ANG AKING INAA Poem by EiramLumang tula na aking ginawa noon estudyante pa ako.
I.
Noon isa pa lang akong musmos na bata. Busog sa pagmamahal at pagkalinga ng aking pamilya. Habang lumilipas ang panahon marami na rin mga pagbabago. Hindi lang Pisikal,Espiritual at Sosyal na mga pagbabago. Maging pang Emosyonal na mga damdamin ay nagbabago. II. Simula ng maagang mamulat. Sa isang pag-ibig na hindi pa nararapat. Pinayuhan ng Ina. Ang payo niya. III. "Natural sa isang katulad mo na sa kapwa ay humahanga." "Ngunit sana ay hanggang doon lang muna ang iyong paghanga". "Sapagkat hindi pa ito ang tamang panahon dahil ikaw ay napakabata pa." IV. Sa halip na makinig sa payo ni Ina. Sapagkat labis na pag-aalala. Ang tanging nadarama. Sa halip galit at pagdaramdam. Ang sa kanya ay ipinaramdam. V. Sa aking murang kaisipan. Ako ay hindi niya mahal sapagkat nararamdaman ko ay hindi niya maunawaan. VI. Ngunit iyon pagsuway ko pala. Ang magiging dahilan ng aking pagdurusa. Umiiyak ako sapagkat nagsisisi. Sa mga desisyon kong mali. VII. Aking napagtanto na tama ang aking Ina. Mga payo niya sa akin ay hindi nakakasama. Ang nais lang niya bilang isang Ina. Ang maipadama ang kanyang pagmamahal at pagaaruga. VIII. Lahat ay kinakaya niyang gawin. Kahit nahihirapan man lahat ay kayang tiisin. Hindi nagsasawang ako ay mahalin. Kahit nagkakamali man bukas palad pa rin. Ako ay handang tanggapin. © 2018 EiramAuthor's Note
|
Stats
268 Views
1 Review Added on April 19, 2018 Last Updated on July 22, 2018 Tags: Advice, Mother's Love, Daughter, Regrets AuthorEiramPhilippinesAboutFemale Tagalog ang kadalasan isinusulat. Hobbies: Writing Drawing Collecting Singing more..Writing
|