gusto koA Poem by genalyn caguimbalHuwag mong takasan ang hirap at sakit
Gusto kong tumakas sa mundong magulo.
Gusto kong umalis, pakalayo-layo. Gusto kong iwanan ang sakit ng puso. Gusto kong tumakbo hanggang sa maglaho. Pagod na pagod na sa pakikibaka. Hirap na hirap na sa mga problema. Ang isip at puso'y durog na durog na. 'Di na makahakbang abang mga paa. Ang tanging nais ko ngayo'y mamahinga. Oooopppsss! Time out muna. Parang awa nyo na. Gusto kong huminga. Gusto kong lumaya. Gusto kong huminto. Hanggang dito muna. Ang dami kong gustong hindi nasusunod. Ang dami kong hiling, tila walang sagot. Ang daming hinaing, hindi nauubos. Ang dami ng hirap, kailan matatapos? Wala akong sagot sa lahat ng tanong. Sa lahat ng sugat, wala akong gamot. Sa maraming luha, wala ng pansahod. Naubos ng lahat, ngayon ay lugamok. Ako'y humihingi ng kaunting tulong. Nagmamakaawa sa mumunting ambon. Bigyan po ng tungkod para makabangon. Tulungang tumayo at muling umahon. AMA! AMING AMA, IKAW po'y kailangan. Pagaanin MO po ang bigat na pasan. Gabayan MO ako sa 'king mga hakbang. Sa muling pagbangon ako'y alalayan. Gusto kong tumakas ngunit 'wag hayaan. Gusto kong umalis, IYO pong pigilan. Lahat ng gusto ko ay IYO pong tingnan. IKAW ang magsabi kung 'YONG papayagan. Sa lahat ng ito, 'wag pong pabayaan. -genalyn caguimbal- © 2016 genalyn caguimbal |
Stats
57 Views
Added on October 31, 2016 Last Updated on October 31, 2016 Author
|