Hindi Ko Akalain

Hindi Ko Akalain

A Poem by Eiram
"

Lyric. Wala pang melody o tono. Tagalog.

"
Hindi Ko Akalain

I.
Natatandaan mo pa ba?

Nagsimula tayo sa asaran o tuksuhan
Hanggang sa maging matalik tayong magkaibigan

Natatandaan mo pa ba?

Pareho tayong nakikipaglaro ng tagu-taguan
Noong tayo ay mga bata pa

Refrain:1
At noong hindi kita mahanap
Natakot ako at naiyak
Akala ko noon mawawala ka

Chorus 1:
Hindi ko inakala
Hihigit sa isang kaibigan
Ang aking madarama
Para sa iyo, ohh.....

II.
Hindi ko akalain

Noon una hindi kita gusto
Ang barako mo kasi
Para kang hindi babae

Hindi ko akalain

Mahuhulog pala ako sa iyo
Hindi ko maalala
Ano bang pinakain mo?

Refrain:2
Noon hindi ko talaga alam
Kung paano at kailan?
Ang alam ko lang ay.....

Chorus 2:
Mahal na pala kita
Hindi ko alam bakit nga ba?
Ako kaya ay mahal mo din?
Sana naman at sana ay mapansin

III.
Alam mo ba?

Tayo pa rin, Oo
Pero hindi naging tayo
Dahil hindi magiging tayo

Alam mo ba?

Mahal na mahal kita
Kahit hanggang magkaibigan lang
Tayong dalawa

Reapet Chorus 1 and 2

© 2018 Eiram


Author's Note

Eiram
First posted Lyric.
Na-share ko na rin ito sa ibang writing and sharing sites.

My Review

Would you like to review this Poem?
Login | Register




Reviews

Lagyan mo ng tono para higit na maging maganda meaningful ang mga lyrics

Posted 6 Years Ago


Eiram

6 Years Ago

Iyon lang po ang hindi pa ako bihasa.Pero kapag nahanap ko na ang tamang tono baka po sakali
sette

6 Years Ago

good luck po
Eiram

6 Years Ago

Salamat po😁
Thank you for the review.
You think so?May I ask if you understand tagalog?I am not good in english but I had few poems written in english.

Posted 6 Years Ago


Kagiliw-giliw na lyrics - magiging mabait na marinig kung paano ito nagiging isang musical score! :-)

Posted 6 Years Ago



Share This
Email
Facebook
Twitter
Request Read Request
Add to Library My Library
Subscribe Subscribe


Stats

219 Views
3 Reviews
Rating
Added on June 9, 2018
Last Updated on July 22, 2018
Tags: Friendship, Boy, Girl, Falling In Love

Author

Eiram
Eiram

Philippines



About
Female Tagalog ang kadalasan isinusulat. Hobbies: Writing Drawing Collecting Singing more..

Writing
My Best Friend My Best Friend

A Poem by Eiram


Goodbye Kiss Goodbye Kiss

A Poem by Eiram