luhaA Poem by genalyn caguimbal
Sa iyong pagpatak ako'y naguluhan
Bakit dumadaloy? Anong pinagmulan? Ano ba ang sanhi't ikaw ay nariyan? Saan nagkukubli kung hindi mamasdan? At kung nasasaling ang mga damdamin Tiyak na babagsak kahit na pigilin. Maging ito'y tuwa, hiya, suliranin Ika'y nagbabadyang hindi napapansin. Gabutil na perlas ang iyong katulad. Perlas ng tungkuling nasa 'yong balikat. Ang bukas na mata'y iyong hawak hawak. Kung minsa'y dala mo ulap sa pangarap. Isinulat ni Genalyn Caguimbal Iginuhit ni Jhon Angelo San Pedro © 2016 genalyn caguimbal |
Stats
140 Views
Added on October 31, 2016 Last Updated on October 31, 2016 Author
|