Para Sa Aking Kapatid

Para Sa Aking Kapatid

A Poem by Eiram
"

Tula na first time may kinalaman sa personal kong buhay.

"
Para Sa Aking Kapatid

I.
Ikaw at ako pareho ng pinagmulan
Iisa ang ating mga magulang
Magkalayo man ang ating mga tirahan
At kahit iba ang iyong kinalakhan
Hindi ka nakakalimot sa iyong pinanggalingan

II.
Ikaw at ako malaki ang pagkakaiba
Sa ugali, relihiyon, at maging sa pananamit o pagporma
Ikaw ay kilos dalagang Pilipina
Ako naman kung minsan ay parang babaeng amazona
Pero kahit ganoon mas madalas na magkasundo
Kahit kung minsan ay nagkakaroon din ng kaunting pagtatalo

III.
Ikaw ay malambing ngunit mababaw ang luha
Ako naman ay medyo barako at bihirang lumuha
Ikaw ay matipid ngumiti o magsalita
Ako naman ay si halakhak at kapag dumaldal walang ubos at walang sawa

IV.
Kahit sa mga hilig hindi nagkakalayo
Mahilig magsulat ng kahit ano
Mahilig sa musika at kumanta
Pero kapag ibabahagi na sa iba
Parehong nahihiya

V.
Magkaiba man ng gusto sa mga paboritong anime, movie at tv drama
Pero kung minsan parehong sangayon kung palabas ay maganda
At sa ilang hilig gawin ay mayroon din pagkakaiba
Ikaw ay mahilig magbasa
Ako naman mas mahilig ang manuod at pangalawa ang pagbabasa

VI.
Sabi ng ating ina, pareho naman magkalayo
Pero kung minsan mga ugali ay nagkakapareho
Siguro dahil nga tayo ay magkadugo
Magkadugtong ating mga isip at puso
Kahit tayo ay magkalayo

VII.
Hindi man sabay na lumaki
Ngunit maganda nating samahan ay hindi maitatanggi
Mapaumaga hanggang halos magdamagan
Tayo ay laging magkatsikahan
Kung kaya naman
Tayo ay parehong napapagalitan

VIII.
Marami pa sanang nais sabihin
Pero kailangan ng tapusin
Alam naman natin
Ang tunay natin mga damdamin
Kahit na ito ay hindi bigkasin
Mga puso natin
Ang nagdurugtong sa atin

© 2018 Eiram


Author's Note

Eiram
Mahiyain pagdating sa personal na damdamin.
Na-share ko na ito sa ibang writing and sharing sites.

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

touching write,our feelings seems to be our worst enemies at times

Posted 6 Years Ago


wow ok na ok at sana mabasa ito ng kapatid mo po at humahanga ako sa pagbabahagi mo ng iyong buhay maraming salamat kaibigan

Posted 6 Years Ago


Eiram

6 Years Ago

😆Okey lang po iyon, pareho ko rin naman po iyon mahiyain pagdating sa inner feelings.
sette

6 Years Ago

mas maganda pa rin mabasa niya im sure magiging lalo pa siyang proud sa iyo
Eiram

6 Years Ago

😁😆, ahh oo nga po

Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

241 Views
2 Reviews
Rating
Added on June 9, 2018
Last Updated on July 22, 2018
Tags: Family, Sibling Love, Differences

Author

Eiram
Eiram

Philippines



About
Female Tagalog ang kadalasan isinusulat. Hobbies: Writing Drawing Collecting Singing more..

Writing
My Best Friend My Best Friend

A Poem by Eiram


Goodbye Kiss Goodbye Kiss

A Poem by Eiram