pagal na isip at damdamin Heto't nakangiting lumalaban pa rin. Kaya PANGINOON salamat sa lahat Sa mga pagabay at mga pagyakap Sa IYONG pag-ibig na s'yang lumilingap Sa pusong sugatan at nasaktang ganap. -genalyn caguimbal © 2016 genalyn caguimbal |
Stats
153 Views
Added on October 31, 2016 Last Updated on October 31, 2016 Author
|