Secret Affair with His Ex-girlfriendA Story by ApollomooreKapag may asawa ka na. Huwag ka ng magpatukso pa sa iba.A Secret affair 2... Sandy and Jared... Looking at my husband now was the biggest accomplishment i made in my life. I am now the happiest woman in the world. I'm two months pregnant now at isa rin ito sa nagpadagdag ng kasiyahan ko pati na rin sa aking asawa. Ang tagal na naming mag-asawa, we're married for almost 3 years at ngayon lang ako nalamnan. Bente siyete na ako at bente nueve naman si Mister. Kailangan nang magbuntis kasi hindi na daw kami bumabata sabi ng mga magulang namin. They already want a granchild, kaya nga nagpursige kaming makabuo. Hinuli niya ang aking kamay, hinahaplos ko kasi ang maamo niyang mukha. "Pinagnanasaan mo na naman ako, Ano Mahal?" Tanong nito sa akin na gamit ang napaka-lambing na tono. "Ang gwapo mo kasi, hindi ako magsasawang titigan ka." Sabi ko sa kanya na hindi mapalis ang ngiti sa aking mga labi. "Talaga lang ah? Noong nakaraan sabi mo ang pangit ko. Sabi mo pa na hindi ako gwapo, kundi ma appeal lang ako." Sinabayan pa nito ng malakas na pagtawa. Napasimangot ako. "Sinabi ko lang iyon kasi naman lahat ng babae sa may department store sa may baby section ay ikaw na lang ang kinausap. Hindi ba ako ang nagtatanong? Bakit sayo sumasagot? Ang babastos nila kala mo ang gaganda, e ang kakapal lang naman ng kolorete nila sa mukha." "Selos ka na naman Mahal..." sabi nito at ngumisi pa sa akin. "Syempre, sino ba ang hindi magseselos? Ang gwapo at macho pa ng asawa ko. Tapos paglalawayan lang siya ng mga harot na babae." Kunwari naiinis ako. "Sa susunod na bilhan natin ng gamit si baby sa palengke na lang tayo bumili." Dagdag ko pang sabi. "Bakit naman dun Mahal? Grabe ka naman mag selos. Wag naman dun baka isipin ng parents mo namumulubi na ako. And bahala ka kapag dun tayo namili pagkakaguluhan lang ako ng mga tao doon kasi baka mapagkamalan nila akong artista." Sabi na naman nito at malakas na tumawa na lalong nagpasimangot sa akin. "Hmp! Ewan ko sayo. Nagugutom si baby gusto daw niya ng asado siopao." Parinig ko sa kanya. "Bakit nagsasalita na ba si baby?" Biro nito. "Aba't pilosopo ka! Isa! Bibilhan mo ba ako o hindi? Cge na naman mahal oh..." napa pout pa ako ng lips. "Seryoso Mahal? It's already 2 am?!" Tumingin siya sa akin na hindi makapaniwalang uutusan ko na naman siya. Tumango naman ako. "Meron naman sa may 7 eleven dito. Bilis mo na!" Tinulak ko pa siya para ganahan siyang umalis ng higaan. Tumayo ito at nag unat-unat pa ng katawan. "Si Tatay Karyo na lang Mahal?" Tukoy nito sa matandang driver namin. "Ayaw! Ikaw na ah, iistorbohin mo pa iyong matanda." "May trabaho pa ako mamaya." Palatak nito. "Sige huwag na lang." Tumalikod ako ng higa at nagkunwaring nagtatampo. Nang mapansin nito na hindi na ako kumikibo ay lumapit ito sa akin at niyugyog ang balikat ko. "Mahal, bibili na ako. Huwag ka ng mag senti dyan." Malambing na sabi nito. I smiled at him and sat up on the bed and kissed him fully on his lips. We kissed for a minute, later on his hands travelling on every part of my body. Tangka niya ng tatanggalin ang suot kong pantulog, buti na lang at napigilan ko ang malanding hormones ko. "Before anything else, siopao muna Mahal?" Sabi ko at napangisi ito na kakamot kamot pa ng ulo niya. "Hashtag bitin."bulong pa nito sa akin na labis kong ikinatawa. "Tara na nga samahan na kita, gutom ma si baby. Ang kulit mo kasi." Maktol ko. "Ikaw kaya nauna, bigla ka na lang kasing nanghahalik dyan. Bitin tuloy." Reklamo pa niya. Napapailing-iling na lang ako sa tinuran nito. ---- SONIC BAR Umikot ang paningin ko sa loob bar. Too loud music filled the entire place. Ang amoy ng alak at sigarilyo sa loob ay naghahalo na. Isama pa dyan ang mga couples na kulang na lang ay dito na mag milagro. What do you expect? Kahit saan naman yatang bar ay ganitong eksena ang makikita mo. Pinayagan ako ni Sandy na makipagkita ngayon sa mga kaibigan ko. Tulad ko ay mga Lisence Engineer na ang mga ito. Hindi ko sinabi na dito sa bar ang meeting place naming magba-barkada. Knowing her, sigurado ako hindi papayag iyon kapag nalaman niyang dito kami. Tiyak na mag aalburuto na naman iyon. Simula kasi nang ikasal kami ni Sandy ay wala na akong matatawag na night life. Kaya nang magyayaan ang barkada ay nagpaalam kaagad ako sa asawa ko. Pumuwesto kami dito sa may sulok, lumayo kami ng kaunti sa may sounds. Ang hirap kasing mag-usap usap kung hirap din magkarinigan. Malaki ang mesa namin at animan ang upuan. Pero apat lang kaming magba-barkada. Nagsimula na kaming magkwentuhan nang kung anu-ano habang pamayat maya ay umiinom inom na. "How's your f*****g life guys?" Nico asked one of the playboy's when we are on collage days. Pareho-pareho na kaming may mga asawa ngayon. "Me i always changes my daughter's diaper. Wala akong magawa kundi sundin ang utos ng aking mahal na reyna." Ren said and chuckled. "Ganyan naman talaga ang buhay natin ngayon diba? Takusa at tigasin. Takot sa asawa at taga- saing, taga laba, taga luto, taga bantay ng bata. Abay bumaligtad na yata ang mundo." Natatawang sabi ni Alex. "Buntis si Sandy ngayon at sobrang selosa at napaka matampuhin niya. Minsan guy's hindi ko na alam kung maiinis ako o maawa sa kanya. Tapos kapag madaling-araw dun nanghihingi ng pagkain." Sabi ko sa kanila. Napapa iling iling na lang ako sa tuwing naiisip si Sandy. Sabay tungga sa bote ng beer na hawak ko. "You can't blame your wife Jared, that is so normal to pregnant woman. Hormonal imbalance iyon kaya ganyan ang mga babae. Minsan masaya sila minsan naman malungkot." Nico said and drink his beer. "Woman are so unpredictable. Kaya hanggat maaari iwasan mong mainis at huwag kang gagawa ng ikakagalit ng asawa mo. Naku baka kapag lumabas ang anak niyo, mukhang ipinaglihi sa sama ng loob." Nagkatawanan naman kaming lahat sa ratsada ni Ren. "Mas malala pa nga ang mga babae kapag nakapanganak na, kaya pareng Jared ihanda muna ang sarili mo kapag nakapanganak na si Sandy. Mag google ka na lang muna at ayaw ko nang magsalita." Alex said and tapped my shoulder. Gumagabi na at napapa-sarap na ang kwentuhan namin. Hanggang nag madaling araw na ay doon na namin napagpasyahang umuwi. Malakas naman ang tolerance namin sa alcohol kaya magko-convoy na lang kami. Tutal naman may kanya-kanyang dala naman kami ng kotse. Nagpaalam na kami sa isat-isa. Pinauna ko na sila sa labas para makauwi na sila kaagad baka nag aalala na ang mga asawa namin. Magba-banyo sana ako kaso biglang umurong ang pakiramdam kong umihi. I spotted a familiar built, iyong babae na nakikipag-away sa isang lalaki. Lumapit ako nang akmain ng lalaki na sasampalin na ang babae. Mabilis kong natulak ang lalaki at lumagpak ang pang upo nito sa sahig. "Sino ka ba?! Huwag kang mangengelam dito! Syota ko yan!" Tukoy nito sa babaeng hindi ko parin tinitignan. Tumayo ang lalaki. "Syota mo man o hindi wala kang karapatang manakit nang kahit na sino pang babae!" Bulyaw ko sa lalaki. "Ang angas mo rin ano?!" Sabi ng lalaki. Susugod na ito nang suntok ng pinigilan ito ng mga bouncer ng bar. "Mga Sir bawal po ang mag-away dito sa loob nakaka-distorbo po kayo ng ibang customer." Sabi ng bouncer at pumagitan pa ito sa aming dalawa. Hindi ko man maaninag ang mukha ng babae ay hinila ko na ito palabas. Narinig ko pang nagmura ang lalaking syota ng babaeng kasama ko ngayon. Nang makalabas kami ng bar ay binitawan ko na ang babae. "Sa susu----" Nagitla ako sa kaharap ko naputol ang sanay sasabihin ko. "Jared." "Ikaw?" Hindi ako makapaniwalang si Mia ang kaharap ko ngayon. "Jared, salamat." Sabi nito at simpleng ngumiti ito sa akin. Tumango lang ako. "Sa susunod mag-iingat ka. We-we wait boyfriend mo ba talaga iyon?" I curiously asked. "Ex ko na lang siya kani kanina lang." Nahihiyang turan nito. "Do you have a ride?" I asked her. "Why? Can i ride with you?" She smiled malisciously at me. Hindi ko alam kung may mali sa pandinig ko at nakaramdam ako ng init. Tumingin ako sa labi nitong natural ang pagkapula. Lumapit ako sa kanya at walang pakundangan ko siyang hinalikan sa mga labi niya. I didn't care if someone might caught us. The fire between us is still burning. Gumaganti siya sa bawat paghagod ko sa kanyang labi. Sobrang mapusok at mapagpaubaya. Nawawala na ako sa katinuan ko. Marahil ay sabik pa rin ako sa presensiya nito ngayon. She's my first love and i can't stop myself from loving her. Kahit yata sa tinagal tagal ng mga panahong lumipas ay naririto parin siya sa puso ko. Ayaw na sana namin magka-hiwalay pa ang aming mga labi, kaso tumunog ang phone ko. Tumatawag si Sandy. Humiwalay ako kay Mia at sinenyasang huwag maingay. "Yes Mahal, pauwi na ako. Okey i'll takecare." Binaba ko na ang phone ko. Umiiyak si Sandy sa kabilang linya. Nagugutom daw ang baby namin gusto daw nito ng burger at fries. Inutusan niya akong mag drive-thru. Napapangiti ako. "I guess you're already a happy married man." Mia said and smiled at me sweetly. "I think so, so you go or wanna join a ride with me?" I offered her a ride. "Nah, i have my car." She refused. "Okey, can i have your mobile number?" "W-why? Baka magalit ang asawa mo nyan?" "Magagalit siya kung malalaman niya,?" Makahulugan kong sabi. "I didn't changed my number." She said and left me. Hindi ko maiwasang mapangiti. That kissed we did earlier is unexpected. Walang pagsisisi, pakiramdam ko bumabalik iyong dati kong pagkagusto sa ex-gf kong si Mia. I know its wrong. But i just shrugged it off. Lumiko ako at nag drive-thru, para kay baby kaya ko ginagawa ito. I scroll the numbers on my mobile while waiting for my orders. I saw Mia's number and it is already saved on my phonebook. I texted her if she's already at home. Mabilis naman itong nakareply. Naroon na daw siya at ready to sleep na siya. She said goodnight tapos ay pinatay ko na ang phone ko. ---- Ang bilis ng panahon, malaki na ang tiyan ko. Im five months pregnant now at pansin ko ang paglaki ng built ko. Ang matangos kong ilong ay lumaki na hindi na siya pointed. Ang mga braso't mga hita ko ang lalaki rin. Iyong mga mata ko mas malaki pa ang mga eyebags nito. Kinakain na ng insekyuridad ang sarili ko sa nakikita kong hitsura ko sa salamin ngayon. Naiiyak ako, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. "O, bakit na naman?" Sabi ni Jared at lumapit sa akin sa likuran ko, nakayap ang mga kamay nito sa aking malaking baywang na wala ng shape dala ng aking pagbubuntis. Magkatapat ang tingin namin sa full size mirror ng kwarto. "Ang panget ko Mahal, babalik pa ba ako sa dati?" Tanong ko sa kanya na anytime ay ngangawa na ako. "Babalik sa dating maganda ba? Bakit maganda ka ba dati?" Pang-aasar pa nito. "Bakit hindi ba ako maganda dati? Kahit ngayon, hindi na ba?" Balik tanong ko sa kanya na puno ng pagdaramdam. "Parang hindi ko naman nakita na maganda ka dati?" Pang-aasar pa lalo nito na ikinaiyak ko na. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Literal na lumuluha ako. Iniwan ko siya sa kwarto at dumiretso sa kusina, pabalibag kong binuksan ang ref at kinuha ang isang galon ng chocolate ice cream. Kumuha rin ako ng kutsara at nagsimula nang lantakan ang ice cream wala akong pakialam kung maghalo ang alat ng luha ko sa kinakain ko. Pati yata sipon ko natulo na. Hindi ko matanggap na hindi naman pala siya nagagandahan sa akin dati. Nakakairita siya! Kala mo naman sobrang gwapo niya! Dumating si TatayKaryo at umiling-iling ito. Wala ako sa mood kaya pati ang matanda nadamay ko. "Pati ba naman ikaw Tatay Karyo napapangitan sa akin?" "Ikaw ang nagsabi niyan Sandy a, hindi ako." Natatawang turan nito. "Tatay Karyo, masyado pong matampuhin ang pinaka-magandang babaeng nakatira dito sa bahay natin. Ano po?" Tumango naman si Mang Karyo at umalis na naman. "Kung mang-aasar ka lubusin muna." "Kaya ka tumataba, kita mo naubos mo yan?" Turo nito sa galon ng ice cream. "Anong gusto mo maging butot balat kami ng magiging anak natin?" "Huwag na tayong magtalo Mahal, isipin mo si baby baka mapaano kayo. Huwag kang laging sisimangot dyan." Panghahalo nito, tapos lumapit siya at tumabi sa akin. "Sorry Mahal, hindi ko lang kasi maintindihan ang sarili ko. Kaya pagpasensiyahan mo sana ako sa mga kasungitan ko at ka abnormalan ko. Pero maganda naman ako diba?" "You are so beautiful Mahal, kahit ano pang size mo ngayon." May pagsuyong sabi ni Jared. "I love you Mahal." "I love you too Mahal." ----- "Mahal, sana naman nagsabi ka naman na may seminar ka pala sa Cebu? At bukas na pala ang alis mo? Sino kasama mo doon?" I asked. Medyo nagtatampo ako kasi hindi niya ko kaagad nasabihan. "Im sorry, Mahal. Biglaan lang kasi, papalitan ko lang muna si Engr. Peralta. Hindi kasi siya makaka attend bukas dahil anytime ay manganganak na din ang asawa niya." Paliwanag nito. "Oh I see. So ilang araw ka dun?" Tanong ko pa. "I think one to two weeks? Im not sure." "Ang tagal naman pala, pano kung gutumin na naman si baby..., sino uutusan ko?" Nakasimangot kong sabi sa kanya. "Pitong buwan na ang tiyan mo, naglilihi ka parin ba? Nariyan si Tatay Karyo, hindi ka naman niya pababayaan mag-isa dito." Nakakunot noo nitong sabi sa akin. "Alam ko naman iyon Mahal, matagal na sa atin si Tatay. Pero siyempre naman iba pa rin iyong ikaw mismo ang uutusan ko." Biro ko sa kanya pero hindi siya ngumiti man lang. Napaka-seryoso nito sa ginagawang paglalagay ng gamit sa maliit na maletang dadalhin nito bukas. Kinabukasan ay maagang umalis si Jared. Nang nakadating na ito sa Cebu ay agad niya akong tinawagan pero mabilis din naman niyang tinapos ang tawag. Sa dalawang linggong paglalagi sa bahay ay naging kainip-inip. Wala akong mapuntahan dahil lagi akong tinatamad. Mas gusto ko pang matulog nang matulog buong mag hapon. Nami-miss ko na si Jared. Naalimpungatan ako nang may marinig akong parang bumubulong sa tabi ko. Hindi muna ako nagmulat ng mata, i already knew whose beside me. It's Jared. Naamoy ko kasi ang pabango nito. Nakauwi na pala siya hindi ko man lang naramdaman. Nakiramdam ako at nagkunwaring tulog pa. Pabulong lang ito kung magsalita at parang may kausap sa cellphone. "Okey see you tomorrow morning, will have a coffee then." Parang may kumurot sa puso ko. Is he cheating on me? Bakas kasi ang lambing sa pananalita nito. Baka naman alibi lang nito ang two weeks seminar na sinasabi nito para makasama niya ang babae niya? Bakit naman nag assume kaagad ako? Magko-coffee nga diba? Pinilit ko na lang magtulug-tulugan. Naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kamay nito sa likuran ko. ----- Nadagdagan pa ang aking pagdududa kay Jared dahil sa sunud-sunod nitong pag aatend nito ng seminar sa ibat-ibang lugar dito sa bansa. Kapag umuuwi naman ito ay laging may kausap sa phone. Minsan ay nahuhuli ko pang pangiti-ngiti. Parang hangin lang ako na hindi na napapansin. Kapag naglalambing naman akong ibili niya ako ng pagkain ay hindi na nito ginagawa. Malaki na ang ipinagbago nito na labis kong ipinagtataka. Takot man sa sarili kong aminin, na baka nga may kinalolokohan na ng iba si Jared. Isang araw pinakialaman ko ang phone niya habang mahimbing ang pagkakatulog nito. Hindi rin kasi ako makatulog dahil naglilikot na si baby sa loob ng tiyan ko. Nakailang attemt na ako sa password na nilagay nito at birthday lang pala nito ang mag-a-unlocked. Papassword-password pa kasing nalalaman napag-hahalataan tuloy na may itinatago. Nagulat ako nang biglang magising si Jared. Konti na lang makikita ko na sana ang mga messages niya. "Bakit nasa iyo yang phone ko?!" Mariin nitong sabi at marahas niyang hinablot ang phone nito sa akin. "Wala tinitignan ko lang kasi bakit parang hindi na ako iyong naka wallpaper dyan." Pag a-alibi ko. Parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko kaya na nahimik na lang ako. "Don't you ever dare touch my phone. Kahit mag-asawa na tayo ay kailangan pa rin natin ng privacy. I hope you understand it Sandy." Galit nitong sabi. Humiga na lang ako at hindi siya pinapansin. Lalo lang nadagdagan ang iniisip ko. Dati naman nahahawakan at napakikialamanan ko naman ang phone nito. Bakit ngayon hindi na pwede? Unless may tinatago talaga siya. "Life must go on, even if the worst thing could happen to you..." "Kailan mo balak sabihin sa asawa mo na makikipag-hiwalay kana?" Mia asked and snaked her arms on my neck. "Im so tired, can we talk again some other day. I have to go home." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakukulitan na kasi ako pagdating sa usapin na ito. "It looks like wala ka naman talagang balak right?" "Just wait okey, hindi naman kasi pwedeng agaran iyang gusto mo. Will wait until Sandy give birth. And then will be back together again." I smiled at her and kissed her fully on her mouth. ----- Walong buwan na ang tiyan ko at malapit na ang aking kabuwanan. Malapit ko nang maisilang ang aming baby. Hindi pa ako nakapag'pa-ultrasound, gusto ko kasing masurprise kami sa magiging gender ni baby. Pero check-up ko ngayon kaso wala akong kasama dahil lagi na lang may meeting si Jared. Iyong mga nakaraang buwan hindi na kami masyadong nagkikibuan. Para kaming estranghero sa loob ng aming pamamahay. Okey lang siya sa akin kapag may ibang tao, kapag wala na hindi na niya ako papansinin pa. Gusto ko na siyang sitahin pero wala pa naman akong ebidensiya na nambabae nga siya. Nagpahatid na lang ako kay Tatay Karyo sa ob-gyne clinic. Babalikan na lang daw niya ako kapag natapos siyang mag grocery. Nang matapos ako sa check-up, nagpasya muna akong kumain. Sabi ni Doktora healthy daw ang baby namin. Mga second week nextmonth ang binigay niyang due sa akin. Basta kapag masakit na masakit na ang daw ang tiyan ko dapat daw maisugod na ako sa hospital. While looking for a table to sit in, i realized that Jared is here. Nasa dulo ang mesang inookupa nito. Kakawayan ko sana siya, kaso may sumulpot na babae doon sa harap niya. They kiss torridly. Oh my God! What is happening?! Niloloko niya ako. Alright lets surprise them! Lumapit ako sa kinaroroonan nila, pinipigilan kong umiyak kahit masakit na masakit na. "Hello Jared!" Bati ko sa asawa ko. Nagulat ito sa pagsulpot ko. "Im sorry naistorbo ko yata kayo?" I added and looked at the girl infront of me. I raised my brow. "So, the ex is back?" I said. "Its not what you think Sandy..." Jared trying to explain but i already shut him off. "Gasgas na yan! Its not what i think? Eh naghalikan palang kayo kani-kanina lang..." Pagkasabi ko niyon ay nanginginig ang kalamnan ko at para bang humihigpit ang tiyan ko. Hinihimas himas ko ang aking tiyan para kumalma ang nasa loob ko. Hindi pa pwedeng lumabas ang bata. "Sandy umuwi na muna tayo, sa bahay na tayo mag usap...." Pakiusap nito dahil nahihiya siguro sa mga tao dito sa restaurant. "No!" Sigaw ko sa kanya. Dumagundong ang boses ko sa kabuuhan ng resto. "Please," Jared said but i just ignored him. "So the ex slash kumakabit ay nandito pala. Ang kapal naman ng mukha mo!" "Mas makapal ang mukha mo nang agawin mo sa akin si Jared. Kung hindi ka lang buntis noon ay hindi ka naman talaga pakakasalan ni Jared kasi ako talaga ang mahal niya." Umabri siyete pa ito sa asawa ko. Si Jared ay hindi alam kung anong gagawin niya. "Kahit ano naman ang sabihin mo dyan, kabit ka pa rin!" "Kabit nga ako pero hanggang ngayon ay ako parin ang mahal niya at binabalik balikan!" Matapang na saad nito. Masakit ang mga salitang binitawan nito pero pilit parin akong nagpapakatatag. Ayaw kong umiyak sa harapan ng babaeng ito. Ayaw kong isipin niyang mahina ako. Alam ko naman na nagsimula ang lahat ng ito sa mali dahil lasing kami noon at may nangyari sa amin ni Jared. Ipinagkasundo kami ng aming mga magulang na ipakasal. Nang mga panahong iyon ay maayos naman ang aming pagsasama. Kahit na nakunan ako sa pinaka unang anak namin. Akala ko, maayos ang lahat. Akala ko mahal niya ako? "Mamili ka sa amin ng anak mo Jared! Siya o kami ng anak mo?!" Marahas na tanong ko sa kanya. "Jared ako ang piliin mo, hindi mo naman siya minahal diba? Ang sabi mo naawa ka lang sa kanya. Na naipit ka lang sa pagpapakasal sa kanya dahil iyon ang gusto ng Daddy mo diba?" Pangungunbinsi nito kay Jared. Palipat-lipat lang ang tingin ni Jared sa aming dalawa. Hinihintay ang kasagutan niya. "I'm sorry Sandy." That's my cue... Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon. Ang sama ng loob ko kay Jared. Tinawagan ko si Tatay Karyo at mabilis naman itong nakarating sa kinaroroonan ko. Sumakay ako sa backseat upang ikubli kay Tatay Karyo ang sakit na nararamdaman ko. Wala itong ideya sa nangyayari sa aming mag asawa. Habang umuusad ang sasakyan ay naiisip ko na naman ang mga sinabi ng ex girlfriend ni Jared. Kung hindi lang ako nabuntis noon hindi naman talaga ako pakakasalan ni Jared. This time humahagulgol na ako. Wala na akong paki kay Tatay Karyo kahit panaka-nakang tinitignan ako. Bumuhos ang malakas na ulan, naging mabagal ang usad ng sasakyan. Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. And then I saw a couple, both standing inside the street. Walang pakialam kung nababasa na ang dalawa sa pagbuhos ng ulan. They passionately kissing under the rain. Biglang naglilikot ang aking tiyan. Kumalma na ito kasi kanina sobrang naninigas ito. Kusa namang huminto ang aking mga luha. Wala naman mangyayari kung iiyak lang ako ng iiyak. Napasinghap ako sa aking kinauupuhan nang lagyan nang lalake ng singsing ang daliri ng babae. Animoy nanonood lang ako sa isang pelikula, bagay ang dalawa. Sana magtagal sila. "Tay Karyo, kayo na po muna ang bahala mag ayos sa mga grocery bags. Pahinga lang po muna ako sa kwarto, salamat." Matamlay kong saad. Tumango lang ito. ---- Nakatulog ako sa sobrang pagod at sama ng loob. Naalimpungatan lang ako nang may walang hiyang humahaplos sa aking mukha. Nabungaran ko si Jared. Malungkot siya. Pero bakit naman? Hindi ba dapat masaya siya kasi magsasama na sila ng ex niya. I sat up on the edge of the bed ayaw ko sana siyang makita pa. Hindi ba pinili niya na iyong babaeng yon. Ano pang ginagawa nito bakit hindi pa siya magbalot-balot ng gamit niya. "Ano pang ginagawa mo dito? You can leave anytime..." Walang gana kong sabi. "I won't leave... I chosed you and our baby.." Ano daw? "So, anong gusto mong sabihin ko? Na thank you very much for not leaving us and for choosing us....?!" Tumayo ako ganon din ang ginawa nito. Ngayon ay magkaharap kami at hawak nito ang mga palad ko. "Pwede ba, galit ako sa iyo. Bakit ka nagpakasal sa akin kung napilitan ka lang pala?" "Oo sige aaminin ko nung una hindi kita gusto...pero habang tumatagal napapamahal kana sa akin. At hanggang ngayon naman ikaw pa rin naman ang mahal ko. Kayo ng magiging anak natin." "Naglilinis ka lang ng kasalanan kaya nasasabi mo ang mga iyan. I want you to be honest. May nangyari ba sa inyo?" Straight forward kong tanong. "Yes we had sex." Sagot nito. Bigla na lang tumulo ang luha ko. I can't imagined that he did it with her ex. Masakit. Sana hindi na lang ako nagtanong para hindi na lang ako nasaktan sa sagot nito. Mabilis kong binawi ang aking mga kamay na hawak nito. "Go away! Nandidiri ako sayo! Kung kailangan magpa- quarrantine sa hospital gawin mo! Maligo ka ng dis infectant...Saka ka bumalik sa akin kapag wala nang bakas ng pambabae mo!" I sarcastically said. Anger was written all over my face. Natigagal naman ito sa tinuran ko. Niyakap ako ni Jared pero hindi ako gumanti. Nilalaro nito ang aking buhok o di kaya'y susuklayin nito gamit ang kanyang mga daliri. We stayed like that for a minute. Nakasandig ang ulo ko sa kanyang balikat, i let my tears fall. This time i can't controll my sobs anymore. "Bakit mo iyon nagawa sa akin Mahal? Hindi pa ba ako sapat, kami ng magiging anak mo? Nagkulang ba ako?" Pasinghot singhot kong sabi sa kanya. "Shhh... Don't cry Mahal, makakasama sa magiging anak natin iyan. Tahan na. Hear me out please?" He said and I nodded. He cupped my face. He wiped my tears away and we looked each others eyes. Binuhat niya ako ng may pag-iingat. Hindi niya ako binitawan, umupo kami sa kama na kahit mabigat na ako ay kinandong pa rin niya ako. My hands were snakef around his neck. Then i listen to him as he confess. "You already know Mia Right? She's my first love. Iyong the one that got away ko." Tumango ako at hinihintay pa ang susunod nitong sasabihin. "The hardest decision a man can deal with is losing the girl he loves. I married you because of the child you're bearing, then we lose the baby. After all i managed to stay in this relationship although i have the chance to escape and be with my the one that got away, i want to chase her. But theres always a force that pulling me back to you. Then i realized that i can't leave you. Its not because were having a baby now. Its because after all this years, even if you're surrounded with your past relationships. A man can always stick to one. I love you, im sorry if i lied." "Im still confused? Hindi mo siya mahal? Pero naghalikan kayo kanina?" Naiinis kong sabi. "Ginawa ko iyon dahil gusto kong malaman sa sarili ko kung mahal ko pa ba siya o hindi na. Then i realized, that i have no feelings for her." He sincerely said. "Kahit na! Hindi mo parin dapat ginawa iyon? Sinaktan mo ako..." "Give me more chance, babawi ako sa iyo. Sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sayo. I cant lose you and our baby. You are the most important person in my life." "Pag iisipan ko. Baka naman kasi kapag nakatalikod lang ako magkikita na naman kayo? You should be here by my side, lalo na't ang laki na ng tiyan ko. But you managed to flirt with your ex." Puno ng pagdaramdam ang boses ko. "Mahal naman..." "You had sex?" Tanong ko ulit. "Yes, but we just did it once. Wala nang sumunod pa." "Unbelievable!" "Believe me, lasing lang ako noon kaya may nangyari sa amin. Siya iyong nag-initiate hindi ako. Ok i admit, it just lust." "Okey, enough!" "What will i do just to forgive me?" "Wala ka namang dapat gawin. Okey lang ako, basta mangako kang hindi ka na uulit pa." Mahigpit niya akong niyakap. "Jared si baby naiipit na!"maktol ko pa. "You don't have to worry Sandy, tinapos ko na kung anuman ang namagitan sa amin ni Mia. Promise too, that despite of my weaknesses you will not going to leave me. That you'll still love me no matter what happen." "Kahit naman ano yatang gawin mo, hindi naman kita kayang tikisin. But," I raised my brow and looked at him. "I can forgive, but i can't forget. Dahil 'di ganun kadali ang basta na lang ang patawarin ka. Kaya mo bang makasama ako na babalik balikan at bibilang bilangin yang mga kasalanang ginawa mo? Kaya mo ba iyon?" I said and He just smiled. "Past is past. It can never be back together. You're my future now and ill stand with you forever." "Nakakainis naman kasi. Ah, basta gusto ko mag start tayo from the top." "Alright, ill court you then.." Nilapit nito ang mukha nito at akmang hahalikan ako sa labi. Hinarang ko ng palad ang labi niyang nakanguso at tinampal iyon. "Yuck! Hindi ka ba nahihiya sa akin? Humalik ka sa iba tapos ipanghahalik mo sa akin yang dirty mouth mo?! Kadiri ka!" Tumawa ito ng malakas at napakamot sa ulo. "Akala ko makakalusot." Sabi nito na naka ngisi pa. "No kissing until i give birth, kailangan malinis ka muna. Make sure maligo ka ng isang drum ng alcohol para mawala yang bakas ni kaderder Mia sa katawan mo!" Napuno nang malakas na tawanan buong kwarto. Parang wala namang nangyari kanina. Mababakas sa mga mukha nito ang pagkakaintindihan. "I love you Mahal, salamat sa pakikinig mo. Wala kang katulad. Thanks for understanding me despite of all the bad things i've done. Im sorry if i got weak and i got tempted by my ex." He said. "I love you too Mahal, tapos na iyon. Okey na closed book na iyan. I hope Mia can find other man, pero dapat sa single siya pumatol. What will you do kapag isang araw nakasalubong natin siya sa isang lugar?" I asked. "I just hold your hand and don't look back where she is." He answered. "Paano kung batiin ka niya?" I asked again. "Then, babatiin ko din siya." Napasimangot ako sa sagot nito. "Akala ko hindi mo siya papansinin." Inirapan ko siya. "Ang selosa mo talaga... Eh di wag pansinin. Susundin ko lahat ng utos mo. Just to prove to you that i can change. Huwag ka ng mag-isip pa. I won't hurt you anymore. Lead me and i'll follow your rules." He gives me sweet little kisses on my hands. I cried so hard. Im so overwhelmed. WAKAS... © 2016 ApollomooreAuthor's Note
|
StatsAuthorApollomoorePhilippinesAboutI love reading...and i love writing. When i write i can escape with reality. Its a stress reliever for me. more.. |