ParalumanA Poem by Eldridge Dulatas
Bugtong-hininga sa kada sulyap
Bighani mula sa sa’yong matang nangungusap. Alinlangan sa kada lumilipas na minuto Bunong-braso laban sa kamay ng orasan. Pagtangis ngunit labis ang kasiyahan Tinig mo ang nagpapatahan. Kasalanan ma’y patuloy pa rin sa pagkalunod Nahuhulog at walang kawala sa’yo, paraluman © 2022 Eldridge Dulatas |
Stats
26 Views
Added on November 28, 2022 Last Updated on November 28, 2022 AuthorEldridge DulatasManila, PhilippinesAboutNothing special really, just wanna write random stuff in rhymes. more..Writing
|