Parasites

Parasites

A Poem by Mark Atas

Putang Ina talaga!
Ang mga taong makakapal ang mukha
Wala ng ginawa kundi magsamantala Ang tibay nila! Hindi ko sila mapuksa!

Kasing tindi ng aso, kung sila'y makaamoy
Nakaka init ng dugo, gusto ko nang umapoy
Ayokong isipin, na trip ko nang pumatay
Mahal ang kabaong, magastos ang lamay

Sa panaginip ko, sila'y aking pahihirapan
Igagapos sa puno at aking sisilaban
Bubuhusan ng asido ang lapnos nilang katawan
At ipapakain sa buwaya ang natitirang laman

Sadyang napakasama ng aking pag-iisip
Pero sabi ko nga, iyon lamang ay panaginip
Talaga nga sigurong malupit ang mundo
Sa mga kagaya kong malalambot ang puso

Hindi namn ako yung tipong mabait
Marunong din naman ako maghasik ng galit
Tumira ng patalikod at bumanat ng malupit
Sa mga hayop na taong mahihilig mang gipit

Aking isasantabi ang poot na nararamdaman
Upang ipagdasal ang kanilang mga kasalanan
Tao lang ako at limitado ang Karapatan
Diyos na ang bahala sa kanilang kasamaan

© 2016 Mark Atas


Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

115 Views
Added on July 15, 2016
Last Updated on July 15, 2016
Tags: Parasites, mark, atas, vxv, philippines, poetry

Author

Mark Atas
Mark Atas

Manila, Philippines



About
WHO AM THE F*CK AM I?? Humor is my weapon, sarcasm is my shield. I snore when I sleep. I can't control my temper. I eat too much junks. I don't like to travel. I like war movies. I wear bro.. more..

Writing
Achoo! Achoo!

A Poem by Mark Atas