Magnum "Upos"A Poem by Eldridge DulatasPhilippine war on drugs in a nutshell
Isang alok na kinapitan nilang uhaw sa kapayapaan
Biglang dagok ang kapalit silang ng kapabayaan Tangan ang pulbura sa magkabilang kamay na bakal Tugon ay pagbura sa kanilang biktima ng bintang Sakdal sa binatang ninais maging kawal Sakal na inatang bunga ng mga maling paratang At umagos ang pawis kasabay ng dugo, Sa pagsalag ng balat sa mga rumagasang tingga Bawat paglatag sa katawang sumasagasa sa bala, Katumbas yaring ginto na tutugon sa gigil nilang laman Gantimpala siyang ganti sa paggahasa sa bayan Pagkumpas wari'y walang hinto sa pagkitil ng walang laban Lahok sa digmaang may maling katunggali Walang panalo sa hidwaang pareho ang sawi Pagkunsinti ay gasolina sa sumisiklab na apoy Pagkundena sa mali na ang magsisilbing taboy Pinakamabisang armas ay boses na walang tigil Tinig na magliligtas sa bayang sinisiil.
© 2019 Eldridge DulatasAuthor's Note
|
Stats
37 Views
Added on May 24, 2019 Last Updated on May 24, 2019 Tags: philippines, war on drugs, tagalog filipino AuthorEldridge DulatasManila, PhilippinesAboutNothing special really, just wanna write random stuff in rhymes. more..Writing
|