Iniirog (ikalawang bersyon)A Poem by Mark Atas
Unang nakita kita sa malayuan
Agad agad akong kinabahan Sa waring ako na namay may kababaliwan. At susuyuin ng walang patumanggan Nilapitan kita't akoy nagpakilala Sa isang dyosang sa aki'y biglang sinasamba! Pagka't kabaliktaran ng ma-aasahan Sa tulad mong ubod ng kapangitan Nguni't di ko pinansin na ika'y ganyan Basta't tapat na pag-ibig ang aking maa-asahan At di ko inantala ang iyong pagkululang Basta't puso mo'y busilak at may kagandahan Di ko alintana na balat moy uring naagnas Sa kurikong at buni na may nanang tumatagas Pati buhok mong naninikit sa dumi at maligasgas Sa amoy palang pati'y kuto'y tumatakas Mangha rin ako sa mga ngipin mong butas-butas Sa kapal ng pagka-dilaw pati langaw ay nadudulas Hininga mong masansang naa-amoy ng madalas Lahat nang masalubong natin hawi mo ang ating landas Ewan ko kung bakit ako nabighani sa kapangitan mong katangi-tangi Di alintana ang punang nakakbingi Kung bakit daw ako umibig sa isang masamang guni-guni! -LVC, M.A © 2016 Mark Atas |
StatsAuthorMark AtasManila, PhilippinesAboutWHO AM THE F*CK AM I?? Humor is my weapon, sarcasm is my shield. I snore when I sleep. I can't control my temper. I eat too much junks. I don't like to travel. I like war movies. I wear bro.. more..Writing
|