pagsubokA Poem by genalyn caguimbal
Isip mo'y lumilipad sa gitna ng karagatan
Puso mo'y lumalangoy sa taas ng kalawakan Wala ngayon sa sarili at tila ba naglalakbay Ikaw ngayo'y umiiyak, walang luhang pumapatak. Anong sakit ng dumating ngunit iyong nalampasan Anong hapdi nitong sugat na ngayo'y dinaramdam Mas makirot na darating, dapat mo nang paghandaan Kaya ngayo'y pinapanday, sinusunog, sinasaktan. Ika'y ginto ang kapara habang ika'y nasa lupa. Perlas ang s'yang katulad mo 'pag sa dagat ay bumaba. Isang talang nagniningning kung sa langit aakyat ka. Ngunit bago mangyari yon, maghihirap, magdurusa. Hindi nauubos naglipana na pagsubok. Mga bato na pupukol, mga sibat na uulos. Mga dawag na hahadlang at ang tinik na tutusok. Tibayan lang ang 'yong paa nang Hindi ka malugamok. -genalyn caguimbal © 2016 genalyn caguimbal |
Stats
103 Views
Added on October 31, 2016 Last Updated on October 31, 2016 Author
|