inang naghihintay

inang naghihintay

A Poem by genalyn caguimbal

Ang yakap mo NANAY ang s'yang hinahanap.
Ang 'yong pagkalinga ang lagi kong hangad.
Ang 'yong mga anak na sa malayo napadpad
Muling pabalikin sa iniwang pugad.

Natutong lumipad saka pumagaspas
Nalibang, naaliw don sa nilalandas.
Tila ba nalimot nag-alagang pugad.
Kailan babalik? Tanong ng pusong naghahangad.

Mayabong na puno ngayo'y nanlagas na.
Malabay na sanga, ito'y marupok na.
Ang lahat ng bunga bumitaw sa kanya.
Nag-iisang pugad ang tanging kasama.

Mayron bang babalik upang kumustahin?
Muli bang hihimlay, sisilong sa lilim?
Kasintandang pugad muli pa bang sisilipin?
O tuluyang iiwan kailan ma'y 'di na lilingunin?

© 2016 genalyn caguimbal


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

126 Views
Added on October 31, 2016
Last Updated on October 31, 2016

Author

genalyn caguimbal
genalyn caguimbal

taguig, ncr, Philippines



Writing