hanggang sa muliA Poem by genalyn caguimbalSalamat
Pansamantala mong pinawi ang pait.
Pinalitan ng kilig ang sakit. Pansamantalang nalimot ang bigat sa dibdib. Ang iyong pagdating ngiti ang naging hatid. Buhay ko ngayon ay magulo. Puso ko'y litong lito. May mga sirang pilit binubuo. Madalas sa gabi luha'y tumutulo. Sa kasalukuyan ako pa rin ay nagmamahal. Nagmmahal pa rin kahit nasasaktan. Ang puso ko ngayo'y kritikal ang kalagayan. Kapag nag-iisa madalas luhaan. Hanggang ikaw ay dumating. Sandaling inilawan ang dilim. Hinawi mong saglit ang kulimlim. Kaagad ang mata'y nabigyan ng ningning. Salamat sa kaunting oras mo. Salamat sa ngiting dala mo. Salamat sa munting regalo. Salamat. Salamat sa iyo. Hanggang sa muli nating pagtatagpo. At sana sa panahong 'yon buo na ako. -genalyn caguimbal- © 2016 genalyn caguimbal |
Stats
112 Views
Added on October 31, 2016 Last Updated on October 31, 2016 Author
|