Iwas.

Iwas.

A Story by The Bored Rose
"

This is a Tagalog short story. :)

"
Si Yna.

Elementary pa lang mapang-asar na.

Mahilig man-trip.

Kasama n'ya sa kalokohan si Kei.

Best friend n'ya.

Hanggang sa mag-fourth year high school, gano'n pa rin s'ya.

Nanti-trip, nang-aasar.

Hanggang sa lahat nang lumalapit kay Kei pinagti-trip-an at inaasar n'ya.

Mapa-babae man o lalaki.

Makasarili s'ya.

Ayaw n'yang may ibang nakikipag-usap o lumalapit kay Kei.

Gusto n'ya sa kanya lang ang atensyon nito.

Dahil do'n lumayo sa kanya si Kei.

Hindi n'ya 'yon inaasahan.

"Yna, hindi ko na kayang i-tolerate 'yang pang-aasar mo sa kanila. Sobra na eh. Nilalayuan nila 'ko. Magpaka-mature ka muna."
'Yan ang huling narinig n'ya mula rito.

Sinubukan n'yang mag-sorry dito pero lumalayo lang ito.

Nasaktan s'ya.

Mahal n'ya na kasi ito mula noon pa.

At kasalanan n'ya kung bakit ito lumayo.

Ang hindi n'ya alam, hindi ito lumayo dahil lang do'n.

Mahal na rin kasi s'ya ni Kei.

Kaya lang natatakot ito na sabihin sa kanya ang nararamdaman.

Dahil maaari 'tong ikasira ng pinagsamahan nila.

Kaya kahit nasasaktan din ito.

Lumayo ito sa kanya.

Araw-araw nagkakasalubong sila sa school at sa street nila.

Pero hindi kagaya ng dati na may ngitian, tawanan, biruan, asaran, at kwentuhan.

Ni-'ha', ni-'ho' wala.

Parang estranghero sila sa isa't-isa.

"Napakababaw naman yata no'n para ganituhin n'ya ko? Hindi n'ya ba alam na nasasaktan din ako?" turan n'ya minsan sa sarili.

Nakikita n'ya rin ito na may kasamang mga babae.

Pa-iba-iba, kung sino-sinong babae.

Minsan, gusto n'ya itong sugurin at sabunutan ang kasama nito dahil nagseselos s'ya.

Kaya lang, wala s'yang karapatan.

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan.

Walang pinagbago.

Hanggang sa dumating ang graduation.

Pagkatapos ng graduation.

Niyaya s'ya ng kaibigan na schoolmate n'ya rin para sa farewell party sa bahay nito.

Dahil farewell nga.

Pumunta s'ya.

Pero hindi n'ya inaasahan na pupunta din pala si Kei.

Hindi kasi to mahilig sa mga party.

Hindi n'ya na lang ito inintindi.

Nagsaya na lang s'ya.
Dahil party, may alak, may inuman.

Nalasing ang karamihan kaya do'n na sila natulog.

Ang iba umuwi at sunundo.

S'ya naiwan din dahil nalasing s'ya at nakatulog.

Nang magising s'ya, nasa isang guest room na s'ya.

At ang dami nilang natutulog.
Siksikan na parang isda sa de lata.

Meron sa sahig, sa couch, sa kama, may naka-upo, at ang iba dagan dagan.

Lumabas s'ya ng kwarto para hanapin 'yong kaibagan n'y para makapagpaalam s'ya na uuwi na.

Nung sa kusina na s'ya maghahanap, napahinto s'ya.

May narinig s'yang nag-uusap kaya huminto s'ya para makinig.

Baliw na ito.

Nalaman n'yang may balak ang isa na lasunin si Kei mamaya gamit ang kape.

Dahil inagaw daw ni Kei ang girlfriend nito.

Kung gano'n nanatili rin pala si Kei.

Nag-alala s'ya kaya hindi muna s'ya umalis.

Naghintay s'ya sa sala na magising ang lahat, lalo na si Kei.

Nang magising at pumunta ang lahat sa sala, kabilang si Kei.

Nag-serve ang mga kalalakihan ng kape.

Pampatanggal daw ng hang-over.

Kabilang do'n ang may gustong magtangka sa buhay ni Kei.

Lumapit s'ya nang konti kay Kei.

Hindi s'ya nagpahalata na alam n'ya ang balak nito kay Kei.

Nung akmang iniaabot na kay Kei 'yong tasa na kape, sinambot n'ya ito.

Nagkunwari s'yang iinumin ito.

Pero bago pa n'ya mainom iyon pasimple n'yang binitiwan ang tasa na para bang hindi n'ya sinadya.

Nagalit ang lalaki.

Bakit n'ya daw inagaw 'yong tasa ng kape, hindi naman daw sa kanya 'yon.

Maya-maya ay naglabas ang lalaki ng kutsilyo.

Nag-panic ang lahat.

Pagkatapos ay sinabi nito na kung hindi n'ya magagawang malason si Kei ay sasaksakin n'ya na lang ito.

Nanlilisik pa ang mga mata nito.

Nang sasaksakin na nito si Kei ay humarang s'ya kaya s'ya ang nasaksak.

Nasaksak s'ya ng dalawang beses.

Isa sa tiyan at isa sa puso.

Dinala s'ya sa ospital pero huli na ang lahat.

Patay na s'ya.

Binuwis n'ya ang buhay n'ya para sa lalaking lihim n'yang minamahal na lihim din s'yang minamahal.
Parehong nagmahal, nasaktan, umiyak, naduwag, nagdusa, nagsisi, nabigo, at ngayon namatay.

Ang isa namatay para sa minamahal.

Ang isa namatay ang puso dahil namatay ang minamahal.

Dahil sa simpleng pag-iwas ng isa...



Ang mga katagang "mahal kita" kailanma'y di na nila mariringgan sa isa't isa.

© 2013 The Bored Rose


My Review

Would you like to review this Story?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

143 Views
Added on April 7, 2013
Last Updated on April 12, 2013
Tags: love, short story, Iwas, tagalog, FuyukiTsukihoshi

Author

The Bored Rose
The Bored Rose

Bulacan, Philippines



About
I'm just an ordinary girl, having an ordinary life, living with an ordinary family, studying in an ordinary school, hanging out with an ordinary friends, dreaming an ordinary love life, and waiting fo.. more..

Writing