Hellection

Hellection

A Poem by Eldridge Dulatas
"

my frustration about the aftermath of Philippine midterm election

"
Halal sa mga halang ang syang ginanti,
Niyang pobreng mamamayang nilinlang nilang mayayaman.
Sa lansangang nilamon ng mga malalansang ganid,
Resulta'y madilim na kapalaran sa malilim na ngang kasalukuyan.
Hasa sa larangan ng masistemang paggahasa sa lipunan,
Na minana nilang mga anak mula sa kanuno-nunuan pa ng angkan.
Pagsamantala gamit salaping pansamantalang tutugon sa kalam ng sikmura,
Katumbas ng pagtanggap ay pagpanggap na malinis ang naganap na laban,
Laban na kung saa'y nakataya ang kinabukasan ng bayan,
Bayang lugmok bunga ng kapalpakan nilang makakapal na mukha

Bawat alok na kinang kinain ng pansariling adhika
Nilang mga halal na lingkod sa bayang waring pinipilas.
Ating hangad na alaga'y pinaubaya nila't pinalipas,
Baril na patuloy itinututok nilang pilipino sa Pilipinas.

© 2019 Eldridge Dulatas


Author's Note

Eldridge Dulatas
by any chance of a filipino reader, this is for you, hope you exercise your right (to some extent, obligation) to vote, in good faith/ clear conscience ofc.
technical side, i used some anagrams, some consonance, alliterations,some assonance if you may. Not a strict rhyming pattern, if someone (Filipino) by any chance stumble across this, it would be very nice if you critique it, ; consistency of thought, comparison to other style of writing, improvements, grammar/syntax (words "ng") thanks

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

38 Views
Added on May 24, 2019
Last Updated on May 24, 2019
Tags: Tagalog, Filipino, Election

Author

Eldridge Dulatas
Eldridge Dulatas

Manila, Philippines



About
Nothing special really, just wanna write random stuff in rhymes. more..

Writing