Eh KAsi MaharlikaA Story by CrazyMeInLoveEH KASI AKO… MAHARLIKA. [OS] By: Miss Crazy
---
“Uy Ghail! Anong Meron? Sinong May Birthday?” " nagtatakang tanong ko sa classmate slash bestfriend kong si Ghail. Eh paano ba naman kase… May Party Party dito sa may classroom. As In Literal po na PARTY. May mga foods, naka- decorate yung room, tapos may Videoke effect pa. Wala naman akong maisip na ibang dahilan kung ba’t ganyan dito ngayon.
“Hay nako, Zerina… Pag may Party ba, Birthday na yun Agad- agad?” mataray na tanong sa akin ni Ghail. “Hindi ba pwedeng nagpaparty lang ako?”
“Ha? Ba’t ka naman nagpapar--- Araaaaaaayyy!” hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Binatukan kasi ako ni Ghail. “Ba’t ka ba nananakit? Ireklamo kita sa Bantay Bata eh.” Reklamo ko sa kanya, with matching pout pa ng lips para cute. XD
“Eh, ba’t ka kasi naniwalang ako ang nagpa- party?” natatawang sabi nito.
“Bakit? Hindi ba ikaw?” naguguluhang tanong ko sa kanya.
“Hinde. Ang yaman ko naman ata para mag- paparty no?” sarkastikong sabi nito.
“Eh kung ganon, bakit nga may party?” tanong ko uli sa kanya.
“Advance Celebration para daw sa Graduation diba? Hay nako. Yan ang napapala ng Physically Present, Pero Mentally Absent sa Klase. Hindi aware sa mga pangyayari.” Sagot nito na may halong sermon. Tsk. Tinanong lang kung ba’t may party eh ang dami pang sinabi. -___-
Speaking of Graduation… Oo nga pala, ilang araw na lang gra- graduate na kami. Hayy… Nakakalungkot naman. I don’t know, but I should be happy Right? Pero, nakakainis! Iba nararamdaman ko eh… Parang ang hirap naman kasi I- let go nung mga bagay na nakapagpapasaya sayo. Hayy, ang dami ko talagang mami- miss ngayong HS.
“uy, Babae! Ba’t nakabusangot ka jan?” puna ni Ghail sa akin. Nahalata nuya ata yung pag- iiba ng mood ko.
“Wala.” Maikling sagot ko sa kanya.
“Sus. Parang di mo naman ako Bestfriend… Sabihin mo na ah.” Pangungulit nito.
“Eh kasi naman…”
“Ano?”
“Hm. Ano kasi… Narealize ko lang na parang kalian lang nung excited ako for our graduation. Tapos ngayon… Eto ako, parang gustong hilahin pabalik yung mga araw.”
“Huh? Drama neto. Bakit ba?” tanong uli niya. Sabin a eh, may violent reaction to. Ayaw kasi niya ng madrama.
“Ang dami ko kasing mamimiss ngayong High School eh.” Yun na lang ang nasabi ko. Then, hindi ko alam pero may unknown force na nagtulak sa akin na tumingin sa direksyon ng mga nagvvideoke.
Isa lang ang umagaw sa atensiyon ko. Si JAKE.
“Oy, Lee! Akin na yung Mic. Alipin na. oh!” makulit na sabi nito sa classmate naming kasalukuyang may hawk nung microphone. Siya na ata kasi yung next na kakanta.
“Excited?! Wala pa nga yung score ko eh. Wait lang naman, pre.” Sabi naman ni Lee at mejo inilayo ang Mick ay Jake.
“Wag na kasi! Alam naman naming 100 na naman yan eh. Ikaw na ho ang magaling.” Pangungulit parin ni Jake. Sabay agaw kay Lee nung Mic. Sakto namang nagflash na sa screen yung score. Katulad nga nung sinabi ni Jake, perfect nga yung score ni Lee. “Oh, kitams! Sabi ko na sayo eh.
Pigil ang tawa ko habang pinapanood ang eksena nila. Kahit kalian talaga puro kalokohan si Jake. Ang Cute lang eh. To think na magcocollege na talaga kami. Para parin siyang bata kung umakto. Haha. Pero, infairness naman. Kahit anong gawin ko, di parin magbabago yung fact na isa siya sa pinaka mamimiss ko. © 2013 CrazyMeInLove |
Stats
192 Views
Added on November 19, 2013 Last Updated on November 19, 2013 AuthorCrazyMeInLoveTuguegarao City, 2, PhilippinesAboutI'm a teenager... I am a senior high school student. I just love literature... I love reading. Writing is my Passion... I am a proud Filipino. Mabuhay! I wanna greet everyone here... Hi people! .. more..Writing
|