bangonA Poem by genalyn caguimbal
Sa 'king pag-iisa sa lalim ng gabi
Biglang naitanong sa aking sarili Kumusta ka ngayon? Nasan na ang ngiti? Tila naglaho na't pumalit pighati. Nagpatalo na ba sa mga pagsubok? Iginupo na ba ng sanlaksang ulos? Napagod ka na ba sa pakikihamok? Ayaw ng bumangon sa pagkakalugmok? Hoy! Tumayo ka at muling lumaban. Huwag kang umiyak. Huwag panghinaan. Ang iyong GABAY palaging nariyan. Naghihintay lamang na SIYA'Y tawagan. -genalyn caguimbal- © 2016 genalyn caguimbal |
Stats
113 Views
Added on October 31, 2016 Last Updated on October 31, 2016 Author
|