nag-iisaA Poem by genalyn caguimbal
Sa 'king pag-iisa'y aking nadarama
Ang lungkot at hirap ng buhay na aba. Ngunit bakit kaya itong mga luha Tila nagtatago ayaw magpakita. At sa pag-iisa sa lalim ng gabi Diwa'y naglalakbay at walang masabi Walang makausap kundi ang sarili Sinisikap damhin pusong nakakubli. Saan ko kukunin ang ibayong lakas Na kinakailangan pagsapit ng bukas? At yaong paglingon sa 'king mga bakas Na aking naiwan doon sa lumipas. Iya'y katanungang sagot ang kailangan Ng pusong sugatan, pagal na isipan. Nawa ay masagot abang kahilingan At maging matatag sa paninindigan. © 2016 genalyn caguimbalFeatured Review
Reviews
|
Stats
135 Views
2 Reviews Added on October 31, 2016 Last Updated on October 31, 2016 Author
|