kasabay

kasabay

A Poem by genalyn caguimbal
"

Para sa mga taong naglalakbay sa byahe ng buhay.

"
Sila. Sila 'yong iba't ibang tao sa buhay.
Mga taong kasama mong naglalakbay.
May uunahan ka at mayrong sasabay.
May titisod sa'yo, mayrong aalalay.
Mayron ding hahawak sa 'yong mga kamay.

May titingnan ka mula ulo hanggang paa.
Mayroong uusig, sasabihing 'di mo kaya.
May hihilahin ka pabalik sa baba.
May mga tatawa 'pag ika'y nadapa.

Mahalaga sila sa bawat hakbang mo.
'Wag kang padadala sa kanilang tukso.
Huwag kang pumayag na ika'y igupo.
Sila'y pagsubok lang na daraanan mo.

Ang s'yang mahalaga sa bawat paghakbang,
Yaong mga taong sa 'yo'y nagmamahal.
'Yong naniniwala sa 'yong kakayahan.
'Yong yayakapin ka't 'di ka huhusgahan.

-genalyn caguimbal-

© 2016 genalyn caguimbal


My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

Magbibigay sa iyo ng gayong karunungan sa paglalakbay ng buhay ... sa pathway ng mundo.

Posted 8 Years Ago


1 of 1 people found this review constructive.

genalyn caguimbal

8 Years Ago

But it's all Tagalog poems. :)
An owl on the moon

8 Years Ago

I'll find a way to read them. :)
genalyn caguimbal

8 Years Ago

Thank you so much. So touch for ur effort. 😂😂😂

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

119 Views
1 Review
Rating
Added on October 31, 2016
Last Updated on October 31, 2016

Author

genalyn caguimbal
genalyn caguimbal

taguig, ncr, Philippines



Writing